Masaya ako dahil sinama na rin ako ni Ares lalo na sa ilang meetings nito sa ilang mga investors at clients. Ginampanan ko ng maayos ang pagiging sekretarya nito. Hindi tulad ng dati na may gap kami sa isa't isa at halos konting mali ko lang ay biglang bumulusok ang inis sa anyo ni Ares. So far and so good naging successful ang ilang mga pag-uusap at pareho kami ni Ares na masaya at inspired sa bawat ginagawa. Sa ngayon kasalukuyang papunta na naman kami sa isang party. Ang venue ay sa beach na siyang pagmamay-ari rin ng isang businessman na kasosyo ni Ares sa negosyo. "Sigurado ka ba na okay lang itong suot ko?" conscious kong tanong kay Ares. "Yes, lahat naman ng isinusuot mo ay talagang bumabagay sa'yo," nakangiting sagot ni Ares. Pagdakay isinuot ko ang mask since masquerade party

