Inayos ko ang kumot ni Adam. Tulog na siya at kailangan kong puntahan si Ares para alamin kung nasaan si Phillip. Alam kong insulto para sa kanya dahil sa pag-aakalang ako si Lavinia pero boyfriend ko si Phillip at obligasyon kong protektahan ang aking katipan. Lumabas ako mula sa kwarto ni Adam at gano'n na lamang ang gulat ko nang mapagbuksan ko si Ares. Napahawak ako sa banda kung nasaan ang aking puso. Pasimpleng sinilip lang ni Ares ang anak. "Tulog na siya," ani ko. "Ano'ng ibig sabihin ng mga kinikilos mo, Lavinia?" "Cally, iyan ang tunay kong pangalan. Hindi ako si Lavinia, period!" Inis kong sagot. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi na ako maniniwala sa'yo?" Gigil na turan ni Ares sa akin. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko sa narinig mula sa kanya. "Wala ak

