bc

The Lone Anomaly

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
age gap
friends to lovers
kickass heroine
drama
serious
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Batikang Crisis Communications Specialist si Sienna. Beautiful, smart, and fiercely independent—sanay syang magkontrol ng kahit anong iskandalo o krisis.​ Pero paano kung ang mismong kumpanyang pinoprotektahan nya ang maging mitsa ng sarili nyang krisis?​ Sa paghahanap nya sa katotohanan sa likod ng isang napakalaking corporate fraud, unti unting mabubunyag ang mga lihim, kasinungalingan, at pagtatraydor sa paligid nya. And as the tension rises between her and Greg Thorne—the charming, observant ex-FBI investigator assigned to work with her—Sienna finds herself facing a threat she never prepared for: When the truth becomes indistinguishable from lies, will she let the lone anomaly in?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"That wraps up our townhall with our CEO. Thanks everyone for joining!" ​Agad na nagsitayo ang mga empleyado at naglakad palabas ng malaking conference room. Napabuntong hininga ako habang kinuha ang aking notebook. Itinuon ko ang pansin at kukunin na sana ang aking mga papel at celphone nang may biglang tumapik sa aking balikat ​"Great job, Sienna. As always," ​Inangat ko ang aking paningin at natagpuan si James Evans, ang CEO ng Vance Group. Bagamat nakangiti, halata sa kanyang mga mata ang bakas ng pagod at problema Bilang Crisis Communications Specialist ng Vance Group, I’ve been working with James for five years now. I've worked with other CEOs in my previous corporate roles, but James is different. He has over 30 years of experience; he is sharp, strategic, but has genuine care for his employees. Kaya siguro nandito pa rin ako sa kumpanya... dahil naniniwala ako sa vision nya ​"Thanks, Sienna!" bati naman ni Chase Green, matalik na kaibigan ni James at ang Senior Vice President for Finance ​"Come on, James. Don't be silly. Those rumors are not true," patuloy ni Chase habang naglalakad kami nang kaunti. "KPG has been our auditor for a very long time. That one comment from social media is just someone trying to smear our company. It's irrelevant... and Sienna's got it covered. Right, Sienna?" ​"Yes," tumango ako nang may kumpiyansa "Nothing to worry about our external and internal comms, James. We've managed our media outlets and reassured our key clients," ​Tumingin sa akin si James at tumango. "Alright," ​Bumaling sya kay Chase nang may seryosong mukha. "Starting tomorrow, I want to have daily Finance and Operations reviews instead of our usual weekly meetings," ​Nagpalitan ng tingin ang dalawang executive bago tuluyang lumabas ng kwarto, habang naiwan ako sa tahimik na conference room. Inayos ko ang aking mga gamit at sumunod na rin pagkatapos ng ilang sandali upang bumalik sa aking opisina ​September 4 (Friday), 8:00 PM ​Napatingin ako sa orasan sa gilid ng aking laptop screen. Nothing unusual. Kahit Byernes, late pa rin akong umuuwi. Halos nakalimutan ko na nga ang pakiramdam ng weekend gimmick. But I love my job. In this fast-paced corporate environment, this is where I find my sense of purpose and fulfillment ​Kakatapos ko lang i-upload ang internal article tungkol sa naganap na townhall sa aming intranet. Kakacheck ko lang din ng mga external news sites para masigurong wala nang natitirang bakas ng pinasabog na tsismis ng isang anonymous netizen na nagngangalang Spy007 ​Spy007 wrote: Manufacturing giant Vance Group, sangkot sa napakalaking anomalya! Ex-employee reveals PHP125M fraud, conspiracy between management and audit firm. ​Vance Group has the best audit firm, KPG. Napakahigpit ng internal controls ng kumpanya kaya imposibleng may katotohanan ang sinulat ng Spy007 na iyon. Ex-employee? We have an open-door policy and well-established communication channels. If it were true, definitely makakarating at makakarating iyon hanggang sa mesa ni James. Besides, walang anumang records ng fraud reports o financial anomalies ​Pero habang nakatitig sa screen, hindi ko pa rin maiwasang mapag-isip. Sino ang source ni Spy007? Ano ang kanyang motibo? At bakit eksaktong PHP125M ang halagang nabanggit? ​Rring! Rring! ​Agad napukaw ang aking pansin mula sa malalim na pag iisip. Inabot ko ang aking phone sa mesa ​"Hello?" ​"Sienna! Do you even have a life?!" bungad ng boses mula sa kabilang linya ​Napapikit ako. "I have a life, Callie. My work," ​"Bes! Ano ka ba? I've been waiting for you for an hour already! Wala ka pa rin dito sa venue!" ​Natigilan ako. Oh, shucks! Napahilamos ako ng mukha gamit ang isang kamay. Birthday nga pala ngayon ng best friend ko! ​"I'm so, so sorry, Bes... Papunta na ako agad diyan. Give me thirty minutes!" ​Agad kong isinara ang aking laptop, mabilis na isinalansan ang mga gamit sa aking bag, at nagmadaling lumabas ng opisina

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dominating the Dominatrix

read
57.0K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
12.1K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
636.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
846.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
40.8K
bc

The Lone Alpha

read
126.4K
bc

Crosschecked By The Wrong Twin(A Hockey romance)

read
5.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook