RAINE’s POV It has been four days mula nang umalis si Tristan papuntang HK. No text. No phone calls. No emails. Ganun ba kalaki ang pagtatampo niya sa akin at ni ha, ni ho wala siyang paramdam? Pwes, kung ayaw niya akong kausapin, ayoko rin siyang kausapin! Siya ang umalis nang walang paalam. Bakit kailangang ako ang magpakumbaba at mauunang tumawag sa kanya?! No. AYOKO! Naiinis ako. Kinakabahan. Natatakot. I admit. May mali ako. Pero sana naman, hinabaan pa niya ang pasensya niya sa akin. Sana naman inintindi niya pa ako na si Kian talaga ang priority ko sa ngayon. Sana naman, hinintay niya akong ma-explain pa 'yung side ko. Sana naman... s**t. Bigla na lang tumulo 'yung mga luha ko. Buti na lang hindi natuluan si Kian. Kaya naman agad ko na siyang ihiniga sa crib bago pa siya mabasa

