Chapter 2

1049 Words
RAINE’s POV Haist. Kanina pa ako rito sa may library dahil ayaw akong payagan ng student-assistant na makahiram ng libro. Nawawala kasi ang ID ko at ito ang kailangan para makahiram ng libro sa aming Library. At kahit anong pakiusap at pa-cute ko ay ayaw akong pahiraman ng libro. Hay, buwiset. Kailangang-kailangan ko pa naman ng libro para sa klase ko mamaya. Wala na akong nagawa pa kundi ang umalis. ‘Di ko naman puwedeng hiramin ang ID nila Mae-anne dahil kulang na ang oras ko kung pupuntahan ko pa sila. Lugung-lugo akong umalis sa Library. Pababa na ako sa hagdan nang makarinig ako ng malakas na boses. "Miss na naka-pink!" Dedma dahil badtrip ako. "Miss na naka-pink!" Ano ba?! 'Di ba niya alam na andaming tulad kong naka-pink na estudyanteng naglalakad sa pasilyo? Pababa na ako sa hagdan nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. "Miss, ambingi mo naman eh!" 'Nak-ng-pots naman. Ako pa raw ang bingi, noh? "Bakit ba kase?!" asar na tanong ko. "’Di ba nawawala ang ID mo?" nakangisi niyang tanong sa akin. "Teka, paano mo nalamang...? Na sa'yo ba 'yung ID ko, ha? Na sa'yo ba?" Hindi ko namamalayang nakahawak na pala ako sa kuwelyo ng damit niya. "Wala! Kung gusto mong makuha 'yung ID mo, pumunta ka roon sa Gym mamayang 6 pm." Pinagpag niya ang mga kamay ko. "Bakit 6 pm pa, ba't ‘di na lang ngayon?" nakangiwi kong tanong. "Basta 6 pm." At tinakbuhan na ako ng walangya. Takte naman! Nakabusangot na akong bumaba sa hagdan at nagpunta sa computer lab kung saan gaganapin ang klase namin. Ang galing tumayming ng kumag, ah? Alam kung anong oras matatapos ang klase ko. Sa buong durasyon tuloy ng mga klase ay wala akong ginawa kundi hintaying mag-6 pm. Nang matapos na ang panghuling klase ko ay nauna pa ako kesa sa instructor namin na lumabas sa lab. Tumakbo ako papuntang Gym. Malapit na ako roon nang makarinig ako ng hiyawan. Isa lang ang ibig sabihin nun. May basketball game. Pumasok ako sa loob at tumayo malapit sa pintuan ng Gym. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Asan na ba 'yung luko-lukong nakapulot sa id ko? Nagulat ako paglingon ko nang makitang nagtatakbuhan ang mga nagba-basketball papunta sa direksyon ko. Hinahabol nila 'yung bolang tatama sa akin. Sa gulat ko ay hindi ako nakakilos. "Ahh!" napasigaw ako nang bigla akong talunin ng isa sa mga players. Pareho kaming napahiga sa lapag ng gym. "Ouch!" Ansakit ng puwet ko. Naramdaman kong itinayo ako ng player na tumalon sa akin. "Thanks!" Pinagpag ko ang damit ko na ‘di pa rin nililingon 'yung player. Nanatili lang siya sa harap ko. Ba't ‘di pa siya bumabalik sa game? Tumingin ako sa harap ko. Maputing katawang naka-jersey lang ang sumalubong sa akin. Antangkad naman nito. Hanggang kili-kili lang niya ako. Unti-unti kong inangat ang mga mata ko para makita ang mukha nung player. Nanlaki ang mga mata ko ng matitigan ko ang mukha niya. Siya si... si... Ahehe. Nakalimutan ko. Nakatingin lang naman siya sa akin nang matiim. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilahin ako papunta sa bench ng team niya - ang 5 Kings. "Ano ba?!" Pilit kong hinihila ang kamay kong hawak niya pero hindi niya ito binitawan. Tinitigan niya ako nang matalim kaya wala na akong nagawa kundi ang mapalunok at maupo. "Don't go anywhere. Wait for me." Tumalikod na siya na hindi man lang hinintay ang sagot ko. Suplado talaga. Teka bakit niya ako pinaghihintay? Well, andito na nga ako ba't 'di pa ako manuod habang hinihintay siya? Nasa kanya siguro 'yung ID ko. Sa school namin, 'yung ID ang buhay namin. Lahat ay nakadepende sa ID. Ewan ko nga kung paano nawala 'yung id ko. Noong hanapin ko kagabi sa bag ko ay wala na iyon. Siguro nahulog iyon noong makatulog ako sa shade kahapon at siya 'yung nakapulot kasi nagising akong katabi siya. Tama. Ganon nga siguro 'yung nangyari. Hay, salamat naman kung isasauli niya na. Ano na nga ulit pangalan niya? Haist! ‘Di kasi ako magaling sa pag-memorize ng mga pangalan, eh. Naagaw ang atensyon ko nang makarinig ako ng mga tilian. Na kay Mr. Suplado 'yung bola at kasalukuyan siyang nagdi-dribble. Tilian to the max. Wow, ha? Andaming fans. Gwinardyahan naman siya ng dalawang miyembro ng kalaban ngunit mabilis siyang nakalusot at na-shoot ang bola. Nagsigawan ulit ang mga fans niya. Nasa kalaban ngayon ang bola. Mabilis na tumakbo sa kabilang court ang 5 Kings para sa defense. Pa-relax-relax lang sa pag-dribble 'yung may hawak ng bola nang walang anu-ano'y inagaw ito ni Mr. Suplado sa kanya. Ambilis ng pangyayari. Naghiyawan ang lahat ng mag-three point shot pa ito. Bzzt! Hay, sa wakas natapos din ang laban. Panalo ang 5 Kings. 58-22. Tambak. Tumayo na ako habang hinihintay silang makalapit sa kinaroroonan ko. "Hey, cute. Ang galing ni Tristan, noh?" ngiting-ngiting sabi ni... Uhh, hehe. Sino na nga ito? "I'm Harry, remember?" Ay! Oo nga pala. "’Yan sina Apollo, Vince, Jacob at siyempre si Tristan." Itinuro niya si Mr. Suplado na papalapit na sa bench. So, Tristan pala, ha? Tinignan ko lang siya nang bigla ba naman niyang ibato sa akin 'yung towel na kinuha niya sa bag niya. Buti na lang at nasalo ko kahit nagulat ako sa ginawa niya. Pero mas nagulat ako nang pagharap ko sa kanya ay nakatalikod na siya sa akin. "Punasan mo 'yung likod ko." Wow demanding much? Ayoko nga! "I'm waiting," medyo naiinip niyang pagpaparinig. "Punasan mo na, Miss. You wouldn't want him mad at you," nananakot na wika nung Apollo kaya no choice na ako. Inangat ko 'yung jersey niya sa likod at pinunasan ang kanyang likuran. Pagkatapos kong malinis ang kanyang likuran ay nakapikit siyang humarap sa akin. Anong ibig niyang sabihin sa ginawa niyang iyon? Kailangan ko rin bang punasan ang mukha niyang puno ng pawis? Nilingon ko ang mga kagrupo niya. Lahat sila ay nanunukso ang pagkakangiti sa akin. 'Yung Jacob naman ay nakatingin lang. Hay, ano bang ginagawa ng lalaking ito at bakit hindi na lang isauli 'yung id ko?! Kaasar naman, eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD