Itinuon ko ang pansin sa pagkaing nasa harapan. Mabuti na lamang at naging masunurin si Arrianne kay Ares. Mas lalo pa akong nag-enjoy sa pagkain dahil sa ilang papuri ni Adam na hindi ko na rin maawat. Tinuruan ako ng nanay na magluto kaya alam ko kung paano. Lahat kaya kong gawin lalo na sa paglilinis ng bahay. Nang matapos sa pagkain ay agad na akong tumayo mula sa hapag-kainan. Gano'n din si Adam. "Mommy Cally bakit ang sarap mong magluto?" "Hmmm... dahil siyempre tinuruan ako ng nanay ko," nakangiting sagot ko sa batang tila hindi yata nauubusan ng tanong. Sumunod lang siya sa akin. "We're done, daddy," aniya sa amang si Ares. "Alright, son." Pagdakay umikot siya saka lumapit sa akin. Hinawakan ang isa kong palad. Diretso lang ang naging tingin ko palayo sa dinning. Medyo naka

