CHAPTER 1

1019 Words
Dalawang taon pa lang ang kanyang accounting firm ngunit marami na siyang mga kliyente. Kadalasan sa mga clients niya ay mga start-up businesses at pawing mga babae ang may-ari. Aminado siya na hindi puro galing sa pag-handle ng accounting records ang dahilan kung bakit marami siyang kliyente,kundi dahil sa kanyang hitsura. Masakit mang tanggapin para sa iilang tao, ngunit iba pa rin ang dating kapag gwapo at macho rin. “Chad, tumawag si Miss Mona kanina at hinanap ka. Urgent raw,” sabi ni Irene. Nang magsimula ang Chad Hidalgo & Associates, si Irene ang kauna-unahang nagpa-interview sa kanya kaya first name basis na lang silang dalawa. “Sige, tatawagan ko na lang siya.” Sabi niya sa babae bago siya tumuloy sa kanyang opisina. Kanina ay nag drive-thru lang siya ng breakfast steak sa Jollibee ngunit sa tingin niya ay ma-delay ng ilang minuto ang kanyang agahan. Hindi man masyadong malaki ang kumpanyang pagmamay-ari ni Mona, importante ito sa kanya dahil pioneering client niya ang A-one Fiberglass. “Miss Mona, please?” Sabi niya kay Wella, ang sekretarya ni Mona, nang sagutin nito ang kanyang tawag. “Mabuti na lang at tumawag ka kaagad, sus, naimbyerna ang lola ko dahil sa BIR.” Sabi ni Wella. “Ah, may findings na pala sila.” Sabi niya na ang tinutukoy ay ang resulta ng pag-audit ng BIR sa A-one, ngunit hindi na siya sinagot ni Wella dahil kinonek na nito ang kanyang tawag kay Mona. “Good morning, Mona!” binati niya ang matandang dalaga na walang ibang inatupag kundi ang kumita ng pera. “Good morning? Paano magiging good ang morning ko gayung higit sa isang milyon ang babayaran ko sa BIR!”  Kahit sa telepono lang sila nag-usap, na-imagine ni Chad ang hitsura ng babae. Mas lalong sumingkit ang maliit nitong mga mata dahil Chinese si Mona, at panay ang pagbuntong-hininga. “Relaks, Mona. Aayusin ko ‘yan,” nangako siya. “Breakfast muna ako, tapos pupunta na ako diyan.” Sabi niya. “Dito ka na lang mag-breakfast,” sabi ni Mona at kaagad naman siyang umuo. Binitbit niya ang kanyang agahan sana at inilapag sa mesa ni Irene nang lumabas siya. “Sayo na ‘to, pupuntahan ko lang si Mona saglit.” “Alam mo,nagdududa na talaga ako sa relasyon ninyong dalawa. Purely business nga ba o may halong monkey business?” Biniro ni Irene ang lalaki. “Business lang,” sumagot si Chad. Pagdating kay Mona ay safe siya dahil wala itong balak na makipagrelasyon sa kahit na sino. Isa lang ang gusto ni Mona at iyon ay ang mas yumaman pa. Kapag pera at lalaki ang pagpipilian, natiyak ni Chad na pera ang pipiliin ni Mona. “Kapag tumawag si Audrey, pakisabi na may meeting ako.” Ayaw ni Mona ng istorbo kaya tuwing mag-uusap silang dalawa ay nakapatay ang kanyang cellphone. “Sure Boss,” pabirong sumagot si Irene. “Ah, muntik ko ng makalimutan. May applicant for interview at na-schedule ko siya around nine, ikaw na ang bahala, okey? Kilala mo naman si Mona,” sabi niya at nagmadaling umalis. Malapit lang sa Pier tres ang planta ng A-one, kaya galing sa Colon ay lumiko siya sa may Zulueta at ilang minuto lang ay nasa tapat na siya ng A-one. Abala ang mga trabahante ni Mona, at nang pumasok siya sa opisina nito, naabutan niya ang babae na nakatingin sa isang warehouse na nasa kabilang kalsada. “Mag-sorry ka na sa kanya,” iminungkahi niya na makipagbati na ito sa kanyang kapatid. “Never! Hindi mo pa rin alam kung magkano ang kita nila noong nakaraang taon?” Inutusan niya si Chad na tanungin nito ang accountant na nag-handle sa libro ng kumpanya ni Lisa, ang kanyang kambal na walang kunsensya! “Feeling ko, lalaki ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon ninyong dalawa.” Nang makita niyang namula si Mona, saka niya napagtanto na hindi niya dapat sinabi ‘yon. “Piste talaga ang mga lalaki, ano? Mabuti na lang at hindi ka lalaki.” Pagkuwa’y sabi ni Mona. Natigilan si Chad sa kanyang narinig. “What do you mean?” Tinanong niya si Mona. “Sus, kunwari ka pa! Alam mo, kahit sandamakmak pa na abs ang meron diyan, alam kong isa kang sirena, Chad!” Walang kiyeme na hinampas ni Mona ang tiyan ni Chad. Napakagat siya ng kanyang labi dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin sa babae. “Paano mo nalaman?” “Hindi ko ba nabanggit sayo na kadalasan sa mga kaibigan ko ay bakla? Anyway, it doesn’t matter. Kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang tungkol sa pisteng liham na ‘yon!” Nagmura si Mona nang maalala kung magkano ang dapat niyang bayaran sa BIR. “Mabuti pa nga kasi kanina pa ako nagugutom,” sumagot si Chad. Dinala siya ni Mona sa likod ng warehouse, kung nasaan ang mansion nito na nakatago lang sa publiko. Hindi niya maintindihan kung bakit nasa harapan ng bahay nito ang kanyang warehouse para sa mga fiberglass.  “Feel at home, Chad.” Sabi ni Mona bago nito inutusan ang isa sa mga katulong na ihanda ang mesa at kakain sila ni Chad. “Isa na lang talaga ang kulang sayo, Mona. Asawa,” sabi niya. Umismid si Mona bago tumingala kay Chad. “Gusto mo bang gawin kitang asawa?” Tinanong niya si Chad, at saka siya bumunghalit ng tawa nang makita ang kahindik-hindik nitong reakson. Nagpalinga-linga si Chad sa paligid at baka may bigla na lang sumulpot na pari at ikasal siya sa amazona na si Mona. “Seryoso ka ba?” “Joke lang! Isa pa, kung mag-aasawa man ako, ayoko sa bakla!” Sumagot si Mona. Sa kauna-unahang pagkakataon ay harap-harapan siyang tinawag na bakla. Oo nga at totoo ang sinabi ni Mona kaya lang, nagulat pa rin siya doon. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kailan mo napansin na may kakaiba sa akin?” Hindi kasi niya matandaan na umasta siyang parang babae sa harap ni Mona. “Hmmm, noong una tayong magkita, Chad.” Napakurap si Mona nang mapansin ang hitsura ni Chad. “Mali ba ang hinala ko? Sorry ha, pero sigurado kasi ako na hindi ka straight.” Kadalasan sa mga friends niya noong college pa siya ay halos mga bakla kaya kahit na pa-men ang dating ni Chad, batid niyang miyembro ito ng pederasyon. Binigyan siya ni Mona ng pagkakataong i-deny ang pagiging bakla niya kaya mas lalo siyang naguguluhan. Tuloy ay naalala niya ang lumang commercial sa sprite ni Toni at Piolo. Ano ang gagawin niya? “Mali po kayo,” nagsinungaling siya dahil hindi niya naman pwedeng sabihin ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD