Tatalikod na sana ako nang hilahin ako ni Ares at walang-sabing inangkin nito ang aking mga labi. Nagpapalag ako kaya lang hindi ako makawala mula sa pagkakayakap nito sa akin. Amoy na amoy ko ang alak na iniinom nito. Masyadong malakas si Ares upang itulak ko. Babae lang ako at ano'ng silbi ng lakas ko? What the! Hindi ko hinayaan na makapasok ang mga dila ni Ares sa looban ng aking dila. Nanatili akong nakatikom, tang-ina mukhang madale pa ako ng damuhong lalaking ito. Hindi ako papayag. Sinubukan kong ipunin ang buo kong lakas at walang-sabing ginamit ko ang aking skills sa pinag-aaralan kong taekwondo class. Isang malakas na pagtapak ko sa kabilang paa ni Ares dahilan upang mapahiyaw ito sa sakit at nabitawan ako. Pagdakay marahas na itinulak ko ito. Hinihingal na pinukol ko ito ng

