Joreign's POV
Pinatay ko ang makina nang sasakyan sabay kuha nang bag ko, nilibot ko ang tingin sa loob dahil baka may naiwan ako o may makalimutan.
Araw nang linggo ngayon at mag isa ako. Walang Dalta at walang Vin na nakasunod. Pareho silang nasa Palawan.
It's actually been a few weeks since I cried my worries out on Vin. When I look back at it, a part of me can finally breathe. Parang may nawalang bigat sa dibdib ko dahilan para gumaan ang pakiramdam ko. Although, aaminin kong medyo nahihiya parin ako dahil nag break down lang naman ako sa harap ni Vin.
Buti na lang at mataas ang patience ni Vin at naintindihan niya. At dahil din don sa pangyayari na 'yon naging mas malapit na ako sa kaniya, at tingin ko naman ay ganoon din si Vin. Madalas ay naglolokohan na kaming dalawa, nag oopen narin ako sakaniya minsan nang mga ikinakabahala ko at ganoon din siya. Kahapon nga ay nag text siya, nagrereklamo kasi kinukulit daw siya ni Dalta.
To make the long story short, si Vin ang pumalit sa akin. Nasa Palawan siya para magtrabaho. Ang sabi ko sakaniya pwede naman niyang ituloy ang career niya, he can start again as a singer. Be a soloist, I said to him.
Nang sabihin ko 'yon sakaniya binigyan niya lang ako nang katahimikan. Hindi ko alam kung natuwa ba siya o na offend sa sinabi ko.
Pero isa lang ang alam ko. He misses singing.
Bumaba na ako nang sasakyan at isinara ang pinto, chineck ko pa ulit ang lock dahil baka mamaya ay madali itong mabuksan. Nag park lang ako saglit sa harap nang cafe dahil hindi naman ako mag tatagal. Nag crave lang ako nang kape. Maaga pa pero tirik na ang araw, mabuti na lang at may cardigan ako.
Dire-diretso ang lakad ko. Inayos ko pa ang glasses ko dahil nababa ito. Nang makapasok ako ay dumiretso ako sa pila.
Pinasadahan ko nang tingin ang menu nila kahit pa Iced Americano lang naman ang oorderin ko. Kumain na kasi ako sa bahay para naman tipid. Ilang segundo lang ay ako na ang oorder.
Ngumiti ako, "Good morning." Bati nang nasa cashier.
"Hi," itinuro ko ang iced americano mula sa selections na nakapatong sa desk. "Isang Iced Americano please." Agad naman na nag pindot sa monitor ang cashier.
"Miss padagdag nang cappucino at isang strawberry cake." Kumunot ang noo ko sa narinig. Ang boses na 'yon...
Nilingon ko ang nagsalita at hindi nga ako nag kamali, si Tiboy. Nakangisi ito at itinuro niya ang cake na sinasabi niya gamit ang nguso niya. Lumapit pa siya sa mga naka display. Sinundan ko lang siya nang tingin.
"Masarap ba 'to?" Pagtatanong pa niya sa cashier. Nagkatinginan kami nang cashier. Agad ko namang tinuro ulit yung order ko, dali dali ko ring nilabas ang wallet ko.
"Wag mo 'yan pansinin miss," pagpapaalala ko. "Yung kape lang ilagay mo d'yan. Babayadan ko na." Nilabas ko ang card ko at akmang kukunin na sana 'yon nung cashier pero naagaw ito ni Tiboy. Sabay kami nung cashier na napalingon.
"Ito naman parang 'di kaibigan! Tampo na ako sa'yo." Ibinulsa niya ang card ko sabay layo, may pag padyak pa siya na parang bata. Napa iling ako.
"Nako hayaan mo na 'yon," pag iiba ko nang usapan. Tiningnan ko si Tiboy.
Nakatalikod siya kaya naman para akong si flash na dali daling naglabas nang cash sabay bayad. Para naman akong nanalo sa lotto nang makuha ko ang resibo.
Kalmado na akong lumapit kay Tiboy na kasalukuyan paring nakatingin doon sa mga nakadisplay. Simple lang siyang nagtitingin. Ang pareho niyang kamay ay nakapaloob sa bulsa nang jogging pants niya. Naka t-shirt siya na kulay puti at may towel na nakasampay sa balikat niya. Mukhang galing sa gym.
