Kabanata 5

1047 Words
WALA sa television ang aking atensyon kundi nahulog sa malalim na pag-iisip. Dumating sa akin ang balita na ibang-iba raw ngayon ang aking asawa na si Lavinia. Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao. Alam kong ginawa na naman akong gagó ng babaeng iyon. Hindi ako papayag na manipulahin niya ulit ang isang tulad ko. "Ares, nabalitaan kong nakita mo na ang spoiled bràt mong asawa?" Napukaw ang atensyon ko nang marinig ang tanong ng aking ama. Nag-angat ako ng tingin. Naramdaman ko ang dahan-dahan nitong pagtapik sa aking kabilang-balikat. "Yes, dad." "So, how's my grandson, Adam?" "He's fine, dad. Nagdadalawang-isip nga ako na sana hindi ko iniwan si Adam sa bahay dahil alam kong sasaktan siya ni Lavinia kaya lang nagbago ang isip ko kanina nang makita kong niyakap niya ang bata. Something different about her but still I doubt her. Baka isa na naman sa mga taktika niya upang ako'y gawing gagó." "Alam mong sinasaktan naman pala niya si Adam bakit mo ipinagkatiwala sa kanya ang apo ko?" Hindi maipagkakaila ang inis sa boses ng aking ama. "Hayaan niyo at dadalhin ko si Adam dito." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ng aking ama. Naupo ito sa aking tabi at inilapag ang tasa ng kape sa glass center table. "Mabuti naman at natagpuan mo na siya. Ewan ko ba sa'yo at hindi mo kayang makipaghiwalay diyan sa asawa mo." "Alam niyo namang nangako ako sa ama ng aking asawa na kahit anong mangyari ay hindi ko pababayaan si Lavinia, dad." "That's bulls—hit!" Inis na sagot ng aking ama. Hindi na lamang ako umimik pa. "Ginagagó ka ng babaeng iyon tapos hinahayaan mo lang? Maraming babae ang nagkandarapa sa'yo pero bakit hindi mo maiwan-iwan iyong lintik na babaeng iyon, Ares? I'm sorry pero hindi ko na kayang pigilan ang emosyon." Pero bakit sinasabi ng puso ko na ibang tao ang kasama namin ngayon ni Adam? Even her eyes spoke the truth, but I feared she might be playing games with me again. "I know dad at hindi na ako magpapakatanga pa ulit sa kanya. Kailangan parin namin siya dahil kay Adam. Lalo na ngayon na tila parang nakuha na naman niya ang buong-atensyon ng anak namin para gamitin sa akin." "So, nahuli mo na ba ang kalaguyo ng asawa mo?" Umigting ang aking mga panga nang marinig ang sarkastikong tanong na iyon ng aking ama. "Hindi pa, t'saka wala na akong pakialam sa lintik na lalaking iyon, dad." "Good, mabuti kung gano'n. Mag-focus ka na lamang kay Adam. Regarding sa annulment na hinihingi ni Lavinia, pinirmahan mo na ba?" "Tapos na, dad." "Ewan ko ba sa'yo kung bakit mo pa hinanap ang asawa mo gayong sinasaktan lang naman ang anak niyo. Hindi ka ba nag-aalala sa anong mangyari ngayon lalo na at kasama ni Adam si Lavinia ngayon?" Mula sa aking bulsa ay dinukot ko ang aking cellphone. "Hindi niya kayang saktan si Adam lalo na at may mga CCTV camera sa bawat sulok ng mansion namin. Pwede ko siyang kasuhan kung sakali," sagot ko at binuksan ang apps kung saan pwede kong ma view kung nasaang area ngayon sa mansion sina Lavinia at Adam. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang makitang nasa kwarto ni Adam si Lavinia na ngayo'y magkatabi na natutulog. "Don't tell me magpapadala ka na naman sa paandar ng asawa mo, Ares? Darating bukas si Arianne," ani Dad sa akin. Si Ate Arianne ang kapatid kong babae na kasalukuyang naninirahan sa ibang bansa. Siyempre, hindi ko inaasahan ang balitang iyon. "I will kíll that bītch, Ares!" Tila nag-echo sa aking pandinig ang boses ng aking nakakatandang kapatid. Napahilot ako sa sariling sentido. Hindi ko akalaing uuwi pala ang magaling kong kapatid na babae. "Ano'ng problema?" "Nag-aalala lang ako kapag nakauwi na si Ate. Alam niyo namang gàlit iyon kay Lavinia." "Well, makakaharap niya rin ang kanyang katapat." Hindi ko napigilan na magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Sa buong-buhay ko ngayon ko lang naramdaman na mag-alala sa aking asawa. Nagsimula lang naman ito nang masilayan ko sa CCTV camera na katabi nito ang anak naming si Adam. Kilala ko si Adam hindi ito basta-basta madadala sa mga kasinungalingan ni Lavinia. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa instinct ko pero tumututol ang aking utak. Ayoko ng makipaglaro sa mga walang-kwentang nais ni Lavinia. "Gano'n na nga siguro," sabi ko na lamang kay Dad. NAKATUNGHAY lang ako kay Adam. Naawa ako rito dahil halatang uhaw ito sa pagmamahal at aruga ng isang ina. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa kinabukasan sa piling ng mag-ama. Dahan-dahang hinaplos ko ang makapal na buhok ni Adam. Kamukhang-kamukha ito ng kanyang ama na si Mr. Walton. "Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo magkakasama pero kailangan kong matagpuan ang aking mga magulang. Namiss ko na sila lalo na ang aking ina." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata. Hanggang kailan ba ako rito? "Panginoon ko tulungan mo po sana ako," mahina kong usal. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang malakas na pagtibok ng aking puso. Tila ba kanina pa bagabag ang aking diwa. Sinu-sino pa ba ang makikilala ko bilang si Lavinia? Natatakot ako dahil hindi ko alam kung sinu-sino ang mga taong naiinis kay Lavinia. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at inayos ang kumot ni Adam. "Good night, Adam." Saka ako nagpasyang matulog habang yakap si Adam. Kinabukasan nagising ako nang wala si Adam sa aking tabi. Dahan-dahang nag-inat pagdakay bumalikwas ng bangon mula sa malambot na kama. Hinanap ko ang suot na tsinelas at nagpasyang lumabas ng kwarto. Hinanap si Adam. "Adam, Adam?" Sumalubong sa akin ang isang kawaksi. "Ma'am, nasa dinning na ho si Adam kasama si Mr. Walton." "Gano'n ba? Mabuti naman kung gano'n," sagot ko na may ngiti sa labi dahilan para magulat ang kawaksi sa naging reaksyon ko. "M—Ma'am, ihahatid ko lang ba ang lunch mo sa kwarto mo?" Nauutal na tanong sa akin ng kawaksi. "Sige," sagot ko. "Yes, Ma'am." "Salamat," sagot ko. Saka ko lang naalala na takot nga pala ang mga tao kay Lavinia. Hahayaan ko silang alamin ang katotohanan at hindi ko babaguhin ang aking pagkatao. Ako si Cally Janeiro at hindi si Lavinia Walton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD