"Mommy!" Masiglang salubong kaagad ni Adam nang makauwi ako sa bahay. Hindi ko inaasahan na narito pala si Arrianne na kapatid ni Ares kasama ang kaibigan nitong si Deborah. "Yes my prince," saglit lang ang tinging ipinukol ko kina Arrianne at Deborah na kapwa pa nakataas ang mga kilay. "Don't mind them, mom. Mas maganda ka pa sa kanila," nakangiting bulong sa akin ni Adam. "Hmmm... at talagang nambola ka na naman sa'kin, ha?" mahinang sagot ko saka pinisil ang matangos na ilong ni Adam. Tawang-tawa naman ito. Samantalang nakapaskil ang mapanudyong ngiti sa aking mga labi. Kahit kailan hindi ako matitinag sa dalawang bruha. "Dito ka lang at magbibihis lang si Mommy, okay?" "Alright, mom!" Masiglang sagot ni Adam. Ang dating malungkot na mukha noon ng batang si Adam ay may kakaib

