Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating ako sa bar kung saan nag cecelebrate si Callie kasama ang iba pa nyang mga kaibigan
Agad akong sinalubong ng malakas na pounding bass ng musika at ng makukulay na neon lights habang nakikipag siksikan ako sa gitna ng mga taong nagsasayaw. Nang makarating ako sa VIP room, agad akong nahanap ni Callie
Nakapout pa ito habang nakakrus ang mga braso. "Pasalamat ka at mahal kita,"
Napangiti ako nang may paghingi ng paumanhin. "Sorry na, Bes. Better late than never, di ba? Happy birthday,"
Agad ding sumilay ang ngiti sa kanyang mukha at mabilis nya akong niyakap nang mahigpit. "Kumain ka muna doon, Bes. Dami pang pagkain,"
"Thanks, Bes," Kumuha ako ng plato at kumuha ng pasta, grilled chicken, at Greek salad habang nagkukwentuhan ang mga tao sa paligid
Lumapit ulit si Callie sa tabi ko, may nakakalokong ngiti sa mga labi
"Bes, I'm setting up a date for you tomorrow,"
Muntik na akong mabilaukan sa kinakain ko
"Date? As in blind date?"
Tumango sya nang mabilis. "Para naman may iba kang mapagkaabalahan bukod sa mga press releases at crisis management mo!"
"Bes, wala akong oras para dyan," pilit kong katwiran. "Maglalaba at mag aayos pa ako ng bahay bukas,"
"Ang KJ mo talaga! Gusto mo ba talagang tumandang dalaga dyan sa Vance Group?"
"I don't mind," kaswal kong sagot bago sumubo ng isang piraso ng manok
"Don't tell me... hindi ka pa rin nakaka move on sa ex mo?"
Umiling ako nang walang kaabog-abog. "Alam mo, Bes, masaya at tahimik na ako ngayon. I'd rather maintain my peace of mind than bother myself with someone who doesn't deserve my time,"
"Ay, ang taray ni Bes! Pero girl, what if itong isesetup ko ang 'The One' mo?"
"Bes, what if mag-enjoy ka muna tonight sa birthday mo?" balik ko sa kanya
"Hay nako, Sienna! The date tomorrow is set. 2:00 PM at Café Flora! No excuses!"
Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba talaga sya?
Ngumuso ulit si Callie at niyugyog ang braso ko. "Matitiis mo ba na hindi ibigay ang birthday wish ng pinakamamahal mong best friend?"
Napakamot ako sa ulo, hindi maipaliwanag kung matatawa o maiinis sa kakulitan ng babaeng ito
"Hayst! Oo na, sige na!"
"Yay! Thanks, Bes! Promise, mag eenjoy ka sa pinili ko!" yakap nya ulit sa akin
Kinabukasan, ginawa ko ang aking usual Saturday routine. I did a light workout, naglaba, naglinis ng apartment, at nag grocery. Pagkatapos mananghalian at magpahinga nang kaunti, naligo na ako at nag-ayos
Rring! Rring!
"Hello?" sambit ko habang pinapatuyo ang aking buhok gamit ang hair styling rod
"Bes! Kumusta? Yung date mo ha! Huwag mong kakalimutan!"
"Oo na, nariyan na nga, nag aayos na," napairap ako sa hangin. "Pero pagkatapos nito, huwag ka nang mag sesetup ng blind date kahit kailan, ha?"
Natawa sya sa kabilang linya. "Okay, Bes! No need na to set up another date cause I'm 100% sure na bagay kayo!"
"Let's see," kaswal kong sagot
"O sya, di na kita iistorbohin. Good luck sa date!"
"Okay, bye,"
Pasado alas dos ng hapon nang dumating ako sa Cafe Flora
He's wearing a white checkered button-down shirt, paalala ni Callie sa chat.
Iginala ko ang paningin sa loob ng maluwag at cozy na cafe hanggang sa huminto ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo sa may gilid, malapit sa glass wall. Nakasuot ito ng white checkered shirt
Anak ng... Halos hindi ako makapaniwala
AFAM?
The guy was broad-shouldered, bald, wearing a pair of glasses, and calmly drinking his black coffee. But what utterly stunned me was his presence—he clearly looked like he was in his mid-50s. May kaunting pilak na ang natitirang gupit sa ulo nito, at ang tindig nya ay may dalang authority na hindi mo karaniwang makikita sa isang tipikal na blind date.
Pinaglololoko mo ba ako, Callie? Anong akala mo sa akin, naghahanap ng sugar daddy?!
