Axelle’s POV “Ang nais mo ba ay ang ipakasal ang anak kong si Axelle sa anak mong ‘yan para panagutan ang ginawa niyang katarandaduhan. Hindi ganun kadali ang lahat. Pananagutan niya ang anak kong bunso, paano na lamang ang mararamdaman ng anak kong si Cassy?” “Wala pong problema sa ‘kin, Papa,” biglang sumingit si Ate Cassy. Lahat ng atensyon ay nabaling sa kanya. Lahat ng mga tingin ay puno ng awa at pag-alala. Isa-isang tumulo ang luha ko ng makita kung gaano siya nasasaktan. “Tinanggap ko na rin ang offer na trabaho sa ‘kin sa Paris.” Binalingan niya si Kuya Izzie. Dama ko yung sakit at sama ng loob na nararamdaman niya para sa lalaking minahal niya sa mga titig na pinukol niya rito. “Thank you for making things easier for me, napadali ang papili ko. I'm still grateful, in some way