Tulad niya napatingin rin ako sa naka display. Puro cake, nakakatakam ang mga ito tingnan, kung gutom siguro ako baka napabili na ako.
Itinuro ko ang isang cake na nasa gitna, mukhang best seller 'yon. "Try mo yung chocolate." Suhestiyon ko pa.
Napatingin do'n saglit si Tiboy pero agad din umiling. "Ayoko. Gusto ko strawberry." Napangiwi naman ako sa pag tugon niya.
"Anong nakain mo? May pa baby talk kang nalalaman?" Irita kong tanong. Naglakad siya sa counter, oorder na ata. Sinundan ko lang siya.
"Kakain palang ako Jubilyn, wag kang ano d'yan baka ikaw kainin ko." Bahagyang napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Pareho kaming natigilan nang cashier. Agad ko namang tinapik si Tiboy.
"Bibig mo!" Pabulong kong sabi. Rinig ko naman ang pagtawa niya nang mahina. Nang ibalik ko ang tingin ko sa cashier ay may alanganin itong tingin sa aming dalawa ni Tiboy, baka kung anong isipin niya!
"Hindi ko 'to kilala." Ang tangi ko nalang nasabi habang tinuturo si Tiboy. Napa tango na lang ang cashier halatang napipilitan.
"Sir your order is one cappuccino and one strawberry cake." Pag kukumpirma nang nasa cashier. Tumango naman si Tiboy. Aalis na sana ako pero parang may kinapa sa bulsa si Tiboy kaya naalarma ako.
"Subukan mong ibigay yang card ko Tiboy," pag babanta ko pa. "Ikaw ang ibebenta ko."
Pero imbes ata na masindak ay mas ikinatuwa pa niya 'yon. Inaro niya sa pag mumukha nang cashier ang card ko at bago ko pa 'yon mahablot ay nakuha na ito nang cashier.
Dismaya ko namang tiningnan ang kahera.
Akala ko mag kakampi tayo beh?
Hindi naman sa ayaw kong ilibre si Tiboy...pero parang gano'n na nga.
Eh mas mayaman 'yan sa akin eh?
Wala akong nagawa dahil nangyari na. Asar ko mang tingnan si Tiboy ay parang wala lang sakaniya. Hindi ata marunong makiramdam 'tong lalaking 'to.
Matapos naman niyang magbayad ibinalik niya rin naman ang card ko.
"Iced Americano!" Rinig kong sigaw nang cashier kaya naman lumapit ako do'n naka sunod si Tiboy sa akin.
"Grabe ah, maraming salamat." Sarkastiko kong banggit, ang mokong naman ay nag tengang kawali.
Kinuha ko na ang kape sabay talikod.
"Nako ma'am!" Sabay kaming lumingon ni Tiboy. Actually, lahat nang customer ay napalingon. Makahiyaw naman kasi si anteh! Kala mo ninakawan eh.
"Hindi po ninyo 'yan order."
Para naman akong tinamaan nang kidlat, dali-dali kong ibinalik sa counter ang kape at napapikit sa kahihiyan. Rinig ko ang pagtawa ni Tiboy pero nang tingnan ko siya ay nag iwas lang siya nang tingin. Gusto ko na lang maglaho! Agad akong lumapit kay Tiboy at hinampas siya.
"Ikaw kasi!" Singhal ko. Pinanlakihan naman niya ako nang mata.
"Anong ako? hindi nga kita kilala!" Pamimilosopo niya. Hinihimas niya ang parteng hinampas ko at napahawak naman ako sa mukha ko, pakiramdam ko ay sobrang pula ko na!
Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang isang lalaki na lumapit sa counter at kinuha ang kape na kanina lang ay hawak hawak ko, muli akong napa pikit at isinubsob ang mukha ko sa lamesa dahil sa kahihiyan.
"Aga aga kasi pinipili mo ang katangahan." Pa-nenermon ni Tiboy. Para namang nagpanting ang tenga ko at umayos ako nang upo sabay sinamaan ko siya nang tingin.
"Pala desisyon ka naman! Wag mong kainin 'yong inorder mo ah!" Nag peace sign naman siya agad at ngumiti pa nang malapad.
"Kalma ka lang Jubilyn, papangit ka niyan eh." Ginulo niya ang buhok ko kaya tinabig ko ang kamay niya. Kalahating oras akong nag blow-dry nang buhok!
