Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nagising ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. Nakatulog pala ako sa biyahe. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay sinalubong ko ang seryosong dalawang pares na mga mata ni Ares. "We're here," aniya. Dahan-dahang inayos ko ang sarili, I unbuckle my seat belt. Saka lang nag-sink-in sa aking utak na hindi na pala ako estudyante kundi isang babaeng may asawa at anak. Tinanggal ko ang earphone na nasa aking tenga at umibis mula sa kotse. "Mommy!" Sumalubong sa akin ang taginting na tinig ni Adam. Nakaramdam ako ng kakaibang tuwa mula sa aking puso. Yes, napalapit na talaga si Adam sa akin. Lumapad ang ngiti sa aking mga labi nang makita si Adam. "Adam..." Isang mahigpit na yakap mula kay Adam ang pumawi sa pagod kong katawan at isip. "You missed

