RAINE’s POV Damn. Damn. Damn. Ambilis naman akong ipagpalit ni Tristan! Walangya naman! Hindi man lang niya ako nahintay na mag-sorry sa mga pambabalewala ko sa kanya. Hindi man lang niya ako hinintay na magsisi at bumawi sa mga pagkukulang ko. Ipinagpalit niya na ako agad! Nag-effort pa naman akong magpaganda at magluto para sa kanya. 'Yun pala... "Huhuhu..." pagngunguyngoy ko. "Raine! Buksan mo nga itong pinto. Ano ba ang nangyayari sa'yo?!" Kumatok ng ilang ulit si Tristan. "Go away!" pagtataboy ko sa kanya. "Ano ba, Raine?! Lumabas ka diyan at may bisita tayong aasikasuhin!" May halong inis na ang boses ng magaling kong asawa kaya naman umakyat ang dugo sa ulo ko. The nerve of this asshole! Siya pa 'yung may ganang mainis? At ako pa ang lumalabas na masama samantalang ako 'yun

