"Hala ka!" Sigaw ni Joreign, pumiyok pa siya dahil nabigla ang lalamunan niya. Dahil d'yan mas lalong nataranta si Cluvin. Lumuhod ito agad sa tabi ni Joreign at hinawakan ang ulo nito at nagmamadaling inilibot ang mata sa katawan ni Joreign alalang alala na baka may masakit o kung ano man.
"What!? Saan masakit?" Napatakip si Joreign nang bibig at pumikit nang mariin kaya naman inakala ni Cluvin na susuka si Joreign. Sa pagkataranta ni Cluvin ay tumakbo siya sa banyo para kumuha nang tabo pero pagkarating niya sa banyo ay wala man lang tabo o palanggana do'n tanging shower at bathtub ang sumalubong sakan'ya. Asar at dismayado siyang nag tungo sa kusina pero tanging plato lang ang naandoon. Kinalkal niya ang mga cabinet at drawer pero wala siyang mahanap.
"Wait lang Jo! I can't freaking find a tub or something!" Busy na busy siyang maghanap pero wala talaga ang ending ay nakita niya ang pitsel na nakalagay sa mini fridge. Tumakbo siya sa sink at itinapon ang lahat nang tubig doon saka dali daling bumalik sa kuwarto. Doon niya nakita ang mga luhang binabaybay ang pisngi ni Joreign.
He was causing her pain is what he thought and he was cursing himself on his mind. Lumapit siya at pinakita ang pitsel na hawak. Nakatingin naman si Joreign do'n kahit puno nang luha ang mata.
"I couldn't find a tabo kaya a pitcher should do." Inilapit pa niya ito sa dalaga pero hindi niya inaasahang bigla na lang itong tatawa nang malakas. Nawala ang pagkataranta ni Cluvin nang makitang tumatawa si Joreign pero nando'n parin ang pagaalala niya.
"Pambihira! Sure ka? Pasusukahin mo ako sa pitsel? HAHAHAHAHAHAHA!" Hindi magkanda mayaw si Joreign sa pagtawa at pagpunas nang luha niya. Kanina lang ay nilalamig siya nang sobra pero ngayon ay para siyang iniihaw sa apoy, pinagpapawisan na siya.
Napatigil na lang si Cluvin at napatitig kay Joreign. Mula sa mga mata nitong lumuluha, sa ilong na namumula, at sa labing nakangiti pati ang tono nang pagtawa nang dalaga hanggang sa bawat palakpak nito ay nagiging dahilan para mapangiti din si Cluvin. Ang mata niya ay parang camera at isa isa nitong kina-capture at nirerecord ang mga simple at magandang bagay kay Joreign. Pinahihina nang bawat pag click ang mga lock sa puso niya.
'She's astonishingly beautiful.' bulong ni Cluvin sa sarili.
Nabalik naman siya sa katotohanan nang hampasin siya ni Joreign sa balikat. Hinimas himas niya ang parteng 'yon.
"Akala ko ba ayaw mo pang magsalita nang Tagalog?" Pagtatanong ni Joreign.
"I told you i'm not confident yet. But you looked like you were in so much pain earlier nataranta ako. Ang dating sa'kin ay kailangan ko'ng mag Tagalog para makipag-communicate sa'yo. Though tinawanan mo lang ako." Sumimangot pa siya kay Joreign at nag iwas nang tingin.
Hindi mapigilan ni Joreign na ngumiti nang malapad sa simpleng bagay na pagiwas ni Cluvin nang tingin. Sa tono nang pananalita nito kanina, halatang nagtampo ito no'ng tinawanan niya.
Joreign hugged her knees and smiled widely at him who was sulking. She finds him cute when he's panicking.
"Ahh! 'Yon ba? Sorry tinawanan kita." Pinagdikit pa ni Joreign ang mga palad niya bilang pagsorry kay Cluvin pero hindi pa rin ito tumitingin sakan'ya, hindi naman maalis sa mga labi niya ang ngiti. This is a new side of Cluvin that she's witnessing and she wants to find more of it.
"Uyy," pagtawag pa niya nang malambing kay Cluvin at umisod pa siya papalapit. "Sorry na. Kasalanan ko bang ang sexy mo pag nagtatagalog ka?" Biglang lumingon si Cluvin sa kaniya kaya magkalapit lang ang mukha nilang dalawa. Ngayon niya lang nakita nang malapitan ang asul nitong mata, at hindi niya mapigilang mamangha sa mga ito.