Huminga ako nang malalim at pinatigas ang aking composure. Ayokong magmukhang bastos. Abot langit man ang inis ko sa kaibigan ko, wala namang kasalanan ang lalaking ito. I would handle this professionally ‐ magkakape lang ako nang kaunti, makikipag-usap nang pormal, at magalang na sasabihin bago matapos ang hapon na hindi ako interesado sa panibagong pagkikita
Naglakad ako diretso sa kinauupuan ng lalaki
Nang mapansin ang paglapit ko, inangat nito ang paningin mula sa kanyang tasa. His sharp, hazel eyes locked onto mine from behind his glasses. Agad itong tumayo—isang galaw na napakagraceful at halatang sanay sa magandang asal
"Hi, I'm Sienna," inilahad ko ang aking kamay, pinapanatili ang pormal kong ngiti
Tila natigilan ang lalaki. Bahagyang tumaas ang isa nyang kilay habang pinagmamasdan ang kamay ko, ngunit agad din syang bumawi at tinanggap iyon. His grip was firm, warm, and surprisingly grounding
"I'm Greg," sagot nito. Ang boses niya ay malalim, baritone, at may bahagyang rasp na nakakapangilabot sa tainga
"Mind if I sit?" tanong ko
"By all means," iminwestra nya ang upuan sa tapat nya. Hindi pa rin mawala ang bahagyang pagtataka sa mga mata nya habang pinagmamasdan akong umupo at inilagay ang bag ko sa gilid
Tumingin ako sa paligid bago muling humarap sa kanya
"I’ll be straightforward, Greg. My friend Callie arranged this. Medyo nagulat lang ako kasi hindi nya nabanggit na..." Bitin kong sabi, sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang balikat. "...you're significantly older than what I expected,"
Bahagyang natigilan si Greg, ngunit sa halip na ma-offend, isang munting ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Sumandal sya sa kanyang upuan at pinagcross ang kanyang mga braso
"Is that so?" malamig pero may halong amusement na balik nya. "And here I thought I was just having a peaceful Saturday coffee,"
Naitaas ko ang kilay ko. Denial? O sadyang nagpapanggap lang na cool?
"Look, Greg," pormal kong panimula, pilit na ginagamit ang aking corporate Voice of Reason
"I appreciate you taking the time to meet me today. But I'm currently at a point in my life where my career is my absolute priority. Hindi ako naghahanap ng anumang seryosong relasyon o... kahit anong babagay sa setup na may malaking age difference. I came here out of respect for my friend, but I want to be honest with you early on so we don't waste each other's time."
Tahimik lang na nakatitig sa akin si Greg. Mula sa likod ng kanyang salamin, tila sinusuri nya ang bawat galaw ng mukha ko ‐ yung tipong tingin na parang binabasa ang buo mong pagkatao. It was intense, almost intimidating
Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, bahagyang lumapit si Greg papunta sa mesa
"Sienna..." panimula nya, mas mababa at mas pabulong ang boses, habang may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi
"I admire a woman who knows what she wants and isn't afraid to state her terms. But tell me... do you always reject men before they even offer to buy you a cup of coffee?"
Biglang uminit ang mga pisngi ko. Ang presko!
Napakayabang ng dating sa akin ng palihim niyang pangngisi Akala marahil ng lalaking ito ay maaagaw nya ang atensyon ko gamit ang kanyang maawtoridad na aura at nakatutuksong tingin. He was acting like he had total control of the conversation, as if my rejection was just a cute play to him
"I don't need a coffee Greg," malamig kong sagot sabay tayo. Inayos ko ang strap ng bag ko sa aking balikat. "And I certainly don't appreciate mind games. Thank you for your time, but I think it's best if I leave,"
Bago pa sya makapagsalita ulit, mabilis na akong tumalikod at naglakad palabas ng Cafe Flora, bakas ang inis sa bawat hakbang ko
Nang makalabas ako sa pinto ng cafe, agad kong kinagil sa bag ko ang aking phone at dinial ang numero ni Callie
"Callie!" bungad ko nang sumagot ito. "Ano ba 'yung pinaggagawa mo?! Sinong matandang presko yung ipinapareha mo sa akin sa Cafe Flora?!"
"Huh?!" naguguluhang sagot ni Callie mula sa kabilang linya. "Anong matanda? Bes, nasaan ka ba? Tumawag lang sa akin si Mark ‐ yung kadate mo! Sabi nya nakasuot daw sya ng white checkered shirt at nasa labas siya ng Cafe Flora, naghihintay sa 'yo sa outdoor tables!"
Napatigil ako sa gitna ng sidewalk.
Outdoor tables?
Napalingon ako pabalik sa salaming bintana ng Cafe Flora
Mula sa kinaroroonan ko, natanaw ko si Greg na nakatayo pa rin sa tabi ng mesa nya sa loob. Nakahawak sya sa kanyang tasa habang nakatingin sa akin sa labas. Nang magtama ang mga mata namin sa malayo, muling sumilay ang ngiti sa kanyang mukha, bago sya dahan dahang nagsalute at kumaway sa akin
Napanganga ako
OMG
Hindi sya ang blind date ko. Nagkamali ako ng nilapitan. At ang mas malala... napagbintangan ko pa siyang presko at bastos habang nagkakape lang sya nang tahimik!
Sa sobrang hiya, hindi na ako nakalingon pa ulit. Nagmadali akong naglakad palayo habang hawak ang nag iinit kong mga pisngi