"Ma'am, para raw po sa inyo," nakangiting biro ni Charity sa akin. Kumunot ang aking noo. Pagdakay tumaas ang isa kong kilay. Flowers and chocolate? At kanino naman ito galing? "Are you sure na para sa akin 'yan?" takang-tanong ko. Sino namang magbibigay sa'kin ng mga ito? Wala akong maisip. Nang biglang tumahip ng malakas ang aking dibdib nang maalala si Ares. "Sino pa nga ba? Siyempre kay Mr. Walton," nakangiting turan ni Charity sa akin. Tinanggap ko ang naturang bulaklak at chocolate. Napansin ko ang isang card. "Ayiee, excited na akong basahin mo ang nakalagay sa cute na card, Ma'am Cally," nakangiting ani pa ni Charity na may halong panunudyo. Hindi ko napigilan ang sarili na kiligin din. Kaloka, nakakahawa rin talaga itong babaeng ito. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung gali

