Shot #1: Memories
WILLIAM
Sa ating mundong ginagalawan hindi na maari ngayon ang walang gadget dahil ito na halos ang sentro ng komunikasyon lalo pa't malayo tayo sa pamilya natin o di naman kaya sa ating mga kaibigan o mahal sa buhay, pero sa di inaasahanag pangyayari ang gadget pala ang magtatagpo sa akin sa isang malaking pag asa, ito ay ang pag asang mag karoon ng taong Mag mamahal sa akin sa kabila ng mga Pag kakamali ko, siya yung taong tinanggap ang sa kung ano ako, noong mga panahon na yon napakasaya ko bagamat hindi pa man kami nag kikita ng personal tila ba kilalang kilala ko na siya, siya yung taong hindi ko inaasahang maka pag babago ng buhay ko...
nabuo ang pagmamahalan namin sa isang 'di inaasahang pangyayari...ngunit pinag hiwalay din dahil sa hindi inaasahang pang-yayari...
Alam nyu ba yung nanghuhula ng number??
tapos itetext mo swerte mu kung may mag reply, pero malas mo kapag wala,minsan naman kapag meron minumura ka na agad, o kaya matatanda na...
pero kapag kaedaran mo palang eh talaga namang rereplyan mo pa...
yun ang nangyari sa amin ng babaeng minahal ko ng subra....
pero sa huli iniwan nya lang ako.
Masakit mang kalimutan yong taong minsan ng nag-bigay ng kulay sa malungkot at malamlam nating mundo... wala na tayong magagawa pa kundi tanggapin pa.. kahit subrang sakit ang dulot sa ating buong pag-tao.
:(
FLASHBACK
sabado nuon wala akong magawa, tinatamad din akong mag face book dahil wala naman ng bago kaya ang ginawa ko kinuha ko ang cellphone ko at nanghula ng number, ito ay karaniwan ko ng ginagawa, minsan may nag rereply minsan wala, yung ibang nag rereply inaaway ko lalo't kapwa ko lalaki, ito ay lagi ko ng ginagawa kapag boring.
naka sampung try ako pero wala namang nag reply, dahil halos walang nag reply sa mga hinulaan kong number
nag pasya na lamang akong matulog, para kahit papaano mawala ang pag kainip ko.
AFTER 1HOUR
nagising ako ng bandang alas tres na ng hapon
dahil sa wala akong kasama dito sa bahay namin, hindi pa din nawawala ang pag bagot ko
muli kong kinuha ang cellphone ko, siguro sa sss na lang ako mang goodtime
pag kakuha ko ng cellphone nanglaki ang mata ko dahil sa excitement, may nag reply na...
1Message
from:094880*****
'hai:)sinu po ito??'
hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi
natutuwa ako kasi may nag reply, baka sakaling matuldukan na ang pag kainip ko
kaagad naman akong nag reply at nag pakilala
'Im William ikaw po?'
magalang kong sabi, dahil baka mamaya eh matanda ito...
wala pang halos ilang segondo nag vibrate na agad ang cellphone ko...
'Genesis ang name ko Gen for short hmm taga san ka po?? saan mo po nakuha number ko???"
pag papakilala niya, mas lalo pang lumawak ang ngiti sa aking mga labi ng malamang Babae pala ang nag reply sa akin, at sa di ko maipaliwanag na dahilan
ang bilis ng t***k ng puso ko
"ahm taga Manila ako, hinulaan ko lang ang number mo, ikaw po taga san ka po??? pati ang ganda naman ng name mo..."
sabi ko, para naman matuwa sya sa akin...
" Hmmm hinulaan?? pwede pala yun??hahaha, ngayon ko lang nalaman, nga pala taga quezon province ako dito sa lugar ng Aloneros Quezon"
medyo malayo pala ang lugar nila hindi din ako pamilyar kung saan ang Aloneros, pero kahit ganon ipinag patuloy ko pa din ang pakikipag text sa kanya
ewan pero basta ang gaan kaagad ng loob ko sa kanya parang may kung ano sa damdamin ko at di ko magawang ipaliwanag...basta ang alam ko lang gusto ko syang kilalanin ng lubusan.
