Lumipas ang isa't kalahating oras nang pagmamaneho narating din nila ang hotel. Ipinark ni Cluvin ang sasakyan pero hindi pa ito bumababa. Nanatili lang siyang tahimik sa loob habang walang sawang pinagmamasdan ang natutulog na si Joreign. Just by looking at her he's already happy. Pero hindi naman pwedeng tititigan niya lang ang dalaga, kailangan niyang magcheck-in. Bumaba si Cluvin nang sasakyan, pansamantalang iniwan si Joreign at nagdire-diretso sa lobby para mag check-in.
"Welcome to Spring Stay Hotel sir, what can I do for you?" Pambungad nang isa sa mga staff na naroon sa front desk. Isa itong babae na nasa mid 20's halatang baguhan, hindi rin katangkaran at medyo morena ito. Titig na titig ito kay Cluvin at panay pa ang pagpikit sa harapan nito. She was even bitting her lower lip thinking that that's attractive. Namumula na ang labi nito kakakagat niya pero hindi man lang ito binigyang pansin ni Cluvin.
"A room for two please." Cluvin non-chalantly gives his card to the girl and immediately leaves when he got the card for the rooms. He was taking quick walks as he heads back to the parking but he stops when he notices a kid playing all by himself at the lobby.
The kid was around late four to early five and was holding a dinosaur toy, some Lego blocks were scattered on the floor. Tumingin tingin pa si Cluvin sa paligid dahil baka na andoon lang din ang guardian no'ng bata pero mukhang walang may interest doon sa batang naglalaro sa sahig.
He stared at the kid for awhile and it reminded him of his childhood. He's an only-child. And as a child, he was playful and bright. Not until his mother died, at a young age of 5 the only person he had left was his father. And unfortunately, his father was a strict business man who preferred the company rather than being with him. Dahil kakamatay lang nang mama niya, ang mga batang kalaro niya noon ay hindi na lumalapit sa kaniya ngayon. Kahit pa siya ang mag initiate ay kusang lumalayo ang mga kalaro niya sa kaniya. He even saw how there were pity in those little eyes of his playmates. Ever since nasa bahay lang si Cluvin, mag isang naglalaro.
Nandon na rin na naranasan niyang ma-bully dahil siya raw ang malas sa pamilya at dahil hindi siya minahal nang mama niya kung kaya naman nagpakamatay ito. Because of those issues, he was home schooled. His father was never there with him, lagi itong nasa business trip at kung wala man ay laging late ito uuwi. He came to accept the fact na hindi siya mahal nang ama, or at least iyon ang dating no'n sakan'ya.
He became matured at an early age. He'd always be in the study room or the music room. He is alone. And time passed Cluvin sets his attention to a guitar, that's where his passion for music began. And during this time, he was about to set foot on college. There he promised to take on a new life.
Naging top student si Cluvin. Matalino siya katulad nang kaniyang ama, he's a very diligent student. A role model ika nga nila. Bukod sa academics he also excels in extra-curicculars lalo na sa mga clubs. He was a main vocalist before, together with his friends. And yes, nag karoon na rin siya nang kaibigan. After all those lonely years, he finally had a buddy to hang out with. They were living their youth. Chasing girls and their dreams. They promised they'd venture the real world with their music, together.
At doon na nagsimulang bumalik sa dati ang lahat. Ang inakala ni Cluvin na kaibigan niya ang siya ring nag nakaw nang mga kantang pinaghirapan niya. Right after they graduated nabalitaan na lang niya na nasa isang banda na 'yong mga kaibigan niya at ang mga kanta niya ang kinakanta nila. Cluvin was so disappointed, not just with those friends but also to himself. He should've known better, he shouldn't have forgotten the fact that in this world...he's alone.
He was about to approach the kid when a man got there first. The man was wearing a business attire, looks like he just got off a meeting. Agad na tumayo ang bata at mabilis na nagpabuhat sa lalaki.