"Ehem." Tumikhim si Joreign at siya na ang kusang lumayo, ngayon ay may sapat nang distansiya sa pagitan nilang dalawa.
"You find it sexy?" Pilyong tanong ni Cluvin sa pagkakataong 'yon si Joreign naman ang hindi makatingin sakan'ya. Hindi man siya makatingin nang tuluyan kay Cluvin pero kita parin niya na namumula si Cluvin. Ang pisngi nito ay parang may blush on.
"Ha?" Panay ang suklay ng daliri ni Joreign sa kaniyang buhok wala siyang ibang mapagkaabalahan kung 'di 'yon.
"Lagi na lang pala akong magta-tagalog." Pabirong imik ni Cluvin. Hindi katulad noong una niya itong narinig na mag Tagalog, ngayon ay mas maayos na ang pag banggit ni Cluvin nang mga salita, medyo nababawasan na rin ang accent niya at lumalalim lalo ang boses niya pag nagtatagalog. Nakapikit na lang si Joreign. Hindi rin niya inakalang madudulas ang bibig niya dahilan para matawag niyang sexy 'yong pagtatagalog ni Cluvin. Epekto siguro 'to nang lagnat.
"Aba, bingi ka ata...ang sabi ko k-kanina ang cute mo." Binalak pa ni Joreign na bawiin ang sinabi niya pero huli na dahil buo na ang desisyon ni Cluvin na mula ngayon ay magta-tagalog na siya.
"Hmm...sige, sabi mo eh." May ngisi sa labi ni Cluvin, hindi niya ginustong ngumisi pero kusa na lang itong nangyari. Napahawak pa siya sa dibdib niya dahil kumakalabog yung puso niya kanina pa. Si Joreign naman ay nagtakip nang kumot sa kahihiyan.
Tumayo na si Cluvin at itinabi ang tray nang pagkain na hindi naman naubos ni Joreign diniretso niya 'yon sa sink bago kumuha nang isang basong tubig at tablet na gamot para kay Joreign. Muli siyang pumasok sa kuwarto at naabutang nakabalot nang kumot si Joreign. Napangiti ulit siya. Sa tuwing kasama niya si Joreign hindi niya mapigilang ngumiti.
"Ehem." Tumikhim si Cluvin para kunin ang atensiyon ni Joreign pero hindi man lang ito nagpatinag.
"Knock knock." Saad ni Cluvin. Nakataklob parin si Joreign nang kumot pero tumugon ito.
"Who's there?"
"Binibini."
"Binibini who?"
"Binibining Jo, ito na po ang inyong gamot, mangyari lamang na inyong tanggalin ang taklob sa ulo upang mainom mo na ito at gumaling. Dali na, wag matigas ang ulo." Tulad nang inaasahan niya tinanggal ni Joreign ang taklob sa ulo at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.
"Akala ko ba hindi ka magaling sa Tagalog!?" Piyok na tanong ni Joreign. Nagkibit balikat si Cluvin at iniabot ang gamot.
"Inumin mo na ang gamot." Sabi nito sabay abot ng gamot at tubig.
"Sagutin mo muna tanong ko." Pagdadahilan ni Joreign. Tiningnan siya ni Cluvin at dahan dahang nag lean kay Joreign.
"Inumin mo muna gamot mo." Idinako ni Joreign ang tingin sa gamot bago umiling.
"Hindi ako umiinom nang tablet na gamot." Pag-amin ni Joreign. Wala namang problema dahil may binili rin si Cluvin na soluble na gamot. Hindi kasi niya alam kung saang gamot hiyang ang dalaga kaya binili na niya lahat.
"Oh sige, hintay lang. Kukunin ko 'yong isa." Binalikan ni Cluvin ang gamot na nakalagay sa countertop at bumalik sa kuwarto.
"Ito na po Binibining Jo." Sa pagkakataong 'yon tinanggap na ni Joreign ang gamot agad niya itong ininom at walang itinira.
"So ano nga? Bukod sa nagpanggap ka na hindi marunong mag Tagalog, tinago mo rin ang katotohanang magaling ka mag Tagalog? Nakakapagtampo ka ha." Ipinatong ni Cluvin ang baso sa bed side table at pinahiga niya si Joreign bago ito kinumutan.