"Morning po, ito po ang order ninyo." Nagulat ako dahil biglang may nagsalita, yon palang server. Ibinaba niya ang order namin sabay alis.
"Ayan ah! Ito ang order natin hindi 'yong nangunguha ka nang iba." Itinapat sa akin ni Tiboy ang kape at ang cake. Nasa tapat naman niya ang cappuccino.
"Nye Nye! Ngunguha nang iba..." Pang gagaya ko.
"Aba ang bebe nagtatampo, b-babyhin kita gusto mo?" Agad naman akong umakto na parang nasusuka kaya tumawa si Tiboy.
"Baby mo mukha mo!"
***
"Palitan mo naman yang tugtog." Angal ni Tiboy. Nasa sasakyan kami pareho, ako ang nag d-drive at siya ang nasa passenger seat. Gustong gusto ko siyang hampasin pero hindi ko magawa dahil nag mamaneho ako.
Matapos naming kumain sa cafe ay mukhang nagbalak pa ngang sumama si Tiboy sa akin. Ilang beses akong humindi sa kaniya pero ilang beses din siyang nagpupumilit na sumama.
"Palitan mo yang tenga mo." Pagsagot ko. Nakikinig ako sa kpop, naka shuffle ang playlist ko pero puro BTS, SEVENTEEN at ENHYPEN ang naandoon. Mukhang hindi bet ni Tiboy ang ganoong kanta kaya pinapapalitan niya.
"Dali na, ang puro naririnig ko ay saranghae," akmang pipindutin niya ang speaker pero tinampal ko ang kamay niya. "Hindi ka naman mahal niyang mga 'yan." Dugtong pa niya.
"Aray ko!"
"Makikinig ka o ibababa kita?"
"Sabi ko nga eh," napa sandal siya at tumingin sa bintana, nahagip pa nang mata ko ang pag finger heart niya sa sarili. "Saranghae." Aakalain mong nag f-film siya nang sarili niyang music video kung saan siya ang bida at isa siyang hopeless romantic.
"Sa'n ka pala mamimili?" Pag tatanong niya, ang bilis niyang maka recover ah?
"Sa pure gold." Tipid kong sagot.
"Sa SnR na lang." Napalingon naman ako saglit.
"Anong SnR? Ikaw ba magbabayad? Ha? Pala desisyon ka talaga."
"Dali na."
"Ayoko."
"Dali na."
"Tumigil ka dadalihin kita d'yan!"
"Dalihin mo nga?"
"Ah! f**k!" Sumubsob siya sa compartment dahil sa lakas nang pagkakapreno ko. Mabuti na lang at walang sasakyan na nakasunod sa likod. Sapo niya ang kaniyang noo at nakangiwing tumingin sa akin.
"Ako mag d-drive." Pag pprisenta pa niya. Huminga ako nang malalim. Hindi ko mawari kung bakit kapag siya ang kasama ko parang umiikli ang pasensiya ko.
"Dali tabi d'yan," tinanggal niya ang seatbelt. Napatingin naman ako sa side mirror, may kotse sa likod.
Muli ko nang pinaandar ang sasakyan kaya agad-agad ding binalik ni Tiboy ang seatbelt.
***
Naglalakad ako sa aisle nang mga milk at si Tiboy ay nakasunod may dala-dalang cart. 4 na carton nang cow head ang inilagay ko sa cart.
"Ang dami ah, may pinapa-dede ka ba?" Huminga ako nang malalim, pinipigilan ko ang sarili ko na sumagot sakaniya dahil paniguradong walang matinong patutunguhan ang usapan.
Sunod ay ang mga cereals, hindi ako makapili kaya dalawang magka-ibang brand ang kinuha ko. Kailangan kasi ay may stock ako para pag tinamad akong magluto nang breakfast pwedeng 'yon na lang.
May hawak hawak akong listahan nang mga bibilhin ko para hindi na ako matagalan sa pag g-grocery. Next ay mga biscuit, sunod ay mga chocolates and other junk foods. Dumaan kami sa mga condiments, inilagay ko sa cart ang lahat nang mga kakailanganin ko sa pagluluto. Sunod ay nag punta kami sa vegetable section. Agad na hinanap nang mata ko ang patatas, favorite ko kasi 'yon.
Naglagay rin ako nang mga lettuce, repolyo, carrots, eggplant, at iba pa. Sunod naman ay sa meat section, napabili ako nang baboy at manok, bumili na rin ako nang isda.
Napalingon ako nang may kumalabit sa braso ko. "Gusto ko 'yon." Sinundan nang mata ko ang itinuturo ni Tiboy.
"Ice cream?" Tumango siya, hindi na niya hinintay pa ang kung ano mang sasabihin ko dumiretso na siya do'n. Pinagmamasdan ko lang siya habang excited siyang nagtitingin nang mga ice cream. Binuksan niya ang freezer at naglabas nang iba't ibang flavors, mukhang may hinahanap siya na gusto niya. Parang bata.
"Hoy ano ba yan," pagkuha ko sa atensiyon niya. "Ibalik mo 'yong iba, baka gusto mong magka diabetes niyan."
"Okay lang atleast ang ice cream matamis," inilabas niya ang isa pang flavor. "Ikaw," sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa, "Mapait."
Napanganga naman ako. Aba't!
"Hep! Hep!" Agad siyang sumenyas, pinipigilan akong magsalita. "Biro lang! Napaka seryoso mo naman kasi Jubilyn." Binalik na niya ang ibang ice cream at isinara ang freezer. Nilagay niya sa cart ang dalawang litro nang ice cream bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Ikaw kaya ang pinaka sweet na babaeng nakilala ko," lumapit siya at kinurot ang magkabila kong pisngi. "Kahit lagi mo akong inaaway." Kumunot ang noo ko.
"Anong inaaway ka d'yan?" Tinigilan na niya ang pisngi ko at casual na itinulak ang cart. Sinasabayan ko naman siya sa paglalakad.
"Oo kaya! Sinasaktan mo damdamin ko." Napahawak pa siya sa dibdib niya. Napangiti naman ako.
"Pasalamat ka napapagaling ako nang mga ngiti mo." Napa taas ang kilay ko sa sinabi niya sabay umiling iling.
"Ano meron ha Tiboy? Parang all over the place ata ang emosyon mo ngayon?" Lumampas na kami sa ice cream at ngayon ako naman ang napa lakad sa freezer. French fries!
"Nothing." Tipid niyang sagot. Inilagay ko sa cart ang fries.
"Sus! Mood swings yarn? Ano yan regla? Naglilihi gano'n?" Sunod sunod kong tanong.
Napa tigil naman si Tiboy kaya pati ako ay napatigil din. Bigla siyang natulala parang may malalim na iniisip.
"Uy?" Lumapit ako sa kaniya at hinila ang laylayan nang damit niya. Napatingin siya sa akin.
"Joreign..."
"Ha?"
"Naka buntis ako."
Saglit na nagkaroon nang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Pfft! HAHAHAHAHAHAHA!" Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla na lang akong napahagalpak nang tawa.
"What's so funny?" Pagtatanong ni Tiboy. Nakataas ang isang kilay niya at nakapameywang pa. Hindi ko alintana ang mga matang nakatingin sa akin at patuloy lang ako sa pag tawa.
"T-teka," Napa hawak ako sa dibdib ko dahil para akong kinapos sa hininga. "HAHAHAHA!"
Hinawakan ko naman sa balikat si Tiboy, diretso siyang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako nang malapad, "Ikaw?" I scoffed. Pinunasan ko ang mga luhang tumakas sa mata ko.
"Makakabuntis? Sa ugali mong 'yan may maikakama ka?" Napa awang naman ang bibig ni Tiboy na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Pero agad din 'yon napalitan nang isang ngisi.
"Kung ikaw kaya ang ikama ko?" Ako naman ang napatahimik. Tumingin pa ako sa paligid namin dahil baka may makarinig.
"Gusto mo mamaya na natin umpisahan eh, saan mo ba gustong makilala ang espada ko? Sa kotse? Sa sofa? Sa pool?" Agad ko namang tinakpan ang makasalanan niyang bibig kaya napasandal siya sa freezer. Magkadikit ang katawan naming dalawa, ang pareho kong kamay ay nasa bibig niya at ang kamay naman niya ay naka alalay sa beywang ko at ang isa ay nakapatong sa freezer.
"Yuck!" Inalis ko ang kamay ko sa bibig niya dahil dinilaan niya 'yon. Pinunas ko naman sa t-shirt niya ang laway niya. At sa sobrang inis ko ay nagpapa-padyak ako doon na parang bata.