END OF FLASHBACK
Napangiti na lamang ako ng maalala ko ang sandali....
kahit patuloy ang pag agos ng luha sa aking mga mata.... nagagawa ko pa ding ngumiti dahil sa masasayang ala ala ko kay Gen..... Habang nag lalakad kami ng malumanay...
kinuha ko muli ang cellphone ko... hinanap ko sa aking playlist ang kantang togma sa nangyayari sa buhay ko..
DI KA MANLANG NAG PAALAM by: JUAN KARLOS LABAJO
sa pag tigil ng sasakyan kasabay nito ay ang pag tigil din ng aking pag lakad, muli akong napapikit at sinariwa ang aking masayang nakaraan.
FLASHBACK
MATAPOS ang insidenting iyon lagi na kaming nag-tetext... sa katunayan halos 3months na kaming mag ka text mate minsan naman mag ka chat sa sss. marami na akung alam tungkol sa kanya ganun din naman sya sa akin,hindi ko lang magawang maka punta sa kanya dahil sa busy din ako at ganon din sya, kaya sabi ko ang pag kikita namin ng personal ay magiging espesyal...
naikwento ko na rin sa kanya na Broken family kami... ako lang mag isa ang Anak nila Mama at Papa, si Mama nasa States na busy sa bago nyang pamilya. si Papa busy sa kanyang business sa New York... ako ito iniwan nila.. ni hindi man lang ako magawang kamustahin ng sinsero basta nag-papadala sila everything that I need but little did they know... the only thing that I want for now is their love and support...
Nang ma ikwento ko ito kay Gen ay humungi sya ng paumanhin... dahil hindi nya raw gusto na masaktan ako. hehe ang sweet nya diba.
Lunes ngayon at tanghaling tapat na, kakatapos lang ng klase namin kaya ang ginawa ko umuwi na lang ako at
binuksan ko ang face book ko at makikipag chat sa kanya
hindi ko maiwasang tumitig sa kanyang mga muka. Sadyang napakaganda niya, yung pag ka chubby niya ang nag papalabas ng tunay niyang ganda isama mo pa ang mahaba niyang buhok na tuwid na tuwid, hindi naman sa pagmamayabang pero sa tingin ko ay bagay na bagay kami.
sa di maipaliwanag na dahilan mas lalong gumaan ang loob ko sa kanya, yun bang parang mahal ko na sya kahit hindi pa kami nagkikita ng personal, Siya lang kasi yong nag bibigay sa akin ng kakaibang saya, yung tipong kapag ka chat ko sya hindi ako nauubusan ng mabubulaklak na salita para lang mapasaya ko sya hindi nga sya halatang 23 eh dahil napaka cute at napaka ganda niya ayon na rin sa kwento niya magaling din daw siyang mag sayaw at maiinit ang pangalan niya sa Campus nila ang Aloneros Academy.
pero isang araw biglang nag bago ang lahat...
umaga nuon at agad ko siyang tinext
"good morning Gen:)"
di sya kaagad nag reply
kaya inisip ko baka tulog pa o di naman kaya busy pa siya
pero sumapit ang tanghali hindi pa din siya nareply kaya tinext ko sya ulit
"Gen wala kabang load??"
muli kong text sa kanya
pero gaya ng nauna wala pa din siyang reply
nag-intay pa ako ng limang minuto
bago nag-desisyon na paloadan sya...
matapos ko syang palodan kaagad ko siyang tinext
"Gen napalodan na kita, text na tayo, pang 1month yan:)"
sabi ko buo ang loob ko na makakapag text siya agad pero lu mipas na ang Limang minuto hindi pa din sya nagrereply
sa mga sandaling yuon nakaramdam ako ng yamot pero nangingibabaw ang pag-a-alala ko sa kanya, dati-rati, isang text ko pa lang nagrereply na sya minsan naman sya pa ang unang nagtetext ngayon kahit isa man lang wala...