"Sabihin na nating, a long time ago, wala akong magawa sa buhay ko pero may kaibigan akong pinoy...which is your cousin Dalta. At yung mokong na 'yon ay walang sawa akong tinatagalog kaya wala akong choice kung 'di aralin 'yon. Hindi ko nga alam na minumura na pala ako no'ng lalaking 'yon kung 'di ko pa aralin ang Tagalog. Ever since na natuto ako, pinagt-tripan ko siya saying na inaaral ko ang mother tongue niya at sinasadya ko'ng maliin ang mga salita para pikunin siya. At tingnan mo nga naman, effective ang pangloloko ko sakan'ya." Pag k-kwento ni Cluvin.
"At hindi lang kay Dalta umepekto 'yon. Nauto mo rin ako eh." Hinaplos ni Cluvin ang buhok ni Joreign hinayaan lang siya nang dalaga.
"Kaya nga humihingi ako nang tawad sa'yo pero mukhang hindi mo pa 'ko mapapatawad. Pero ayos lang, basta nainom mo na ang gamot mo at matulog ka na...ayos na 'ko do'n." Kinuha ni Cluvin ang basong nilagay niya sa table at lumakad sa may pinto bago pa man siya tuluyang makalabas tinawag siya ni Joreign.
"Vin."
Lumingon siya.
"Hmm?"
"Binibiro lang kita 'no. Anyways for formality, pinapatawad na kita. Good night."
***
Ilang oras nang natutulog si Joreign pero ibinabaling niya ang ulo dahil sa hindi kaaya ayang panaginip na napapanaginipan niya. Mataas pa rin ang lagnat niya pero hindi na ito katulad kanina. May butil butil nang pawis sa noo niya at bumibilis ang paghinga niya. She was crying in her sleep.
"You are a failure. Paano nangyaring hindi mo maibigay ang gusto namin? Kung purihin ka pa naman nang anak ko akala ko naibibigay mo ang pangangailangan niya." She kept looking down on me at hindi ko mapigilang manliit sa mga sinasabi nila sa'kin.
The setting suddenly changed and I found myself in a hospital. I was alone in a room but I can hear some voices outside.
"I'm sorry sir, she'll never be able to do what you want. If you like, she can undergo treatments and procedures there are many ways to achieve it however there are side effects."
"This is bullshit!" I heard a man's voice screaming. Maya maya pa bumukas ang pinto at isang lalaki ang dali daling tumabi sa akin sumisigaw siya habang dinuduro duro ako. Hindi ko mapigilang umiyak. Panay ang hikbi ko when the man stormed out of the room then suddenly I found myself walking near the railings of the rooftop.
Wala akong suot na tsinelas, mabato sa rooftop at tanging malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Ginugulo nito ang mahaba kong buhok pati ang damdamin ko. I was slowly climbing the railings no'ng nagbago na naman ang setting.
I was now lying on bed with some man fulfilling his lust and desire over me. I wasn't pushing him away. More like I couldn't push him away. Then nagbago na naman ang setting nasa isa akong cafe I was seated with someone...my attorney. We were talking about something, she was saying something but I couldn't hear her.
She gave me some papers to sign. I was reluctant to sign it.
Biglang nagbago ulit ang setting naka upo ako sa sahig nang office niya, nung lalaki. Nagkalat ang mga papeles sa sahig at hindi maubos ubos ang luha ko. He was shouting again. Nakita kong lumakad siya patungo sa'kin at akmang sasampalin ako.
***
"NO!!!" Napabalikwas si Joreign at napasigaw.
"What? What happened!?" Alalang tanong ni Cluvin pero hindi siya agad napansin ni Joreign.
Hindi niya alintana ang lagnat at sakit nang pangangatawan niya pero napahawak siya sa kaniyang dibdib. May kung anong kumikirot doon na hindi niya magawang alisin. Hinahabol niya ang paghinga niya, nanginginig siya at walang tigil sa pag agos ang mga luha niya. Ilang sandali pa muling umimik si Cluvin at doon ay nakuha nito ang atensiyon niya.
"Shh...it's okay." Pang aalo ni Cluvin pero imbes na matuwa si Joreign ay may galit siyang nararamdaman sa puso niya.
"What are you doing?" Napahinto naman si Cluvin sa paghaplos sa likod ni Joreign.
"I'm asking you...anong ginagawa mo!" Nanginginig si Joreign sa galit at hindi matigil ang paghikbi niya.
"Jo I was just---" tinangkang hawakan ni Cluvin si Joreign pero tinabig nito ang kamay niya.
"Why were you sleeping next to me?" Gigil na saad ni Joreign. Hindi naman halos makapag isip nang ayos si Cluvin sa inasta ni Joreign. Alam niyang magagalit ito pag tumabi siya pero hindi niya mapigilang tumabi kay Joreign lalo na at nanginginig ito sa pagtulog. Nataranta si Cluvin at ang tanging solusyon na naisip niya ay ang yakapin ito sa pagtulog.
