"IM SORRY." napatingin si Colyn sa lalaking kaharap sa isang fast food chain.
"Wag ka sana magagalit kay Sandra. Alam kong ginagawa nya lang yun para sa kapakanan ng parents nya. Ang duwag ko lang kasi wala din ako magawa para ipaglaban sila ng magiging anak namin." nahihirapang sabi ni Carl.
Mapait na nginitian ko siya. Naaawa ako sa dalawa, mahal nila ang isa't isa pero dahil sa sitwasyon at pagmamahal sa magulang handa silang magsakripisyo.
Naikwento na ni Carl ang lahat sa kanya at hindi naman siya masama para hindi intindihin ang sitwasyon ng dalawa. Kailangan nyang tulungan ang dalawa na magkaayos. Hindi para maibalik si Prince sakanya kundi dahil alam nyang iyon ang mas tama.
"Handa ka bang makipagtulungan sa akin?" tanong ko sa kanya.
"P-pero paano si Sandra? Sigurado akong itatakwil siya ng mga magulang nya at alam kong hindi nya iyon kakayanin." may pagaalangan sa boses ni Carl.
Akma na siyang sasagot ng dumating na si Allen at umupo sa tabi nila. Marahan siyang umakbay dito at itinuro ito." Siya na ang bahala".
Nakita nya napakunot noo si Allen kaya marahan siyang napatawa.
"Relax Allen. Naikwento na nya sa akin ang lahat." kumuha ako sa bag ng ballpen at isang notepad. "Magkano ang shares ko sa company?"
"You own the 35% of it. Of course, Prince owned the 50% and the 15% is mine. Why?" nagtatakang tanong nito sakanya.
Nagsulat siya sa papel at ipinakita kay Allen. Namilog ang mga mata nito sa nabasa at tila hindi mkapaniwala sa nakikita. Napatingin ito sakanya na tila nagtatanong.
"Yes. I will transfer and give my share to this couple." nakita nya napanganga din si Carl sa mga sinabi nya.
"Are yoy f***ing out of your mind??!" hindi naiwasan ni Allen na mapamura sa naging desisyon nya.
Mula sa bag ay may kinuha ako at iniabot kay Allen. Kinuha nya iyon at tinignan, yung pagkabigla nya napalitan ng lungkot at pagtataka.
"Aalis ka?? Akala ko ba aayusin mo ang lahat sa inyo ni Prince??". tanong nito habang hawak pa din ang ticket at passport nya.
"Wala na dapat ayusin sa pagitan namin ni Prince. Ginagawa ko ito kasi ayoko siyang matali sa taong hindi naman siya mahal. Ayokong lahat kami magsisi sa bandang huli."
"Wait . ..seryoso ka ba dyan??" tila hindi na din nakatiis si Carl.
"Yes. Wag nyo na kami gayahin ni Prince na nagsayang ng panahon at pagmamahal. Kung may magagawa naman tayo para maitama ang lahat, bakit hindi na lang natin gawin? Hihintayin mo pa ba na mabalewala ang pagmamahal na binuo nyo ni Sandra ng dahil lang sa pagsalba sa company ng parents nya?"
"Wag nyo isipin na hindi ko mahal si Prince. In fact im doing this because i love him that much that i can't take seeing him marrying a girl who doesn't love him. And i love him enough to let go."
"Colyn. ..." hindi pa din makapaniwala si Allen sa mga naririnig nya.
"Anu ka ba??" bahagya ko siya sinuntok sa balikat para matauhan. "Magiging ayos din ang lahat at alam kong maiintindihan ni Prince ang mga nangyari. I think nagmature na yung mokong na yun." tumawa ako para pagaanin ang awra sa paligid.
"Haaaayysss . ..bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na ganito. Ang sakit sa ulo!!!" natatawa na ding sabi ni Allen.
"Carl. .."baling ko sa kanya " Wag mo sayangin ang pagkakataon. Magkikita kayo ni Sandra, ipaliwanag mo ang lahat sa kanya. Paki sabi pinapatawad ko na siya. Sapat na yang iiwan ko sa inyo para matulungan mo ang pamilya ni Sandra at mapaunlad ulit ang negosyo ng mga magulang nya at para na din sa future ng magiging anak nyo."
"S-salamat! Pangako ! Pagbubutihin ko maging ama at asawa kina Sandra at hindi ko sasayangin ang binigay mong tiwala." tuwang tuwa si Carl na halos gusto na siya yakapin.
"Sige na. Umalis ka na at masamang pinagaantay ang buntis. Si Allen na ang bahala sa iba. Magiingat kayo lagi." nakangiti kong sabi.
Matapos magpasalamat ulit ay nagmamadali n umalis si Carl para puntahan si Sandra. Mabigat na magaan ang pakiramdam ko sa mga oras na iyon. Para akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maayos.
"Are you really leaving for good?" napatingin ako sa katabi ko.
"You think if i stay magiging ayos ang lahat?? Sa tingin ko kasi hindi din. May kailangang umalis at lumayo para sa ikakabuti ng lahat. Naniniwala ako na anumang bagay na nasira at pilit mo mang ayusin at the end of the day mabuo mo man makikita mo pa din ang lamat."
"Ikaw pa din ang masasaktan dahil maaaring masira ulit at masugatan ka. Kaya habang maaga pa kailangan na natin itapon at sa pagdating ng panahon, magagawa na din nating palitan ng walang nasasaktan."
"Ayoko umabot kami sa point ni Prince na maisusumbat namin sa bawat isa lahat ng kamalian na nagawa namin. Ayokong umabot na yung natitirang pagmamahal mapalitan na lang ng galit. Gusto ko isalba kung ano man yung natitirang meron sa amin."
