5 YEARS LATER....
Kahit saan ata ako tumingin busy ang mga tao. Tanaw ko sila mula sa bintanang salamin ng kwartong kinaroroonan ko. Espesyal na araw para sa akin at sakanila. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.
Every year naman ako umuuwi sa Pinas para magbakasyon. Pero iba itong araw na ito. Mababakas sa mukha ng mga tao ang saya. Lahat sila magaganda at gwapo sa mga suot nila. Napatingin ako sa oras, kunting oras na lang at magsisimula na. Kinakabahan ako na masaya.
Mayamaya ay may kumatok sa pinto. At mula doon ay nakita kong sumilip si Allen.
"Allen! Halika pasok ka!" Pumasok ito kasunod ang isang morenang babae na halatang hirap na sa paglalakad dahil sa laki ng tyan.
"Ang ganda naman ng bride!" bulalas ni Allen.
"Sus! Nambola ka pa. Alam ko naman na maganda ako" natatawang sagot ko. "Mia, kailan ka manganganak?" tanong ko sa girlfriend ni Allen. Sa wakas, nakahanap din ng babaeng magpapatino sa lalaking ito.
"Next month na. Medyo hirap na nga eh" at hinimas nito ang tyan.
"Goodluck! And congrats sa inyo ni Allen, wag mo na pakawalan yan ha? Lalo na at magkakababy na kayo." biro ko
"Hoy Colyn! Porke't kasal mo ha? Syempre di ko na pakakawalan to si Mia. Swerte na ako dito at bibigyan pa ako ng JR." Inakbayan ni Allen si Mia na napatawa na lang.
"Siya sige at aalis na kami nitong bestman mo. Pagbibihisin ko na at baka mauna pa ang bride at groom sa venue. Gusto ka lang daw nya makita." at hinila na ni Mia palabas sa kwarto si Allen.
Natatawang naiwan ako magisa sa kwarto. Yes. Espesyal ang araw na ito para sa akin dahil ito ang araw na iiwanan ko ang pagiging dalaga ko at itatali ako sa taong mahal ko. Sa dami ng pinagdaanan namin. Ito na ang kinalabasan ng aming pagtitiis.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Masaya ako sa nakikita ko, wala anumang bakas ng sakit ng nakaraan. Masayang masaya ako at alam kong masaya din ang mga taong dadalo dahil matagal na nilang hinihintay ito.
Hindi din nagtagal at dumating na ang magaayos sa akin. Naging busy na kami at mga bridesmaid ko. Nakahanda na ang lahat . ..ilang saglit na lang at magsisimula na. Parang naiiyak ako na ewan. Ganito pala ang pakiramdam, after all the hurt and pain may happy ending pa din naman pala.
************************************
Nagsimula ko na marinig ang tradisyon na tugtog kapag maglalakad sa aisle ang bride. Since wala na akong parents, ako lang magisa ang lalakad. By the way it's a beach wedding, dream wedding ko talaga to. Dama ko ang hangin na dumadampi sa balat ko habang inaantay ko na maubos ang entourage ko.
Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ko habang excited ako makita ang groom ko.
PRINCE's POV
Nagsimula na tumugtog at lumakad sa aisle ang mga abay. Lahat kami nagaantay at excited na makita ang bride. Hanggang sa matanaw na namin siya na palapit. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya.
Walang kupas. Maganda pa din. Lalo na sa simpleng gown na bumagay sa lokasyon ng wedding. Tinatangay ng hangin ang gown nyang hanggang tuhod lang ang haba sa unahan at pahaba sa likod. Bakas ang kurba ng katawan nya sa maliit na ribbon na nakaikot sa beywang nya na siyang nagbigay korte dito. Hinayaan lang nakalugay ang buhok nya na bahagya lang kinulot. Sino ba magaakala na hahantong din pala sa ganito ang lahat?
Nagtama ang mga mata namin at parehas kaming napangiti. Nababakas ko sa mga mata nya na naiiyak siya. Luha sa labis na kasiyahan at ganun din naman ako sa kanya.
Hindi maalis ang tingin ko sakanya at ang ngiti ko dahil alam kong masaya siya at ito din ang pinapangarap naming dalawa.
Bahagya na siya nakalampas sa amin nag maramdaman kong may kumurot sa tagiliran ko.
"Aray ko naman." reklamo ko habang hinihimas ang kinurot nya. Napatingin ako sa asawa ko na masama ang tingin sa akin. Maganda pa din kahit galit lalong naniningkit ang mata.
"Para kasing tutulo na laway mo kay Colyn."bulong nito na mababakasan ng selos sa boses.
"Mommy naman eh. Huwag mo sabihing nagseselos ka? Kasal nung tao ngayon. Saka dalawa na anak natin, ngayon ka pa ba magseselos?" medyo naiinis na bulong ko.
"Oh ayan! Yung temper mo! Nagagalit ka nanaman." ismid nito.
Inakbayan ko na lang at bahagyang kinabig palapit sakin para matahimik. Nakatagpo din ako ng nagger na asawa hahaha! Mas matapang pa sa akin. Yung lahat na lang salungat sa mga gusto ko. Mas malala pa ata yung temper nito kesa sa akin. Bagay na bagay talaga kami.
************************************
Upon walking the aisle, nakita ko si Prince na nakatingin sa akin. Napangiti ako na naiiyak. Yes. Hindi siya ang groom ko. Katabi nya ang naging asawa nya. Pure Chinese pero sa Pilipinas na lumaki. May dalawa na silang anak isang 1year old boy and 3 years old girl. 3 years na din silang kasal.
Naiiyak ako habang nakatingin sa kanya. Tanda ng pasasalamat at saya. Nakakatuwang alalahanin ang mga pinagdaanan namin.
For the first year nahirapan kami ni Prince. Pilit nya pa din ako sinusuyo kahit na magkalayo kami. Nung umuwi ako Pinas nagtry siya na ligawan ulit ako. Ewan ko ba hindi ko tinanggap , siguro kasi nasasaktan pa din. Hanggang sa naging busy na siya at busy na din ako. Bumalik ako sa pagiging model/fashion designer. At dun ko nakilala ang groom ko, he was one of the top bachelor sa London. Owner siya ng isang sikat na brand. At first hindi ko naman akalain na magugustuhan nya ako. Pero dahil makulit siya at nung time na yun medyo nagsisisi na ako na iniwan ko si Prince at nabalitaan ko na may girlfriend na siya at asawa na nya ngayon.
Nasa process pa ako ng healing tapos may part ng pagkatao ko na umaasam magkakabalikan kami ni Prince. Then ganun nga nangyari, nauna mainlove sa iba ang loko. Which is hindi din naman nya kasalanan. And im happy now. Kasi si groom yung laging nasa tabi ko nung mga times na down ako. Yung nasira sa akin pinalitan nya ng buong buo.
Kaya ngayon, habang tinititigan ko yung groom ko na ngiting ngiti habang nakatingin sa akin at umiiyak. Naiiyak na din ako habang nangingiti. Kasi sa hirap ba naman nya na paamuhin ako eh sa kasalan din pala ang tuloy.
Sabi nga nya. Hindi na nya ako pakakawalan pa. Haha ! Kilig ang lola nyo!
Introduce ko lang siya. Mr. Ren Silvestre.
Buong sermon ata ng pari panay ang tingin sa akin Ren at pisil sa kamay ko. Akala nya ata nananaginip lang siya.
Bahagya ako bumulong sa kanya.
"Love. ..totoo ako. Hindi to panaginip." Napatingin siya at natawa ng malakas
Napatigil tuloy yung pari at napatingin mga bisita sa amin haha ! Nag peace sign na lang kaming dalawa sakanila at nakinig ulit hanggang sa iannounce na ni Father.
"I now pronounce you husband and wife. ..you may kiss the bride."
Sabay ng palakpakan ay dahan dahang inilapit ni Ren ang mukha nya at siniil ako ng halik.
With Ren, i can be myself. Not the serious type, walang takot na gawin kung anong gusto. Kasi naka support lang siya all the way.
Sometimes when it comes to love, hindi lahat masaya. Hindi lahat perpekto. Hindi lahat ng mahal mo napapasayo kasi may mas better pa pala.
When you feel na toxic na ...just let go. Malay mo may naghihintay din pala sayo. It's just a matter of time. Don't be temperamental when it comes to love.
Just be yourself. Matuto sa mga pagkakamali at wag susukong magmahal at buksan ulit ang puso para sa iba.
*************************************
THE END.....