"Get out." Imik ni Joreign sa pagitan nang mga hikbi niya. Hindi naman makakilos agad si Cluvin. Tila nabigla ito sa paguugali ni Joreign.
"Get the f**k out!!" Sigaw ni Joreign kaya dali daling lumabas si Cluvin. Sinara niya ang pinto at nanghihinang napa sandal doon. Rinig niya ang pag-iyak at pag hikbi ni Joreign. Gusto niya itong lapitan at hagkan pero pinigilan niya ang sarili.
Napaupo na lang siya sa may pintuan nang kuwarto ni Joreign habang pinapakinggan ang mga hinanakit nang dalaga. Hindi mapigilang mainis si Cluvin sa sarili dahil hindi niya kayang awatin ang sakit na nararamdaman nang dalaga kaya nanatili siya doon sa may pinto at magdamag na pinakinggan ang pag-iyak ni Joreign.
"Just what are you keeping inside? Bakit nagagawa mo'ng umiyak nang gan'yan..." Bulong ni Cluvin sa pinto. He couldn't help but also feel the pain. Ramdam rin niya ang sakit na dinadala ni Joreign sa bawat iyak nito. He heard the clattering of some things inside he was worried but he didn't dare to open the door. He stayed there seated knowing na inalis niya ang lahat nang possibleng makasakit kay Joreign, the glass, the medications pero hindi niya inakalang ang bagay na naging dahilan nang pag-iyak ni Joreign ay ang hinanakit nito sa puso niya. Ang sakit na dinadala nito sa puso niya...ang bagay na hindi kayang tanggalin ni Cluvin.
Cluvin was messing with his hair and was constantly bitting his lip. "Pa'no ko tatanggalin ang sugat sa puso mo?..." Umiiyak na bulong ni Cluvin. He was crying too. Nasasaktan siya na makitang ang babaeng gusto niya ay umiiyak nang ganito. What's worse ay hindi niya alam kung paano pagagaanin ang loob ni Joreign. Bigla niyang naalala yung mama niya.
Joreign is very similar to his mom. One time nakita rin ni Cluvin na nag breakdown ang mama niya sa kuwarto, lahat nang mahawakan nito ay ihahagis. Tatawa ito mag-isa at iiyak ulit. Isang buong gabing magkukulong sa kuwarto ang mama niya at uupo ang batang si cluvin sa may pinto para siguraduhing hindi aalis ang mama niya. He was a young boy who didn't know how to comfort his mom, but now that he finds himself in the exact same situation with Joreign he still couldn't find the words to say to her.
"I'm such a loser." Sabay na imik ni Joreign at Cluvin sa kanilang sarili.
***
Walang tulog si Cluvin at halata ito sa ilalim nang mata niya dahil nangingitim ito at namamaga. Buong gabi niyang binantayan si Joreign sa labas nang pintuan at hindi niya ito iniwanan. Tanda niya na halos alas kuwarto na nang madaling araw nang tumigil si Joreign sa pag-iyak. Tiningnan niya ang orasan, alas diyes na nang umaga. Tumayo siya at nag order nang pagkain. Masyado siyang puyat para magluto. At kahit gustuhin man niyang ipagluto si Joreign, hindi naman niya magawang iwanan ang dalaga na mag-isa para bumili nang kakailanganin niya.
Tiningnan niya ang pintuan nang kuwarto kung saan naroon si Joreign. Napayuko na lang siya at inintindi ito. It must've been hard for her not to tell anyone, she must've felt so lonely. Maya maya pa ay dumating na yung inorder niya. Hinanda niya 'yon at inilagay ulit sa tray.
He knocked at the door three times before he opened it. He immediately noticed the mess but what caught his attention the most was Joreign who was standing by the window overlooking the city with an expressionless expression painted on her face. She was silent. Inilapag ni Cluvin ang tray sa isang tabi bago niya inayos ang mga magulong unan at kumot, ang nakatumba na mga lamp at ang drawer na mga nakabukas bago siya tumabi kay Joreign.
He didn't say a word. He knew that it was best not to and instead he just looked at her. She was standing still like a hard rock, unmoving. Her hair was the same old mess, her eyes a little more puffier than usual...a little darker than yesterday, her nose still reddish, and her lips were chapped dry. She wasn't at her best and he still found it pretty. He was honored to be with her at one of her lowest.
