"Are you sure na naniwala sa'yo si Ares at hindi ka niloloko ng lalaking 'yon?" gulat na tanong ni Micah sa akin. Sandali akong natigilan sa sinabi ni Micah. Pagdakay binalikan ang naging reaksyon ni Ares no'ng isang gabi. "Seryosong nakipag-usap sa akin si Ares at sigurado akong naniniwala siya sa akin sa mga oras na iyon, Micah." "Hindi tayo sigurado kung talagang naniniwala siya sa'yo. Baka naririndi na siya kaya sinabayan niya nalang ang mga trip mo." Nahagip ng aking tingin ang isang anino na tila ba parang may nakikinig sa amin ni Micah. "Totoo ang sinasabi ko at sana maniwala sa'kin si Ares bago pa man bumalik si Lavinia upang palitan ako." Napalingon ako sa may gazebo. Sigurado akong kami lang dalawa ni Micah ang narito kaya hindi ko napigilan ang sarili na tumayo mula sa cou

