ALLEN's POV
Paglabas ko pa lang sa elevator dinig ko na ang mga usapan. Mainit na naman daw ang ulo ni Prince.
Anyway. Ano bang bago? napailing na lang ako habang nangingiti. Dumeretso ako sa opisina ni Prince.
Naabutan kong busy sya sa mga papel na nasa harap ng mesa nya habang may wine sa tabi nya.
"Hey! Aga ng wine ah?" bati ko sa kanya.
Hindi nya ako pinansin kaya tumuloy ako sa couch at umupo. Malamang nagaway nanaman sila ni Colyn. Haaayyss ito talagang bestfriend ko.
Maya-maya may kumatok sa pinto at sumilip si Alma, ang secretary nya.
"S-Sir..may n-naghahanap po sa inyo. Ms. Melody daw p-po." nauutal pa na sabi ng secretary nya.
"Papasukin mo." agad na tumalima si Alma.
Mayamaya lang pumasok na ang isang matangkad na babae, nakaspaghetti top lang ito at short shorts. Napakunot noo na lang ako. Namumukhaan ko siya, ito ata yung last time na nakatable namin ni Prince sa isang bar. Malaki ang pagkagusto nito kay Prince.
"Hey handsome!" malanding bati nito kay Prince.
Tumayo si Prince at lumapit dito bago humalik sa mga labi nito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Napatayo ako at nahatak ko si Prince ng wala sa loob ko.
"Hey! What the hell are you doing?!"
"Kissing?" nakakalokong ngumiti pa ito.
"Pare. ..ano nanaman bang kalokohan to? Ano ba nangyayari sa inyo ni Colyn??" alam kong may kinalaman nanaman to sakanila ni Colyn kaya nagkakaganito si Prince.
Ngumiti lang sya sa akin at lumapit kay Melody.
"Let's go babe." Inakbayan nya yung babae " Lunch tayo sa labas?"
"Sure."
Napasunod na lang ako sa labas. Hindi ko maiwasan mainis kay Prince. Patay talaga ito kapag naabutan ni Colyn ng ganito. Narinig ko bulong-bulungan sa opisina dahil sa babaeng kaakbay ni Prince.
Muntik na akong mabunggo sa likod ng dalawang ito ng bigla silang huminto. Napasilip ako sa unahan nila. Natapik ko na lang noo ko ng makitang si Colyn ang nasa harapan.
Nakita kong nabigla din si Colyn, pero napalitan agad yun ng malungkot at matamis na ngiti. Bago sya tumabi at pinadaan ang dalawang malalandi.
Namalayan ko na lang na nakalampas na si Colyn sa akin . Naguguluhan ako sa dalawang ito. Sinundan ko sya sa opisina nya.
"Colyn ...mind if i ask for an explanation?"
"Break na kami" simpleng sagot nya.
Napanganga ako bago napasabunot sa buhok ko.
"Are you f*****g kidding me?"
"No"
"Shit." naibulalas ko na lang.
Natawa na lang si Colyn sa akin. Bago inabot yung mga folder sa akin.
"Can you scanned this applications? Mga bagong models yan. Para naman mapatawagan ko na kay Alma for initial assessment"
Inabot ko ang nga folder bago ulit ako nagtanong sa kanya.
"Tell me what happen."
Tumitig si Colyn sa akin, as in, nakakatitig lang sya sa akin kaya naman kitang kita ko yung sakit at lungkot sa mga mata nya. Maya maya ay mahina syang tumawa at lumakad patungo sa bintana at tumanaw sa labas.
"Well. .." huminga muna sya ng malalim."Maybe we are not meant to be. Magkaiba kami ng personalities. And besides, nakakapagod na pala talaga" tumawa sya ng pilit.
Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nya. Nagulat ako ng humarap sya sa akin at umiiyak na yumakap.
"A-Allen. ..saan pa ba ako n-nagkulang? Sinunod ko naman lahat ng gusto nya, binigay ko yung best ko for him? I tried to change him so people will love him also, para makita ng iba na hindi sya isang monster na dapat katakutan. ..but w-why??" umiiyak na hinaing nya sa akin.
Marahan kong hinagod likod nya, naaawa ako sa kanya. Alam naming lahat kung ano ang pinagdaanan ni Colyn kay Prince. Yung hirap nya para lang mapagbago si Prince. Yung mga tiniis nya para lang sa kaibigan namin. Alam naming marami ng pinalampas si Colyn sa mga kagaguhan ni Prince, kaya naman palagay ang loob naming mga barkada ni Prince na kaya ni Colyn ang ugali ni Prince. And we're really glad na nakikita namin yung hirap ni Colyn na nagbunga.
Hindi na si Prince tulad ng dati na war freak. Hindi na sya nananakit ng babae. And mas better sya ngayon sa pag handle sa temper nya unlike before.
"T-tinanggap ko lahat ng sa kanya, Allen. I give up my modelling career to be at his side all the time he needs me. Masakit lang na lahat lang pala ng iyon mababalewala" pagpapatuloy nya.
"Sshhh. ..alam naman natin ugali ni Prince. Kailangan nyo lang magusap. I-gigive up mo ba yung 5years na pinaghirapan mo?" Hinawakan ko sya sa mga balikat at tinitigan.
Marahan nyang pinunasan mga luha sa mata nya at mapait na ngumiti bago tumalikod sa akin.
"Buo na desisyon ko. It's time to make time for myself" humarap sya sa akin at ngumiti
Napangiti na lang ako. Ngiti ng panghihinayang. Hindi ko man alam kung anong rason at biglaan ang paghihiwalay ng dalawa. Iisa lang ang natiyak ko.
Si Prince ang syang nawalan.