"Bakit gusto mo akong makausap?" tanong ko kay Ares. Ewan ko ba pero bakit parang naninibago ako sa paraan ng mga titig nito. Bakit abut-abot ang kaba ng aking puso? Mukhang hindi na yata normal ang nararamdaman ko. Sumilay ang kakaibang kislap sa mga mata ni Ares. Ako na tila kinikiliti ang puso nang masilayan ang mukha ng lalaking nasa aking harapan. Kakaiba ang awra nito ngayon. Para bang isang binata na umaakyat ng ligaw para sa babaeng tanging sinisinta. Ligaw? At saan ko naman napulot ang ideya ang salitang ligaw? Okay lang ba talaga ako? Ewan ko ba pero bakit hindi mapakali itong puso ko na tila kaylakas kumabog sa tuwing tinitingnan ako ni Ares? Dahil ba sign na ito na totoong naniniwala sa mga sinasabi ko? "I just want to invite you a dinner mamaya kung okay lang sa'yo?" Nagu