"Daddy!" Masigla at malambing na tawag nang bata. Ngumiti naman ang lalaki at ginulo ang buhok nang kaniyang anak. Kita sa mukha nang lalaki ang pagkapagod at saya nang makita ang kaniyang anak. Cluvin stood a few meters from them, he was looking with jealousy knocking at his heart.
"Were you lonely? Daddy took so long didn't I? I'm sorry baby." The kid was giggling as he hugged his father lovingly. Yumuko naman ang lalaki at nagsimulang kunin ang mga laruan na nagkalat sa sahig bago sila tuluyang umalis. Mukhang dito din sila naka check-in sa Hotel.
"At least he didn't have a self-centered bastard as his father." Bulong ni Cluvin sa sarili bago tuluyang pumunta sa kotse. Mabibilis ang bawat hakbang niya pabalik.
Nakabalik na siya sa kotse at mahimbing paring natutulog si Joreign. Alam naman ni Cluvin na napagod ito sa mahabang biyahe nila papunta sa party at dumagdag pa diyan ang pakikihalubilo nito. Hindi naman gustong putulin ni Cluvin ang tulog nang dalaga kaya maingat niya itong binuhat palabas nang sasakyan. Buhat niya si Joreign at bitbit niya ang mga gamit nila maging ang mga basang damit.
Hindi man lang nagising si Joreign sa pagkakabuhat sa kaniya ni Cluvin kahit na napaka sensitive niya sa kaniyang pagtulog. Hindi naman alintana ni Cluvin ang bigat, madali siyang nakapunta sa elevator.
Sumakay siya nang elevator at naglakad sa hallway hanggang sa makarating siya sa assigned rooms nila. Una niyang hinatid si Joreign, ang room nito ay katapat lang nang room niya. Binuksan na niya ang pinto at nagtungo sa kama sabay dahan dahan niyang inihiga nang maayos ang dalaga.
Umungot ungot pa si Joreign matapos niya kumutan ito kaya natanggal sa pagkakasuot ang hood sa ulo ni Joreign. Nakatingin naman si Cluvin sa ilong nang dalaga na bukod sa matangos ay namumula. Agad siyang naalarma dahil baka ubuhin ito o sipunin. Hinipo niya ang noo nito at doon na niya napagtanto na nilalagnat si Joreign.
Walang ano ano siyang lumabas nang kuwarto at nag tungo sa pinakamalapit na pharmacy para bumili nang mga gamot. Pagkatapos ay dumaan pa siya sa isang restaurant para um-order nang pagkain para naman makakain muna at magkalaman ang tiyan ni Joreign bago niya ito painumin nang gamot. Wala pang isang oras ay nakabalik na siya sa kuwarto at isa isang inilabas ang mga pagkain saka inilagay sa isang tray itinabi niya din dito ang mga gamot para hindi niya makalimutan.
Pumasok siya sa kuwarto at naabutang nakabaluktot si Joreign at nanginginig, ang kaninang kumot na sinisipa nang dalaga ay nakabalot na ngayon sa buong katawan nito. Tumabi siya sa kama at naupo bago dahan dahang tinapik ang balikat ni Joreign sabay tawag sa pangalan nito.
"Jo..." Mahina niyang sambit. Walang tugon kay Joreign kaya medyo nilakasan niya ang tawag.
"You need to eat Jo." Thankfully ay nagmulat na nang mata si Joreign. Kinusot kusot pa niya ang mata bago tumingin sa nagaalalang Cluvin.
"H-hindi ako g-gutom." Pagsisinungaling ni Joreign. Halata sa boses niya na masama ang pakiramdam niya dahil namamaos siya. Umiling si Cluvin at inilagay sa ibabaw nang kama ang tray nang pagkain. Nagaalala niyang sinipat ang noo ulit ng dalaga habang ikinokumpara niya ang temperature nang dalaga sa temperatura niya. Maya-maya pa ay tumunog ang tiyan ni Joreign, isang sign na gutom talaga ito.