"Gen BAT DI KA NAREPLY? ANUNG NANGYAYARI SA IYO?, TEXT KA NAMAN OHH, NAG-AALALA NA AKO SAYO EHH"
hindi ko na mapigilan ang emosyon ko nuon kaya lahat ng sinabi ko ay naka capslock lahat...
ilang oras pa ang lumipas pero wala man syang reply..
di ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa labis na pag aalala, nagising ako pero wala pa din
sumapit ang gabi pero ni isang text mula sa kanya wala akung nareceive
may nangyari bang masama sa kanya??
what happened to Gen??
galit ba sya sa akin???
may nasabi ba akong mali??
nag sawa na ba sya sa akin??
bat di man lang nya sinabi???
yan ang mga tanung na bumabagabag sa isipan ko
sa pag lipas ng tatlong araw wala pa din siyang text
sa mga sandaling ito
minabuti ko na monang hindi sya itext, dito sumagi sa isip ko na baka nakahanap na sya ng iba, baka nag sawa na sya akin.... pero bakit?? wala naman akong ginawa na ikakasawa niya... bakit parang ang sakit?? bakit ang bigat sa pakiramdam ko...
:(
END OF FLASHBACK
yon ang simula ng pag kabagabag ko sa kalagayan ni Mean...
samot saring mga tanong ang bumagabag sa akin... kasi akala ko nag sawa na sya... pero hindi pala.
FLASHBACK
AFTER 1MONTH
pag-gising ko malungkot kung kinuha ang cellphone ko simula nuon hindi na ako nag reply sa kanya, pero halos oras-oras tinitingnan ko pa din kung may reply siya
, nag babakasali pa din kasi ako hanggang ngayon...
pag katingin ko sa Cellphone ko
may message..
biglang bumilis ang t***k ng puso ko at na excite ako...
kaagad ko itong binasa...
nag karoon ng ngiti ang aking mga labi
SA WAKAS NAG-TEXT NA SYA
agad ko itong binasa
"William sorry kung natagalan ako na magtext sayo,ha, I really appreciated those messages comming from you , meron pa palang lalaki na katulad mo yung di nagsasawang mag-hintay, pasensya na ha...
nagreview kasi ako, para sa darating na board exam namin, alam mo ba William..., pangalawa sa may kapal, ikaw at ang mga magulang ko ang inspirasyon ko kaya ngayon lisensyado na ako William Engineer na ako, salamat sa matagal na pag-iintay..."
lahat-lahat ng takot pag-aalala ay nawala ng naka reply na sya, nawala ang lahat ng pag aalinlangan ko...
basta ang alam ko lang sa mga oras na iyon ay napakasaya ko
mabilis naman akung nag reply para muli siyang kamustahin at pangitiin
nanumbalik ang dati kung saya at mula nuon lagi na ulit kaming mag-katext at mag ka chat
isang araw habang mag video call kami
hindi ko maiwasang kabahan
pero sabi nga ng iba
its now or never, wala namang masamang mag try eh, pero kung ano ang maging desisyon niya igagalang ko...
"Gen.."
pag sisimula ko
halos atakihin na ang puso ko dahil sa lakas ng t***k nito.
"YES???"
taka niyang tanong, hindi nga ako makatingin sa kanya ng diretsyo eh, kahit pa video call lang ito, subra akong nahihiya
"p-pwedi k-kabang maging g-girlfriend??"
