Isang malakas na sampal sa kabilang pisngi ang dumapo kay Ares. Hindi ko rin inaasahan na masampal ko ito. Nagulat ako at deserve nitong matikman ang hagupit ng isang palad ko. "What the f—ck, Lavinia?" "I told you, hindi nga ako si Lavinia at wala kang karapatang halikan ako ng gano'n na lamang, Mr. Walton. Nakakarami kang damuho ka!" galit kong sabi. Sinalubong ko ang galit na mga mata ni Ares. Hindi ako nagpatinag. "Totoo ang sinasabi ko at babalik na ang asawa mo rito." "Bullsh-t, enough with this nonsense!" galit na sigaw ni Ares kasabay ng paghampas sa office table nito. Napatda ako sa sobrang gulat. "I guess kailangan ko ng umalis," ani ko. "Lavinia!" "Cally, iyan ang pangalan ko." Umigting ang mga panga ni Ares nang marinig na naman ang pangalang Cally na siyang iginiit