"Well. ..ano pa nga ba magagawa ko? Hamak na kaibigan lang naman ako na handang sumuporta sa inyo. Don't worry, hindi ko pababayaan si Prince and tingin ko nga natuto na siya." nakangiting sabi nito.
"Salamat Allen. Mamimiss ko kayo." Niyakap ko siya.
"Wala ka bang balak magpaalam man lang kay Prince?"
"May 3days pa ako para magisip kung kaya ko ba siya harapin." sagot ko habang nakatingin sa ticket na hawak ko.
************************************
Mabilis lang ang mga pangyayari. Nalaman ni Prince ang totoo at kinansela ang kasal nila ni Sandra. Nabalitaan ko kay Allen na nagalit ng sobra si Prince. Hinarap naman nila Sandra at Carl ang una para ipaliwanag ang lahat at para humingi ng tawad.
Kinabukasan na ang flight ko papuntang London. Pero hanggang ngayon wala pa din akong lakas ng loob na kausapin si Prince. Sabi ni Allen, subsob sa trabaho si Prince at halos hindi lumalabas ng opisina nya. Medyo mainitin pa din naman ang ulo pero kaya nanaman daw ihandle. Kahit papaano nakikitaan ng improvement ang loko.
Tinignan ko ang mga maletang nasa sala. Ito na talaga yun,aalis na ako. Nalulungkot ako na natutuwa kasi hindi man naging maganda ang kwento namin ni Prince, naramdaman ko naman na naging makabuluhan ang journey namin at saka masaya na ako at wala na ako iisiping iba kapag may gusto ako gawin o puntahan. Alam kong parehas na namin nagagawa ang mga gusto namin.
Maybe we really not meant for each other. Pinagtagpo lang kami para matuto sa mga buhay namin. And thankful ako sa mga nangyari sa mga bagay na yun.
Nagulat ako ng may magdoorbell. Wala naman ako inaasahang bisita ng hapon na yun. Nagtatakang tinungo ko ang pinto at binuksan. Para akong napako sa kinatatayuan ko.
"Prince . ..." mahina kong sambit sa pangalan nya.
"Long time no see? Hindi mo ba ako papapasukin?" nagbibirong sabi nito
"Ohh! Sorry! Nabigla lang ako at napabisita ka. Halika pasok ka." at pinapasok ko siya.
Tuloy tuloy siya sa loob at nakita kong natigilan siya ng makita ang mga bagahe ko.
"I was planning to contact you para sana magpaalam but -----------------" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Ganun na lang ba kadali Colyn?" tanong nya sa akin at hindi ako manhid para hindi magets at masaktan sa simpleng tanong na iyon.
Mabuti na lang at nakatalikod pa din siya sa akin at baka kapag humarap siya tumulo na lang ang luha ko. Gusto ko na siyang sugurin ng yakap dahil di ko maikakailang sobrang namiss ko siya. Pero alam kong may mali at hindi pa hilom ang mga sugat.
"I was very happy ng malaman kong hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sandra. Unang pumasok sa isip ko ay ikaw. Hindi mo lang alam yung tuwa na nararamdaman ko. Ang dami na pumasok sa isip ko. Kung paano ako makakabawi sayo. Kung paano mo ako mapapatawad. Kung paano . ..paano tayo magsisimula ulit."
"Prince. ..." wala akong masabi kasi ayoko magkamali ng desisyon. Pero ramdam na ramdam ko yung sakit at pangungulila sa kanya.
"Walang oras na nagiisip ako paano ang gagawin ko. Saan ako magsisimula. ..shit! Tapos nalaman ko kay Allen aalis ka pala" bahagya siya natawa. Tawang punong puno ng lungkot.
"Prince . ..i did what i thought is best for us. We can't turn back time just like before. Ang kailangan natin is mag move on at magisip ng mabuti. Ayoko may pagsisihan sa bandang huli."
"Hindi mo ba talaga pagsisisihan Colyn?" humarap siya sa akin parang gustong bumigay ng puso ko ng makitang naglalandas sa pisngi nya ang kanyang mga luha.
Kailangan ko maging matatag at panindigan ang desisyon ko. Kung bibigay ako sa mga oras na ito, mauulit at mauulit yung ganitong eksena sa amin. Patuloy namin masasaktan ang isa't isa.
"Just tell me Colyn that you still love me and you want us back. I will do anything, i will let you go out with your friends. Do whatever you want to do. Nakasuporta lang ako sayo." tila nagmamakaawa si Prince sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya. Napapikit siya at hinawakan ang mga kamay kong nasa mga pisngi nya.
"Im so sorry Prince. Lord knows how much i love you and you know that. Pero i can't stay with you anymore." Umiiyak na din ako habang nagsasalita. "I know in God's time, mabibigyan nya din tayo ng sagot. Lahat ng bakit natin, lahat ng pinagdaanan natin. I just wish that you become a better person. You can do that on your own. I wish you happiness in life and thank you for loving me . .."
Niyakap nya ako habang nagiiyakan kami. Gumanti na din ako ng yakap sa kanya. Alam kong pinakawalan na nya ako. Tuluyan gumaan ang pakiramdam ko at alam kong aalis ako na wala akong maiiwan na nasasaktan.
"Thank you Colyn. I hope one day we can face each other na wala ng sakit. Please remember you will be forever in my heart no matter what." Hinalikan nya ako sa noo bago bumitaw. "Have a safe trip, keep in touch. Goodbye."
"Goodbye Prince."