Matapos kong imikin iyon, bahagyang bumagal ang pag t***k ng puso ko dahil sa kaba, namayani rin ang katahimikan
hindi sya kaagad naka imik maya maya pa'y bigla siyang yumuko
sa mga sandaling ito kahit tanggap ko ng maari nyang tanggihan ang alok ko, nasasaktan pa din ako iba pa din talaga kapag mismong sa kanya na mag mumula ang salita na iyon, sino ba naman kasing babae ang sasagot sa tanong ko eh hindi pa nga ako nang liligaw.... hayyy ang torpe ko talaga...
hindi nya pa din inaangat ang ulo nya
pero maya maya pa unti-unti nya itong inaangat
pinag masdan ko ang napaka ganda niyang muka...
hanggang sa mapansin kong may mga tubig na lumalabas sa kanyang mga mata...
umiiyak sya pero bakit...
hindi ako maka-imik tila natameme na ako... hanggang sa komurti sa kanyang mga labi ang isang ngiti...
isang ngiting kakaiba na laging nag bibigay sa akin ng matinding saya...
"YES, William"
ng marinig ko ang salitang iyon halos di mag kamayaw ang saya na aking nararamdaman, si Gen ang babaeng handang mag boyfriend kahit walang ligawang magaganap. siguro pangit sa pandinig ng marami pero sa dalawang pusong nag-mamahalan ito ay regalo.
Dahil sa relasyon, hindi ang ligawan ang pinatatagal kondi ang pag mamahalan. Love is really unpredictable.
ang babaeng hinulaan ko lang ang number ay syang minahal ko ng subra, na ngayon ay Girlfriend ko na.
END OF FLASHBACK
I smiled bitterly.... ito yong gabing subrang saya ko, yong halos di ako maka tulog dahil sa subrang saya na nadarama ng aking puso...
patuloy lamang kami sa pag lalakad, ng matanaw ko na ang gate... muli akong naluha....
muling nanariwa sa akin ang kasayahan na nauwi sa kasawian.
FLASHBACK
nung gabi na yun subra ang saya ko kaya naman kinabukasan, umalis ako ng manila para pumunta sa Aloneros,
hindi nya alam na pupunta ako sa kanya gusto ko kasi siyang surpresahin, dahil ito ang pangako ko, espesyal ang araw ng pagkikita namin...
habang nag d-drive ako
nag vibrate ang cellphone ko napa ngiti ako
dahil alam kong siya ang nag text sa akin...
kaagad ko itong binasa..
"William may surprise ako sayo:)"
muli akong napangiti
parehas lang pala kami na may surpresa sa isat-isa
hindi na ako makapag intay na makita siya ng personal...
inabot ako ng 8 hours na byahe.. dahil may kaunting ttraffic
pag karating ko sa Aloneros agad kong pinag tanong ang bahay nila
maganda ang lugar na ito. probinsyang probinsya ang dating maraming mga puno at layo layo ang bahay... may kinausap ako na isang tao kanina. nakisuyo ako na makikibantay ng sasakyan ko pero syempre babayaran ko sya . 100 pesos per hour. hindi na sya naka tanggi at kaagad na tinggap ang pakisuyo ko.
habang nag lalakad ako ay nakakita na ako ng pwedeng pag-tanungan kaya agad ko itong nilapitan.
"magandang araw po, pwede ko ba pong malaman kung saan ang bahay ni Genesis Garcia??"
tanong ko sa dito sa babaeng nasa tapat ng VENUS STORE
"si Genesis ba kamo? malapit na ang bahay nyan dito diretsyohin mo lang yang daan nayan lumagpas ka sa kainan na iyon pag katapos tumigil ka sa SAMLERO's BARBER SHOP, may daan duon na paakyat, diretsyohin mo yun pag narating mo ang dulo sa may tabing dagat lumiko ka sa kaliwa yung bahay sa pinakang dulo iyon ang bahay nila Genesis..."
nag pasalamat naman ako dahil sa pag tuturo niya ng daan sa bahay ni Genesis
gaya ng sinabi nya nilagpasan ko yung kainan na may pangalang GUTO MAMI ni ALING ASON,pag katapos lumiko ako bago pa dumating sa SAMLERO'S BARBER SHOP, diretsyo ang daan at ito ay kalsada may mga mangilan ngilan na mga batang nag lalaro ng kung ano-ano
ng marating ko ang dulo lumiko ako sa kaliwa at dito palang tanaw na tanaw ko na ang bahay ninda mean
ito lang kasi ang bahay sa dulo
malaking bahay na kulay puti
may maganda rin silang hardin...
