MABILIS lang lumipas ang mga araw at buwan. It's been two months simula ng break up nila ni Prince.
Every week. No, every other day iba't ibang babae ang nakikita ni Colyn na bumibisita sa opisina ng ex-boyfriend. Everytime magtatama ang landas nila hindi nya matitigan ang lalaki, dahil sa kabila ng lahat nandoon pa din ang pagmamahal nya sa lalaki.
At ramdam nya pa din ang sakit sa tuwing may iba itong kasama. Nakakalungkot isipin na malabo na sila maging okay, dahil alam ni Colyn sa sarili nya na kung hindi siya ang mauunang kikilos ay hindi makikipag ayos si Prince sa kanya.
It's all about PRIDE.
A part of her is missing, she is broken. Pero medyo gumaan ang pakiramdam nya na nakakawala sya kay Prince. Nagagawa nya yung mga gusto nya ng walang inaalalang magagalit sa kanya. Thinking that way nagagawa nya maging masaya at kuntento.
Minsan all we need is to let go and let what to be meant to happen.
"Ma'am Colyn. ..Ma'am Colyn !" nagulantang sya sa sunod-sunod na katok sa pinto ng opisina nya.
Napatayo sya at binuksan ang pinto. Napakunot noo siya ng makitang namumutla ang sekretarya ni Prince.
"What happened Alma?"
"Eh ...M-Ma'am ..si Sir P-Prince ka...kasi . .." hindi magkadaugaga sa pagsasalita si Alma.
"Hey! Relax ...take a deep breath".
"Nagwa...wala po ka...si sa o-opisina nya."
"May kasama ba sya dun?" silly me, alam ko naman may bumisita sa kanya
"Yes Ma'am. U-umiiyak n-na po yung babae sa l-loob"
"Go tell Allen what happened. Sabihin mo sumunod agad." Napabuntong hininga ako bago lumabas sa opisina at tinungo ang opisina ni Prince.
Not all girls are like me. Na kaya si Prince at malakas ang loob. Nakakaawa minsan dahil babae din ako at napagdaanan ko na yung mga nararanasan nila kay Prince.
Habang palapit sa opisina naririnig ko na ang malakas na sigaw ni Prince at ang hagulgol at sigaw ng kasama nyang babae. Tinibayan ko ang loob ko bago ko nginitian ang mga tao sa labas.
"Go back to work." aniya ko sakanila. Mabilis naman sila bumalik sa kanilang mga pwesto.
Huminga muna ako malalim bago ko binuksan ang pinto.
"Prince !!! " Napasigaw ako ng makita kong sasampalin nya yung babaeng kasama nya. Nakatakip sa mukha ng mga babae ang kamay nito habang umiiyak.
Agad akong lumapit sakanila at tinulak si Prince bago ko niyakap yung babae. Bata pa yung babae siguro mga nsa 26years old.
Humigpit ang yakap sa akin ng babae habang umiiyak.
"Get out of here!" sigaw ni Prince sa akin.
"What the hell are you doing?!!" galit na sigaw ko sakanya.
"It's none of your business!!! Lumabas ka na kung ayaw mo madamay dito"
"Damay na din ako dito ! Dito ako nagtatrabaho at naaapektuhan ang mga empleyado sa mga ginagawa mo!"
"Wala akong pakialam!" sigaw ni Prince bago ihagis malapit sa akin ang mga papel sa table nya.
"Pwede ba itigil mo kakawala??! Ano bang problema nyo?!" tanong ko sabay tingin sa babaeng umiiyak
"I-im sorry . ..pero ka..kailangan nya ako panagutan." umiiyak na sabi sa akin ng babae.
"W-what?" parang nanlamig ang buong katawan ko at nararamadaman kong nanlalambot mga tuhod ko. Sana mali ang tumatakbo sa isip ko.
"Shut up !!!" sigaw ni Prince sa babae.
"I'm 3weeks pregnant". parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Parang umikot lahat ng bagay sa paligid ko at wala na ako naririnig.
The girl here is pregnant. At si Prince ang ama obviously. How? Ganun na lang ba talaga kadali pumatol ni Prince sa iba after our relationship? Akala ko hanggang fling lang siya. Hindi ko naisip na aabot na may maikakama syang ibang babae bukod sa akin. That's pretty much absurd. I can't breathe. Bakit? Umaasa pa ba talaga ako na mahalaga pa ako sa kanya? Na magkakaayos pa kami? Na need lang talaga namin ng space? Wala ako maramdaman, namamanhid ako. Nanlalabo ang mga mata ko. Sa luha? Haha ! WTF! Bakit ganito kasakit? Is this a sign ? Maybe. LET GO, COLYN.