The sound of the clock ticking and the elephant not addressed was still filling the four corners of the room. There is silence between them, a calm surrender for him and the eye of the storm for her. Cluvin decided to have it out.
"Breakfast." Pambasag ni Cluvin sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa, hindi tumingin sakaniya si Joreign pero nagsalita 'to.
"I was hurting." panimula nito. They stood still on their positions. She spoke again.
"I thought kaya ko or at least nalampasan ko na...but I was wrong," she looked down and bite her lips. "So wrong," umiling pa siya as her voice cracked.
"I was young, naive, unknowing of the real world and I ventured it out with my bare self." She looked up and sighed. "I brought myself a twig in a cruel fight. And in the middle of it all, I gave up. I had to suck it up, the failure that I am along with the poor decisions that I've made. I ended it in papers, the very weapon I held was a pen. And I foolishly thought that that was the end. But it wasn't." She laughed. Cluvin remained unspoken but his eyes were speaking with emotions.
"I left an unfinished battle. No...I ran away. I turned my back on myself by running away," she then looked at Cluvin with tears bound to break free from her eyes. "Im such a fool, which is why it still hurts." Her hands slowly crept up to her chest as she was about to cry.
"I am in pain Vin. Make it stop." She finally voiced out her long and well kept worries. Tears started to travel down to her cheeks, washing away the burden of being unable to reach out for how many years.
She was hitting her chest as a way to cope up with her in explainable emotions. "Please..." Hikbi niya. "Make it stop." She cries out as her knees gave in to her weight and before she can truly hit the ground he caught her. Like a knight reaching out to a fallen petal, he gently caught her. She wasn't saved...not yet, but in his arms she felt safe.
"I'm sorry Vin. I'm sorry..." Yakap yakap ni Cluvin si Joreign. He held her shattered pieces with softness.
"It's fine Jo. It's gonna be fine." Pag alo niya habang hinahaplos ang buhok ni Joreign. For a few minutes she cried her damaged heart out and he held her closer, grasping her worries and plucking it out. A rose can have its thorns cut off anyway.
***
Nanatiling yakap yakap ni Cluvin si Joreign, they were sitting on the floor it's past 10 am. Sa wakas ay nagkaroon na si Joreign nang lakas para tumayo, she's still burning from her fever...unwell from the lack of sleep.
Dahan dahang inalalayan ni Cluvin si Joreign sa kama nito at muli niyang pinakain ang dalaga. Walang angal si Joreign sa bawat subo ni Cluvin nang pagkain, she was hungry after all the crying. She even felt ashamed of what Cluvin had to witness.
"Vin." Gamit ang natitirang boses niya tinawag niya si Cluvin.
"Hmm?"
"Pasensiya na napagtaasan kita nang boses kagabi, I was so out of it. A-akala ko sasaktan mo ko." Untag ni Joreign. Itinabi ni Cluvin ang mga pinagkainan at umupo sa harap nang dalaga.
Alam ni Joreign na mabait si Cluvin at ibang iba ito sa lalaking nasa panaginip niya. Pero hindi niya magawang mag-isip nang matino kagabi. She misjudged him and now she's feeling sorry for it.
"Jo...you can tell me anything. No matter how trivial or important it is, if it's your story I'll always be willing to listen. And i'm not forcing you to open it up, you can tell me anytime whenever you're comfortable enough. Just, wag mong ipunin masyado...think of me as your memory card. You can store some of the memories in me...whether it's bad or good."
"And I'm sorry too." He brought his hands together as he looked at her with sincerity in his voice.
"Hindi ko sinasadyang tumabi sa'yo kagabi, it's just that...you were mumbling and trembling in your sleep. Nag alala ako sa'yo without actually thinking that I was crossing the line. I'm sorry, Jo."
"You're allowed to do that...i'm allowing you to cross the line whenever you see fit." Joreign was taking baby steps towards change. She's admitting it to herself that she needs to help herself. Na hindi niya makakamtan ang tunay na pagbabago hangga't hindi niya tinutulungan ang sarili niya. At para mismong matulungan ang sarili niya kailangan niya ring tumanggap nang tulong mula sa iba. It was time to let someone in in her wrecked world.
"Jo...just know that I care. After all, kaibigan kita." May kung anong kirot na nadama si Cluvin nang mabanggit niya ang salitang kaibigan. Tama. Pagpapaalala niya sa kaniyang sarili.
'Kaibigan kita, at kaibigan mo lang ako.' mga katagang ibinulong ni Cluvin sa isipan.