hindi na ako nag atubili at kaagad na iyong tinungo
tsaka ko lang napansin na nasa tabing dagat pala ang bahay nila
ang sarap nga ng simoy ng hangin eh
ng marating ko na ang gate ng bahay nila kaagad akong nag doorbell
*DINGDONG
maya maya pa may lumabas na babae at sa tingin ko ay Mama nya ito
kaagad nya namang binuksan ang gate at ngumiti pa sa akin bago siya nag salita...
"sino po sila???"
tanung ng mama nya
"ako po si William"
masaya kong pag papakilala sa kanya
nang laki naman ang kanyang mata bagay na ipinag taka ko
"ayyy naku hijo umalis na kanina pa pupuntahan ka daw para surprisahin ka"
ha???
hindi na aku nakipag-usap at ,mabilis ng umalis
inabotan ko ng bayad ang nag bantay ng sasakyan ko at
halos paliparin kona ang kotse ko dahil na rin sa bilis ng pag papatakbo ko
intayin mo ako jan Genesis
parehas pala tayo ng surprise napangiti naman ako sa kabila ng kaba na nararamdaman ko, pilitin ko mang ikubli
kakaiba ang nararamdaman kong kaba...
****
pag kalipas ng maraming oras
narating ko agad ang bahay namin, mabuti na lamang at walang taffic
hindi ko na alintana pagod at oras... ang mahalaga ay mag-kita kami ni Gen.
pag kadating ko sa bahay namin bumungad kaagad sa akin si Mama
"anak, kakaalis nya lang, dito nga sya natulog eh, habulin mo hindi pa yun nakakalayo"
sabi kaagad ni mama sa akin
walang sali-salita ay
umalis na agad ako sa amin para maabutan ko sya, di na ako sumakay ng kotse para mas mabilis ko syang makita
ng narating ko ang highway nakita ko sya kaagad mag kasalungat kami ng kalsada
kaya hindi kona pinansin ang dami ng tao
sinigaw ko ang pangalan nya
"GENNNNNN!!!!!!!!!!!!!!!!"
napatingin sya sa akin ngumiti siya sa akin at ganon din ako....
kaso...
..... bigla siyang tumawid...
END OF FLASHBACK
umupo na ako sa isang itim na upuan...
patuloy pa rin sa pag luha ang aking mga mata.... ang ibang nandito napapatingin na sa akin.... pero hindi ko sila pinansin...
Ang pag-luha ay walang pinipiling kasarian..
as long as nasasaktan ka, pwedeng pwede kang umiyak at lumuha... dahil ito ang paraan upang ibulalas ang sakit na ating nararamdaman
ng ako na ang mag lalagay ng bulak lak.... mas lalong bumagsak ang luha ko... tila ba hindi sila nauubos...
FLASHBACK
sa biglaang pag tawid ni Gen...
halos lahat ng mata nakatingin sa pagtawid niya,
walang nakagalaw at tila lahat gulat.
kahit ako ay napako sa aking kinatatayuan
sa biglaan nyang pagtawid hindi na nagawang magpreno ng isang humaharorot na kotse kung kayat siyay nabundol nito, tumalsik si Gen... halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan...
bumalik na lamang ako sa ulirat ng dumugin na sya ng mga tao
mabilis akong pumunta sa kanya
kaagad akong umupo sa nakahandusay na si Mean sa gitna ng kalsada
"Gen GUMISING KA DYAN!!"
sabi ko sa kanya hindi ko na napigilan ang pag ragasa ng aking luha...