"Kadiri ka!" Singhal ko pa. Umayos na siya nang tayo at laking gulat ko nang yakapin niya ako. Ramdam ko ang init nang katawan niya at amoy na amoy ko ang pabango niya.
"Just so you know," mahina niyang bulong. Tila lumalim ang boses niya at sa bawat salita ay para akong kinikilabutan. "I prefer doing it on bed. Lights on. Clothes off."
Nagtaasan ang mga balahibo ko at napalunok ako nang sunod sunod. Agad din naman akong kumalas sa yakap niya at dahil d'yan nakita ko ang pagmumukha niya nang maayos. He couldn't stop grinning. His dimples showing and his eyes are reflecting his desire. Ramdam ko ang pag init nang pisngi ko kaya lumingon ako sa ibang direksyon. Anywhere but his.
"Oh? Anong iniisip mo Jubilyn?" Biglang bumalik ang mapanloko niyang tono. Lakad takbo na ang ginagawa ko papunta sa counter.
Rinig ko ang bawat hakbang niya, tinutulak niya ang cart at hinahabol ako. "Wait," hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Parang atat na atat ka ata umuwi?"
Hindi ko siya nilingon, hindi ko rin alam kung bakit ganito ang reaksyon ko. "Malamang, baka hinihintay na ako ni Balot." Ang tanging nai-tugon ko sakaniya.
Mabuti na lang at walang pila kaya kami agad ang nasa counter. Isa isa kong nilapag doon ang mga pinamili ko. Tinutulungan naman ako ni Tiboy. "Sino si Balot?" Pagtatanong niya.
"Sekretong malupet." Pamimilosopo ko. Araw nga pala nang linggo kaya ilang oras ko lang mapapaki-usapan ang taga bantay ni Balot. At speaking of Balot!
"Huy, dito ka muna may nakalimutan lang ako." Dumaan ako sa likod niya at dire-diretsong naglakad.
"Jubilyn! Wala akong pambayad!" Sigaw pa niya. Napa tawa naman ako dahil bigla siyang pinagtinginan nang mga tao.
Nag diretso ako sa aisle kung saan na roon ang mga dog food. Kumuha ako nang isang sako, dumaan na rin ako sa aisle kung saan naroon ang mga shampoo at conditioner. Nang makuha ko na ang mga kailangan ni Balot bumalik na ako sa counter.
Nakatalikod si Tiboy kaya hindi niya ako nakikita pero rinig ko ang mga sinasabi niya sa kahera.
"Miss, bagalan mo lang ang pag swipe wala pa yung magbabayad e." paki-usap niya. Binagalan naman no'ng kahera ang pag s-scan nang mga pinamili. Parang bata si Tiboy doon na naghihintay sa nanay niya kaya lumapit na ako.
"Jubilyn! Ang tagal mo, sa'n ka ba napadpad?" Bungad niya.
"Anong matagal? Saglit lang ako ah." Ibinaba ko ang bitbit ko at naghintay na ma-scan ito.
"Anong saglit? Didn't you saw how fast she scanned the items? Kamag-anak ata 'to ni Flash." Bulong niya pero halatang narinig naman ng kahera dahil tahimik itong nagpigil nang tawa.
Iiling-iling kong nilabas ang wallet ko para kunin ang card. "Wag ka ngang OA." Iniabot ko na ang card ko at matapos no'n ay ibinigay na sa akin ang resibo. Pina-karton ko ang mga pinamili para hindi na ako magastusan pa sa eco-bag. Nakalagay ito sa cart dahil madami-dami din 'yon.
Palabas na kami at si Tiboy ang nagtutulak nang cart, binuksan ko ang likod nang sasakyan para doon mailagay lahat. Para namang kargador si Tiboy dahil balewala lang sakaniya ang bigat nang mga karton. Pinatas niya nang maayos ang pagkakalagay at isinara ang pinto sa likod.
"Oh siya, ba-bye na." Naglakad ako patungo sa pinto nang driver's seat.
"Anong ba-bye? Ihatid mo ko pauwi." Utos niya.
"Ba't kita ihahatid pauwi aber?" Tumakbo siya sa shotgun seat at nagmamadaling sumakay. Napa buga na lang ako nang hangin atsaka sumakay sa kotse.
"Tara na, excited na akong umuwi." Isinuot niya ang seatbelt niya at hindi naman ako nakapalag nang mabilisan niya ring isuot ang seatbelt ko.
"Mag-uusap pa tayo sa kama." Agad ko siyang pinag hahampas at sinasalag naman niya ang bawat hampas ko.
"Sira ulo ka talaga! Baba!" Tinanggal ko ang seatbelt niya pero hinawakan niya rin 'yon. Nagtama ang kamay naming dalawa.
"Sus, kunwari ka pa...gusto mo din eh." Pang asar pa niya. Asar ko naman siyang pinalo.
"Anong gusto ha? Napaka harot mo! Jusko!" Napagod na ako sa kakapalo sa kaniya pero siya parang hindi napagod kakatawa.
"HAHAHA!" Napa iyak na siya sa sobrang pagtawa kaya pinunasan niya 'yon gamit ang towel niya.
Inayos ko naman ang buhok ko dahil natanggal ang pagkakatali nito sa sobrang likot ko kanina. Binuhay ko na ang makina dahil mainit na sa loob, kailangan ko nang Aircon. Pinagpapawisan kasi ako, samantalang itong katabi ko chill na chill lang palibhasa kasi siya, mahangin.
"Saan ka ba?" Tanong ko. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti. Sumisilip na naman ang dimples niya.
"Hahatid mo 'ko?" Nagkunot ang noo ko.
"Bakit ayaw mo?" Bigla na naman niyang pinanggigilan ang pisngi ko. Hindi ko naman matanggal ang mga kamay niya.
"A-ray! Machukit!" Pagrereklamo ko. Masyado atang nangigil, kung maka pisil naman kasi!
"Ang cute mo talaga Jubilyn. Yang pisngi mo parang siomai." Hinaplos ko naman ang pisngi ko. Tinanggal na ni Tiboy ang seatbelt niya at lumabas nang sasakyan. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. Isinara niya ang pinto kaya ibinaba ko ang bintana.
"Ba't ka bumaba?"
Ipinatong niya ang braso sa bintana sabay kagat sa ibabang labi niya. "Huwag mo nang tanungin, mahirap mag pigil." Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya kaya tumaas ang isang kilay ko.
"Go home, baka hinihintay ka na ni Balot." Nag thumbs up siya bago lumayo sa bintana.
"Ikaw?" Pahabol kong tanong. Napangiti naman siya.
"Grabe wag ka ngang maging concern sa'kin Jubilyn hirap na hirap na akong magpigil."
"Oh edi wag! Madali naman akong kausap." Unti-unti ko nang pina atras ang kotse at nakatingin lang si Tiboy sa akin habang nakangiti. Umiling na lang ako ulit sa sarili ko.
Aapakan ko na sana ang gas pero naalala kong wala nga palang dalang pera 'yong mokong na 'yon. Muli ko siyang hinintuan.
"Paano ka uuwi?"
"I have my ways Jubilyn." Tipid niyang sagot.
"Oh sige sabi mo 'yan ah, wag ka lang tatawag sa'kin para magpasundo dahil hindi ka makauwi. Papa-alala ko lang sa'yo wala kang dalang pera." Untag ko. Nawala naman ang ngiti niya. Kinapa niya ang bulsa niya at tanging cellphone niya lang ang nailabas niya.
"Ahh haha, pautang." Awkward siyang ngumiti at inilahad niya ang kamay niya sa bintana.
Kinuha ko naman ang wallet ko sabay labas nang dalawang libo at iniabot ko 'yon sakaniya.
"Aba, galante ka pala?" Tinanggap niya ang pera at ibinulsa 'yon. Napangiti naman ako.
"Subukan mo lang akong hindi bayadan agad, may 30% interest 'yan." Napasimangot naman siya.
"Taas mo naman mag patong! ano ka bumbay?"
"Ikaw na nga pinautang eh! Akin na kung ayaw mo!" Inilahad ko rin ang kamay ko sa bintana pero umiwas siya.
"Huwag na, sabi ko nga salamat eh. In Korean, salamat mimnida." Napa ngiwi ako sa pagiging trying hard niya sa Korean.
"Basta ibalik mo 'yan, aalis na ko." Tumango naman siya kaya pinaandar ko na palayo ang sasakyan. Nang tingnan ko sa side mirror naandoon siya sa parking nakatayo at kumakaway, nakangiti akong nagmaneho pabalik sa bahay ko.
***A few couple of weeks later***
Joreign's POV
"Madame Jo! Madame Jo!" Katabi ko ang secretary ko, si Henry at dala dala niya ang mga papeles na kailangan ko pang ireview at i-approve nang may tumawag sa'kin. Nasa studio nga pala kami. Wala pa kaming matinong office, i'm still looking for a place for that at busy pa ako masyado.
Hands on na ulit ako sa sinisimulan kong business. Medyo hectic dahil hindi lang ito ang pinapatakbo kong business, medyo napapabayaan ko na yung mga restaurants sa sobra kong focus dito. Ang sabi ko pa nga sa secretary ko mag quit na siya at siya na lang ang mag handle nang restaurant, bibigyan ko siya nang posisyon. Pero makulit ang loko, hindi daw siya pwedeng mag quit hangga't wala pang na hahanap na matinong kapalit. Willing daw siyang mag handle nang restaurant at maging secretary ko at the same time. Hindi ko alam kung paano ko 'to na recruit eh...napaka-tinong tao kasi. Pero minsan makakalimutin rin, kaya ayon binilhan ko nang gamot. Hindi naman pwedeng puro trabaho lang 'no, dapat sarili niya muna. Ilang beses ko na rin 'yon sinabi sa kaniya pero ang kulit.
Tiningnan ko si Henry. Matangkad, moreno, may wavy na buhok, itim na mga mata, may katangusan na ilong at magandang labi, malinis rin sa sarili niya at may sense sa pananamit, maganda rin ang pangangatawan niya kasi nag g-gym 'yan eh. Binubugaw ko na nga 'yan sa ibang empleyado eh. Pero single pa rin siya. Tsk! Trip ko pa naman maging kupido. Si Dalta kasi walang kwenta eh, sinabihan ko nang mag pagupit nang buhok pero ayaw niya. Pahahabain niya raw ang buhok niya hanggang talampakan. Ha! Tingnan ko lang kung may magkagusto sakan'ya pag nangyari 'yon!
"Madame Jo!" napahinto kami ni Henry sa paglalakad sa hallway nang makailang ulit na pala akong tinatawag ni Tina. Isa sa mga empleyado. Siya ang may hawak nang marketing team, at kung minsan tumutulong sa ibang departments, masipag at matiyaga sa trabaho. Kasing edad siya actually ni Cluvin.
"Yes? May problema ba?" Pagtatanong ko. Ngumisi naman ito sa'kin kaya naguluhan ako.
"Madame naman masyadong work-oriented, wala pong problema...may sasabihin lang po sana 'ko."
"Importante ba 'yan? Tara sa room." Pag aaya ko sakan'ya. Tiningnan ko si Henry at alam na niya agad ang ibig kong sabihin. Nauna na siya sa meeting room.
"So ano 'yong sasabihin mo?" Panimula ko. Umupo ako sa upuan at gano'n din si Tina.
"Natatandaan niyo po na sa'kin po kayo nag papahanap nang bagong secretary?" Ah! Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan!
Tulad nang sabi ko, si Henry ay ililipat ko na para siya ang mag handle nang restaurants on my behalf. Hindi ko kasi siya gustong pakawalan kasi maayos siya mag-trabaho. At hindi rin naman siya mag-qquit hangga't wala siyang kapalit kaya ang papahanap ako. Mukhang meron nang nahanap si Tina. Hindi pa ganoon kalaki ang company, ilan pa lang ang empleyado nito dahil nasa initial stage palang kami balak ko nang magpatayo nang building para ma expand ang kumpanya at madagdagan ang mga empleyado, hindi pwedeng doble doble ang trabaho nila. Ayoko maging abusado.
"Oo nga pala! Ano? May nahanap ka na ba?"
Ngumiti si Tina at may nilapag na red clear folder sa harap ko.
"Pinatawag ko po siya at ano mang oras nandito na po 'yon. Napasa niya naman po ang requirements, tanging final interview niyo na lang po ang kailangan." Pag iimporma sa'kin ni Tina. Napatango naman ako. Hindi ako nagkamaling kay Tina ipagawa itong ganitong trabaho, ang bilis niyang nakahanap.
Nakangiti kong kinuha ang folder at may expectation ako na sana katulad ni Henry ang applicant. Binuksan ko ito pero agad ko ring sinara ang folder. Bakit siya?
Ngumiti pa nang malapad sa'kin si Tina animo'y isang teenager na kinikilig nang biglang bumukas ang pintuan kung saan kami naroon.
"Good Morning Miss Meraki, I came here for the final interview."