Kabanata 6

1036 Words
Maraming gumugulo sa aking isipan pero nalilito ako kung bakit nangyari sa akin ang pangyayaring ito. Malakas ang kutob kong may kinalaman si Lavinia sa nangyari sa akin. Kailangan kong makatakas sa lugar na ito. Kailangan kong makauwi sa bahay. Nakaramdam ako ng matinding pangungulila sa aking mga magulang. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga saka dinampot ang aking cellphone kuno na iPhone. Never in my entire life na makahawak ng ganito kamahal na cellphone. Ang naalala ko lang ay nakabili ako ng cellphone sa halagang singko-mil. Pero hetong hawak ko ngayon ay nakakatakot na i-display sa labas lalo na at nakaka-attract ito sa mga mata ng mga snatcher. Inaamin kong hindi ako marunong gumamit nitong iPhone pero kailangan kong matuto lalo na at kailangan kong makontak ang boyfriend kong si Phillip. Dàmn, I miss him so much. Ano na kayang iniisip ni Phillip patungkol sa akin? Panigurado akong nag-aalala na sa akin ang aking boyfriend. Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga at pinag-aralan na lamang na gamitin itong iPhone na nasa aking mga kamay. Nailing na lamang ako, mahirap nga naman kapag laki sa hirap tapos biglang parang magic na naging isang mayamang nilalang. Sino ba naman ang mag-aakalang masadlak ako sa ganitong sitwasyon na totoong hindi ko inaasahan? Napangiwi ako, mga mukha ni Lavinia Walton ang nasa gallery kung saan napaka-elegante nitong tingnan. Wala akong panama sa ka-seksihan ng babaeng nasa larawan. Ngunit nang pagmasdan ko ang sarili ay napalunok ako dahil hindi maipagkakailang magkamukha, magkasingkatawan, magkasing-kinis, parehong tangkad pero magkaiba nga lang kami ng buhok, mas mahaba ang buhok ni Lavinia samantalang ang akin ay hanggang balikat lang, straight hair ito samantalang ako ay wavy hair na hindi blonde. It's pure black dahil siyempre alaga ito sa niyog every weekend nilalagyan ng Tatay at nanay ko dahil iyon daw ang sekreto para gumanda at healthy ang buhok. "Mommy?" Napalingon ako sa pamilyar na boses ni Adam. Ngumiti ako rito. "Yes, Adam. Halika, may kailangan ka ba?" "Pwede mo ba akong tulungan sa mg assignments ko?" tanong nito sa akin habang hawak ang lapis at papel. Halatang kinakabahan. "Sure," kunot-noong sagot ko saka ngumiti rito. Sumilay sa mga labi ni Adam ang kakaibang ngiti. "Yeheeey!" Hindi maipagkakaila na uhaw sa atensyon at pagmamahal si Adam. Kung kapatid ko man si Lavinia ay dapat lang na mahalin ko ang pamangkin. Ibinigay agad sa akin ni Adam ang papel at ipinakita sa akin. "Nahihirapan po ako rito, mommy." "Hmmm... madali lang naman ito kapag naging pamilyar ka na sa mga numbers," nakangiting sabi ko saka masayang tinuruan ang bubwit na katabi ko. Kahit paano ay naibsan ang lungkot na nadarama sa aking damdamin dahil sa presensiya ni Adam. "Excuse me, ma'am. Nariyan po si Ma'am, Tan." Kumunot ang aking noo at napatitig sa mga mata ni Adam. "Who's, Ms. Tan?" Nakangiting nakatitig si Adam sa kanyang mukha na wari bang pinag-aaralan ang kanyang ekspresyon. "I know na hindi ka nga si Mommy. She's your best friend. I guess you can tell her the truth po, mommy. Baka sakaling makatulong po siya sa sitwasyon niyo ngayon." Tila naman nabuhayan ako ng loob nang marinig ang sinabi ni Adam. "Sa tingin mo maniniwala siya sa sasabihin ko gayong hindi naman naniniwala sa'kin ang mga tao rito sa mga sinasabi ko." "Just try, mom." Pampalakas-loob na ani Adam sa akin. Hopefully, umaasa akong sana nga makumbinsi ko ang best friend kuno ni Lavinia. Magkakasundo kaya kami ni Micah. Malayo pa man ay narinig ko na ang ingay ng takong na papalapit sa kinaroroonan namin ni Adam. "Lavinia, Adam?" Sinalubong ko ang kulang asul na mga mata ni Micah nang marinig ko ang boses nito. "Tita Micah, I'm glad you're here!" Masiglang turan ni Adam. Bakas sa mukha ng bata na tila ba masayang-masaya itong makita ang best friend ko kuno na si Micah Tan. Mababakas sa anyo ni Micah ang labis na pagtataka. "So, it's true?" Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Ayokong magpaliguy-ligoy pa hindi ako si Lavinia, at kailangan ko ang tulong mo, Ms. Tan." Nagulat ako nang biglang bumunghalit ng tawa si Micah sa sinabi ko. Napasulyap ako kay Adam at nagkibit-balikat lang ito sa akin. "Bàliw," ani ko kay Ms. Tan. "Come on, Lav. We're best friends at hindi mo ako maloloko. Adam, pwede mo ba kaming iwan sandali ng mommy mo?" Napasulyap sa akin si Adam. Ngumiti ako rito. "Sige na," ani ko. "Yes, mommy." Pagdakay ginulo ko ang buhok ni Adam. "Really, Lav? Tunay nga na nakakapanibago ka raw. Alam mo bang nagkausap kami ng asawa mo? Gosh, kinakabahan na ako sa mga pinanggagawa mo," palatak ni Micah sa akin. "Dahil totoong hindi ako si Lavinia Walton. I'm Cally Janeiro," matigas niyang sagot kay Micah. "There you are again, lying again. Please, Lav. Alam kong galit ka sa asawa mo dahil pinakasal ka sa kanya na walang ni katiting na pagmamahal. Ni minsan hindi mo narinig kay Ares na sisihin ka sa nangyari rin sa kanila ng kanyang long-time girlfriend na dapat sana ay siyang naging asawa niya." "I get it now," ani ko. "What?" nagtatakang-tanong ni Micah sa akin. "Ibig sabihin ikinasal sila na walang pag-ibig sa isa't isa?" ani ko. Umikot lang ang eyeballs ni Micah sa akin. "Stop fooling around, okay?" "I'm not, Ms. Tan. Totoong sinasabi ko na hindi ako si Lavinia Walton. I'm Cally Janeiro," ani ko at mabilis na hinawakan ang mga kamay ni Micah saka pinakatitigan ito sa mga mata. "A—Are you serious?" kunot-noong tanong ni Micah sa akin. "I am. Makinig ka sa akin at sa tingin ko ikaw lang ang makakatulong sa akin since sinabi sa akin ni Adam na ikaw ang matalik na kaibigan ni Lavinia." "Pero... paano ako makakasiguro na hindi nga ikaw si Lavinia?" "Malalaman mo rin kapag palagi tayong magkikita at alamin mo kung anong pagkakaiba ang napapansin mo sa'kin. Please... I beg you, kailangan kong makaalis sa lugar na ito." Humigpit ang hawak ko sa mga kamay ni Micah. "K—Kung gano'n, n—nasaan ang kaibigan kong si Lavinia?" "Iyan ang alamin natin, at kailangan tayong magtulungan. Umaasa akong naniniwala ka sa'kin, Micah. " "I guess so..." "Please... believe me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD