Chapter 1

1012 Words
St. Bernard University Baguio City First Day of Classes RAINE’s POV As usual nagkakagulo na naman ang mga kaklase ko habang ako ay nakapangalumbaba sa desk ko. Nami-miss ko na ang boyfriend kong si Waylon. Hindi pa kami nagkikita mula nung magtapos ang sem two months ago. Lagi naman siyang tumatawag at nagte-text pero alam mo ‘yun, iba pa rin kapag magkasama talaga kayo. Nasa second year na ako sa kursong Computer Science. Si Waylon naman ay Nursing ang kurso kaya bihira kaming magkita kapag oras ng klase. "Bez, laway mo tutulo na." hinilamos niya ang palad niya sa mukha ko. Yan si Marlon. Bff ko. Isa iyang chikboy pero ang best friend ay girl na walang iba kundi ako. "Ano ba?!" pinalo ko ang kamay niya. "Huhulaan ko, si Waylon noh?" ngisi niya sa akin. "Sino pa ba?" umismid ako sa kanya. "Uhh, akala ko isa ka sa mga nasisiraang mga babae dahil sa pagdating ng mga transferees na ‘yun eh." Huh?! "Andito raw kasi 'yung mga galing St. Claire University, 'yung 5 Kings." 5 Kings? Anong paki ko sa mga ‘yun? Yah, I've heard of them. Mga gangsters from St. Claire University. Tss. "Bakit na-kick out na ba finally 'yung grupong yun at dito na naman sa school natin maghahasik ng lagim?" "Nagsawa na raw sa mga babae ng SCU. Bez, mga guwapo raw mga ‘yun." tatawa-tawang sabi ni Marlon. "Hay, wateber. Si Waylon lang ang guwapo para sa akin noh." Taas-noo kong sabi sa kanya. Guwapo talaga si Waylon, mala-anghel ang mukha. Campus Heartthrob ng SBU. ‘Di ko nga alam kumbat naging bf ko yun. Sabagay, sabi ng nanay ko, maganda raw ako kahit hindi pang-model ang height ko. Ayii! Kaklase siya nina Erica at Mae-ann na mga kasama ko sa bahay na kumukuha naman ng Med Tech. Nagkita-kita kami sa Alberto's 8 months ago. Pinakilala sa akin. Nagbigayan kami ng loveletters and after a month, kami na. Hay, ako na ang suwerte sa bf. Guwapo at mabait na, sikat pa. "In love na in love ang bez ko ah." binunggo niya ang braso ko ng braso niya. "Tse!" pasuplada kong sagot sa kanya. Tutuksuhin pa sana niya ako nang… "Good morning, class!" and that started our first day of classes. ... Nakaupo ako ngayon dito sa isa sa mga shaded bench ng school. Tanaw ko ang kagandahan ng Baguio City. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. 6pm na. Isang oras pa bago dumating sina Erica at Mae-ann. Pare-pareho kase kaming tamad gumising ng maaga kaya panghapon ang kinuha naming schedule. Naghikab ako. Sarap kasing matulog sa lugar na ito. Sumandal ako sa bench. Matutulog muna ako tutal alam naman nung dalawa kung saan ako tumatambay tuwing hinihintay ko sila. Naghikab ulit ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko at sumandal sa railings ng bench. ‘Di ko na alam kung gaano katagal akong nakatulog pero naalimpungatan ako nang makarinig ako ng mga nag-uusap-usap na mga boses. "Ang cute niya noh?" Boy 1 "Rosy cheeks!" Boy 2 "Kissable lips!" Boy 3 "Tss." Boy 4 "Tulo laway!" Boy 5 Nagmulat ako ng mga mata at nagulat sa aking nakita. Tatlo na mukhang mga artista ang nasa harapan ko at nakatingin sa akin. Ngumiti ang tatlo sa akin samantalang nakaseryoso naman ang isa na nakaupo sa right side ng bench at nakatingin sa mga naglalakad na mga estudyante. Lumingon ako sa kinapapatungan ng ulo ko at bigla ko itong naiangat dahil matalim ang pagkakatingin sa akin ng lalaking may-ari ng balikat na tinulugan ko. Mabilis akong napaatras. Where the hell am I? Sino itong mga alien na ito? Ngayon ko lang sila nakita dito sa SBU. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Andito pa naman ako sa bench. "Hi, ang cute mo naman. What's your name?" nakangiting tanong sakin ng mestisong naka-red jacket. Kamukha niya si Legolas ng LOTR. Di naman ako sumagot. "He's Vince," sabi nung naka-black. "I'm Apollo, this is Harry." turo niya sa katabi niya. "That one is Jacob." tinuro niya 'yung nasa malayo. "And beside you is Tristan." liningon ko ang lalaki sa tabi ko na matalim pa rin ang tingin sa akin. ‘Di ko maiwasang magka-goosebumps sa impact ng tinging ibinibigay niya sa akin. Sheez! Naaano ito at ganito na lang kung makatingin? Sayang, guwapo pa naman kahit medyo umabot na sa panga niya 'yung bangs niya. ‘Di ko napigilang pag-aralan siya dahil medyo malapit ako sa kanya. Medyo singkit na nakakalunod na mga mata, matangos na ilong, red pouty lips. Mahaba ang buhok niya na may pagka-brown at umaabot sa balikat na naka-shaggy cut. Definitely my type of man pero nakakatakot siya lalo't hindi siya nakangiti. Tatanungin ko na sana siya nang marinig ko ang boses ni Waylon. Napatingin ako sa kinaroroonan niya at nakita kong kasama na niya sina Erica at Mae-ann. "Raine." muli niyang tawag sa akin. Tumayo na ako at nagpa-excuse sa mga lalaki sa harap ko. Agad naman nila akong binigyan ng daan. Naglalakad na ako papunta kay Waylon pero ramdam ko pa rin ang tingin nung Tristan sa likod ko. Ano bang problema nun? Sinalubong ako ni Waylon ng yakap at halik sa pisngi. Sabay-sabay na kaming naglakad paalis ng bf ko at mga kaibigan ko. Di ko na liningon 'yung mga yun. "Uy, ‘di ba 5 Kings mga ‘yun?" tanong ni Mae-ann. "Ma at pa." sagot ko sa kanya. "Ang guguwapo!" tili ni Erica. "Ney, bakit kasama mo sila?" si Waylon. Naka-pout siya. Ang cute ng bf ko. "Eh, nakatulog ako doon sa bench. Tapos nung magising ako, andun na sila." mahinahon kong sabi. "Hmm." nakanguso pa rin siya. "Uy... selos." nanunukso kong sinundot ang bewang niya. "Love you." bulong niya sa tenga ko nang umakbay siya sa akin. "Love you too, ‘ney." nakangiti kong sagot ngunit biglang nawala ang ngiti ko nang pumasok sa isip ko 'yung matatalim na tingin kanina sa akin nung lalaking nagngangalang Tristan. Damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD