"And you did it to her?!" Hindi makapaniwalang turan ni Micah. Halatang nagulat sa aking sinabi. Narito siya ngayon sa aking opisina. "Aba, nainis ako alangan namang hayaan ko siya na bastusin ako? Tao lang ako at hindi perpekto, Micah." "By the way, hindi parin matunton ng PI ang kinaroroonan ni Lavinia. Mukhang nakatunog si Lavinia sa ginawa nating ito at malakas ang kutob ko," ani Micah sa akin. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Ang totoo, nasanay na ako sa buhay ko sa piling nina Ares at Adam pero hinahanap-hanap ko parin ang presensiya at pagmamahal ng aking mga magulang. Muli kong binuklat ang ilang photo album ni Lavinia. Makikita ang mukha ng aming mga magulang, ang aming ama't ina. Bakit nga ba ako nawalay sa kanila? "Pwede mo rin bang alamin kung bakit ako n

