"Sabihin mo nga sa akin, gaano ba ako ka-suplada?" tanong ko kay Charity na tila hindi komportable sa aking presensiya. Halatang nag-atubili pa na maupo sa silya. Ni hindi makatingin sa aking mga mata ng diretso. "S—Sobra po," maingat niyang sagot sa akin, tila ba natatakot na aking pagalitan kung sakaling magbitaw ng salita na hindi ko magugustuhan. "Really?" "Y—Yes, ma'am." Nauutal parin niyang sagot sa akin. Kung gano'n, ibig sabihin talagang kinatatakutan nga si Lavinia ng mga employees ni Mr. Walton. "Huwag kang mahiya, mas gusto kong kumain na may kasama. Nakaka-bored kasi na mag-isa lang kumain," ani ko. Tahimik lang si Charity kaya wala akong choice kundi buksan ang flat screen TV since nag-umpisa na naman akong ma bored. Hindi ako sanay na may kasamang tahimik, nasanay kasi