"But you have still have to eat, come on sit up." Nanlalambot na umupo si Joreign at inalalayan naman siya ni Cluvin. Nakasimangot ang dalaga dahil sa sama nang pakiramdam niya. Sumasakit ang ulo niya at parang may kung anong laser na nagmumula sa mata niya dahilan para magluha siya. Idagdag pa ang puson niya na sumasabay sa sakit.
Kinuha ni Cluvin ang porridge na nabili niya at kinutsara ito bago niya hipan para hindi mapaso si Joreign.
"Ahh, it's a bit hot." Pag-bilin pa ni Cluvin. Ngumanga naman si Joreign at walang angal na kinain ang pagkain. Hindi mapigilan ni Cluvin na sisihin ang sarili niya sa sitwasyon ng dalaga. Kung hindi niya sana ito inaya na sumuob sa ulan ay baka hindi ito nilalagnat ngayon.
"I'm sorry. I shouldn't have been too careless." Paghingi ni Cluvin nang tawad. Umiling naman si Joreign.
"Ano ka ba...*coughs okay lang." Tinuturo ni Joreign yung tubig kaya iniabot ito ni Cluvin. Uminom muna si Joreign bago ito muling nagsalita.
"Besides, nag-enjoy naman ako. Kelan ko pa ba magagawang maglaro at sumayaw sa ulan kung hindi mo pa ako inaya diba?" Alam ni Joreign na sinisisi ni Cluvin ang sarili dahil nagkalagnat siya pero hindi naman pinagsisihan ni Joreign ang maglaro sa ulan, kasama niya si Cluvin noong oras na 'yon at talaga namang masaya siya. He unlocked a bucket list from her vault, her inner child was healing with him and she couldn't ask for more. Kung si Joreign pa nga ang tatanungin, isa sa core memories na niya agad ang memorya na 'yon.
Gumaan naman ang pakiramdam ni Cluvin at muli niyang pinakain si Joreign, dahan dahan pa niyang inilapit ang kutsara sa bibig nang dalaga nang biglang tinaas ni Joreign ang kamay dahilan para huminto siya. Itinuro ni Joreign ang kutsara.
"Ayoko nang luya." Sambit ng dalaga. Nakatingin naman si Cluvin sa kutsarang hawak niya bago niya ito tinanggal.
Nakailang subo pa si Joreign bago ito umayaw sa pagkain. Totoong gutom siya pero nagsinungaling siyang hindi siya gutom kanina dahil wala talaga siyang ganang kumain, pakiramdam niya ay isusuka niya lang ang mga kinain niya.
She was still sitting on the mattress kasi hindi pa siya pwedeng humiga kakakain niya lang. Inilabas ni Cluvin ang thermometer at pinakita ito kay Joreign. Kinuha naman niya ang thermometer kay Cluvin saka ito inilagay sa kaniyang kili-kili. Maya maya pa ay tumunog na ito kaya tinanggal niya. Masakit ang mata niya kaya binigay niya kay Cluvin ang thermometer para basahin.
"Are you sure you're okay?? It says here it's 42 degrees..." Hindi makapaniwalang gano'n kataas ang lagnat ni Joreign kaya alalang alala si Cluvin. Agad na kinuha ni Cluvin ang susi at akmang bubuhatin si Joreign pero umismid ang dalaga.
"Chill ka lang, lagnat lang 'to..." Pagpigil ni Joreign, napahawak pa ito sa baba niya na parang nag-iisip. "O baka trangkaso?" Imik niya sa sarili.
"We should go to the hospital, as in right now. Hindi ko alam kung anong gagawin ko." Sa sobrang pagaalala ni Cluvin ay bigla bigla na lang itong nag Tagalog kaya kuhang kuha ni Cluvin ang atensiyon ni Joreign. Palakad lakad si Cluvin sa harap niya at titig na titig sa hawak na thermometer.