maya maya pa
gumalaw ang kamay nya at tumingin siya sa akin
ngumiti siya bagay na mas lalong dumurog sa puso ko
hinawakan nya ang pisngi ko hindi ko na alintana ang dugo niya na napupunta na sa pisngi ko
"Ang gwapo mo pala sa personal"
nakangiti nyang sabi pero bakas sa kanyang pananalita na nahihirapan na sya
umiyak na lamang sya at ganun din ako yung mga tao sa paligid hindi kona napapansin
naririnig kona din ang mga tunog na maaring sa pulis o ambulansya
niyakap ko si Gen ng subrang higpit at itoy hinalikan
"ikaw din ang Gen ang ganda mo sa personal.... lumaban ka ha.... marami pa akong mga joke na sasabihin sa iyo---"
muli akong umiyak
"---pati... di ba mag papakasal pa tayo kaya sana..... kumapit ka ha..
mean huwag kang bibitaw....."
sabi ko sa kanya ... at pilit na pinapapalakas ang loob niya
napa ngiti na lamang sya at napa-iling iling...
mas lalong sumidhi ang pag luha ko...
narinig kopa ang kanyang huling sinabi bago tuluyang pumikit ang mga mata nya
"Sa wakas nag-kita din tayo ng personal"
yon ang huli niyang sinabi.... pag katapos binuhat na sya at ipinasok sa loob ng ambulansya
sumakay din ako don
"Dok... gawin nyo po lahat ng paraan para mailigtas si Gen, nakiki usap po ako sa inyo .."
sabi ko sa doctor na gumagamot kay Mean... habang naandito kami sa loob ng ambulansya
may mga nakakabit na ding mga aparatus sa kanyang katawan...
habang siya ay ginagamot... biglang gumuhit ng diritsyo ang life support niya...
nag kagulo kami sa loob ng ambulansya
ginamitan na sya ng kung ano ano pero nanatiling tuwid ang guhit
maya maya pa, tumigil na ang Doktor
at malungkot na umiling
"Im sorry... Time of Death 10:30 pm"
END OF FLASHBACK
patuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko, kasabay ng musika na nag papahiwatig na mawawala na sa akin si Mean ng tuluyan, hindi ko na sya makakausap kahit na kailan, dumako na ang sasakyan
kaagad ko itong nabasa
'ALONEROS MEMORIAL PARK'
hindi ko alam kung bakit sa akin pa ito nangyari...
ang sakit.... para na akong mamatay... bakit ba kasi hindi napansin ni Gen ang kotse na iyon, at bakit ko pa ba kasi siya tinawag...
kung hindi ko sana siya tinawag malamang masaya kami ngayon at hindi nag dudusa
"hijo, hindi ka pa ba uuwi???"
napa lingon ako sa nanay ni Mean ganon din sa paligid
nag sisi alisan na ang mga taong nakipag libing kay Mean
"sege po tita una na po kayo, gusto ko po munang makapag isa..."
walang emosyon na banggit ko kay tita
hinawakan nya lamang ang balikat ko at muling lumuha...
pag katapos nuon ay umalis na rin sya...
ng wala ng taong sa paligid...
muli na naman akong napaluha
"Mean ang daya mo eh..."
panimula ko
"hindi man lang natin na enjoy ang mga araw na mag kasama tayo...
bakit mo ba kasi ako kaagad iniwan??"
tanong ko sa isang puntod waring nag aantay ng isasagot niya pero alam ko naman na wala na... kasi wala na sya
sa huling pag kakataon muli akong tumingin sa puntod niya at nag salita
"ikaw at ako tayo ay pinag-tagpo... ngunit sadyang malupitang tadhana, kaya tayong dalawa ay layo..."
maybe hanggang dito nalang talaga ang pag-mamahalan namin ni Mean..... Malungkot subra.... Pero wala akong magagawa... kundi ang tanggapin ko ang nangyari sa amin ng taong mahal ko....
pero hindi ko alam kong kailan darating ang araw na matatanggap ko na ang lahat.
-STORY END-
Next story entitled: Last Bow