CHAPTER 2

1064 Words
Kanina pa natapos ang kanyang meeting kay Mona ngunit hindi niya pa rin magawang bumalik sa opisina. Nag-alala siya na baka hindi lang si Mona ang nakahalata sa kanyang kabaklaan. Mababalewala ang mga effort niya kung sakali man! Tuwing malagay sa alanganin ang kanyang buong pagkatao, hindi niya maiwasang sisihin si Jether. Ito kasi ang dahilan kung bakit mas lalo siyang natakot na ilabas ang tunay na siya! Paulit-ulit niyang hinampas ang manibela ng kanyang sasakyan. Gusto niyang magwala at ilabas ang lahat ng inis sa kanyang dibdib ngunit saan naman niya gagawin iyon? Wala siyang magawa kundi ang bumalik sa opisina dahil may kailangan pa siyang interbyuhin doon. Kanina pa nag-text si Irene sa kanya na tapos na sa initial interview ang babaeng applicant. “Umuwi na siya?” Tinanong ni Chad si Irene nang dumating siya sa firm. Gamit ang kanyang nguso ay itinuro ni Irene na nasa loob ng opisina ang aplikante. “Mukhang jackpot ka sa isang ‘yon.” Sabi niya kasi pang Miss Universe ang beauty ng aplikante.  Hindi niya naintindihan kung ano ang gustong sabihin ni Irene at ngumiti na lamang siya bago tumuloy sa loob ng kanyang opisina. Pagpasok niya, lumingon ang babae at nagtagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti ito sa kanya ng ubod-tamis, ngunit mukhang nag-iba ang hitsura nito sa personal kaysa doon sa larawan na nasa resume ng babae. “Miss Shella Alvarez?” Gusto niyang makasiguro. “Hmmm it’s Pasha Macaraeg po.” Sandaling natigilan si Chad dahil si Shella Alvarez ang inasahan niyang madatnan sa loob ng kanyang opisina. Higit sa lahat, Macaraeg din ito, katulad ni Jether.  “Applicant?” “Yes po. For final interview na raw po ako sabi ni Miss Irene,” sumagot si Pasha. Mukhang hindi sumulpot ang naunang aplikante at nagkataon naman na nagpasa si Pasha kaya ang babae ang na-interview ni Irene kanina. “Can I see your resume?” Gusto niyang tingnan kung nakalagay ba sa resume nito ang pangalan ni Jether, either kapatid o asawa kaya. “Sure. Sandali lang po,” sabi ni Pasha at inilabas ang kopya ng kanyang resume mula sa bag. Tinanggap ni Chad ang resume ni Pasha at pagkuwa’y pinag-aralan ng maigi. “So wala ka pang experience sa accounting firm?” “Wala pa, pero matalino po ako at alam kong kakayanin ko kung anuman ang magiging work ko dito.” Kampante siyang sumagot. Napailing si Chad sa pagka-arogante ng dating ni Pasha, pero kung nagawa nitong magyabang, malaki ang tsansa na hindi ito nagbiro. “Single o married? Wala kasing nakalagay dito sa resume mo,” hirit ni Chad. Bahagyang umismid si Pasha dahil sa itinanong ng lalaki sa kanya. Nainis man siya ay hindi niya masisisi ang lalaki kung type siya nito. Sanay na siya sa reaksyon ng mga lalaki tuwing nakikita siya. “Single pa, pero kung may balak kang ligawan ako, huwag mo ng ituloy kasi hindi kita type.” Hindi niya alam kung mainsulto ba siya sa sinabi ni Pasha  o matawa. “And your point is?” Tinanong niya ito. Natameme siya sa naging tanong ng kanyang employer. Tumikhim siya bago humingi ng paumanhin. “I’m sorry, Mr. Hidalgo. Akala ko kasi ay may ibang meaning ang tanong mo kanina.” She’s honest! At nagustuhan ni Chad ang pagiging prangka nito. Sa larangan ng kanilang trabaho, hindi pwede ang mahiyain dahil kailangan nilang humarap sa iba’t-ibang uri ng tao. “Okay