Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa aking mesa. Palibhasay tambak na naman ako sa ilang mga gawain. Muli kong naalala ang text message na ipinadala sa akin ni Phillip at labis na nagdurugo ang aking puso sa desisyong hindi ko inaasahan. Muli na namang tumulo ang masaganang luha mula sa aking mga mata. Sinayang niya ang ilang taon naming pinagsamahan nang dahil lang sa banta ni Ares. Dàmn it! "I want my brewed coffee." Narinig ko ang boses ni Ares mula sa intercom. Pinunasan ko ang mga luha mula sa aking mga mata at pisngi. Kailangan fresh ang aking mukha. Ayokong makita ni Ares na nahihirapan ako. Tumayo ako mula sa aking swivel chair at agad na tinungo ang maliit na kitchennet para magtimpla ng kape. Ang hirap palang maging sekretarya ng isang Ares. Napaka-unfair dahil wala a