lang. So kailan ka pwedeng magsimula? The sooner the better,” paalala niya sa babae. “How about my salary? Magkano naman ang tatanggapin ko monthly?” Tinanong niya ang lalaki dahil hindi pa kasi nito nabanggit ang tungkol sa magiging sahod niya. “Twenty ang starting, at kung maganda naman ang performance mo, may salary adjustment after six months.” Aminado si Chad na hindi niya kayang tumbasan ang starting salary ng ibang accounting firm ngunit nagsimula pa lamang siya. Kaya nga mas gusto niyang kunin yong mga wala pang experience at i-train ng maayos. Nang marinig niya kung magkano ang kikitain buwan-buwan, hindi siya natuwa. Masyado itong maliit sa kanya kaya naisipan niyang huwag na lang tumuloy. “Thirty?” Sinubukan niyang makipag-negotiate sa lalaki. “Twenty lang ang kaya kong ibigay sayo, Miss Macaraeg.” Nagmatigas si Chad. Gusto niyang tanungin ang babae kung ano ang karapatan nitong humingi ng malaking sahod gayung wala pa itong karanasan sa accounting firm? “Teka lang. Hindi ba at nabanggit mo kanina na matalino ka? Ano ang ginawa mo pagkatapos mong pumasa sa board? Bakit wala ka pang work experience?” Tumingala si Pasha sa kisame na para bang nasa itaas ang sagot sa mga katanungan ng lalaki. Mukhang mapapasubo yata siya sa nobyo ni Audrey. “Bawal bang tumambay muna?” Nasabi na niya at huli na upang bawiin ‘yon. “Sige, okay na ako sa twenty.” Hindi na siya nagmatigas pa at baka kung ano pa ang itanong nito sa kanya at mabuking siya. “Mabuti naman kung ganun. Pwede ka na bang magsimula bukas?” Kailangan niya ng extrang tao dahil magiging abala siya sa pag-asikaso sa case ni Mona. “Bukas na?” Hindi pa siya nakapagpaalam at baka pagalitan siya. “Oo, bukas.” Sabi ni Chad at pagkatapos ay ngumiti siya sa babae. Tumango si Pasha dahil wala rin naman siyang magagawa pa. Bago lumabas ng opisina ay muli niyang tiningnan ang lalaki mula ulo hanggang paa, at wala siyang maipintas. Kahit may suot itong damit, sigurado siya na sandamakmak na abs ang nakatago doon. “See you tomorrow po,” sabi niya at tuluyan ng lumabas sa opisina ni Chad Hidalgo! Napatiimbagang si Pasha at tiningnan ng masama ang pintuan ng opisina bago nilisan ang lugar. Kanina, nang magkaharap sila ni Chad, gusto niya itong suntukin at saktan! Kaya pala nahumaling si Audrey sa lalaki dahil sa kakisigan nito! Matagal na niyang alam na may lalaki si Audrey pero nagtiis siya. Ngunit nang tinanggap ng babae ang proposal ni Chad Hidalgo, doon na siya nagwala. Gusto niyang makilala ang kanyang karibal! Nasa labas na siya ng building nang tinawagan niya si Audrey upang ibalita rito ang tungkol sa pagkatanggap niya sa kanyang bagong trabaho. Nakatatlong tawag pa muna siya bago niya narinig ang matamis na boses ni Audrey Mendoza. “Hi. Busy ka ba?” tinanong niya ito. “Medyo. Saan ka ngayon? Sabay na tayong mag-lunch,” sabi ni Audrey sa kabilang linya. Hindi niya inilagay sa kanyang resume na konektado rin siya sa BIR dahil ayaw niyang tanungin siya ni Chad kung kilala ba niya ang nobya nito. “Nasa downtown. May interview kasi ako sa isang accounting firm dito,” sabi niya. “Talaga? Congrats, mahal. Ano’ng name ng accounting firm na napasukan mo?” “Chad Hidalgo & Associates,” sinabi niya kay Audrey ang totoo at napasinghap ito ng malakas sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD