TUMULO na lang bigla ang luha ni Irish sa kanyang mga mata. Nakita lang naman niya si Henry na may kaakbay na baba habang palabas ng mall.
"Irish, iiyak ka na lang ba diyan? Nasaan na ang matapang na Irish?" mga tanong ni Mabel sa kanya.
Nagpupuyos sa galit ang mga kaibigan ni Irish. Napatunayan nila na totoo ang mga naririnig nilang chismis tungkol kay Henry. May babae nga ito.
"Sugurin mo na sila, Irish! 'Wag kang tumingin lang. Kung ako diyan bibigyan ko ng mag asawang sampal ang babae," galit na sabi naman ni Lara.
Pinunasan ni Irish ang mga luhang kumawala sa mata niya. Saka
Kanina pa rin nagbabaga ang galit sa kanya. Pero ayaw naman niyang maging iskandalosa sa harap ng maraming tao.
Kinuha ni Irish ang kanyang phone sa loob ng malaking bag na dala dala niya. Idinial ang numero ni Henry saka itinapat ang phone sa tenga niya. Hindi niya tinatanggal ang tingin sa dalawang taksil.
"Hi, babe. Nasaan ka?" Masiglang tanong niya kay Henry sa kabilang linya. Kahit na tumawag siya ay ni hindi man lang nabahala itong kausap siya sa phone.
"Kasama ko ang barkada. Iinom lang kami ng konti. Pagkatapos uuwi na rin ako, babe. Ikaw, nasaan ka?"
"Ah, kasama ko sina Cathy, Mabel at Lara. Nakikita nga kita, e. May katabi kang naka-pink polo at blue mini skirt, parang crew sa loob ng mall."
"Ha? Mali ata ang nakikita mo, babe. Baka namamalik mata ka lang," natatawa pang saad ni Henry at tinanggal ang kamay na nakaakbay sa babae. Inilinga ni Henry ang mata sa paligid. Pero hindi niya nakita ang nobya.
"Siguro nga, mali ako. Pero, sana mali na lang ako, Henry. Sana hindi ako nasasaktan habang nakikita kitang kaakbay ang isang babae," diin niya at lumabas si Irish mula sa loob ng kotse ni Cathy.
"Puwede ka ng tumingin sa likuran mo, Henry," dagdag pa ni Irish at agad na pinatay ang tawag.
Sabay na napatingin sina Henry at ang babaeng kasama nito kay Irish. Nanlaki ang mga mata at halos 'di makapaniwalang nasa harapan na niya ang nobya.
"Irish...."
"Oo, ako nga. At kanina pa kita pinagmamasdan mula sa malayo, Henry. Ang kapal ng mukha mo! Ipinaglaban kita sa pamilya ko at nireject ko ang lalaking dapat magiging asawa ko dahil sa'yo. Pagkatapos ito pa ang igaganti mo."
"B-Babe, let me explain..." nagsusumamo si Henry kay Irish.
"Hindi na. Break na tayo!" Malakas na sigaw ni Irish. Kahit na masakit at magdudusa siya. Nagawa siyang pagtaksilan ni Henry.
"Sandali lang, Henry. Sino ba siya?" singit na sabat ng babae at itinuro pa si Irish.
Napaamang si Irish. Mabilis na nilapitan ang babae at hinila ang buhok. Malakas na napadaing ang babae. "Iyan magpapakilala ako sayo! Ako lang naman ang girlfriend nitong lalaking kasama mo. In short, higad ka, makati, wrecker, at kabit ka ng boyfriend kong si Henry! Maliwanag na ba sa'yo kung sino ako?"
Hinawakan ni Henry ang kamay ni Irish na humihila sa buhok ng babaeng kasama niya. Minasamaan niya ng tingin si Henry.
"Aray! Henry, tulong! Masakit ang anit ko!"
"Subukan mong makialam, Henry,! Makikita mo kung paano ako magalit! Baka pati ang ulo mo ay iumpog ko rito sa kabit mo!"
Umatras si Henry at itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko
Binalingan ni Irish ang babae. Mahigpit pa rin niyang hawak ang buhok nito.
"Talagang masasaktan ka sa akin! 'Wag kang mag alala. Ibibigay ko na siya sayo. Para hindi ka na mang-aagaw. Sayong sayo na 'yang makapal ang mukhang ex-boyfriend ko!"
"Irish, no! Huwag mong sasabihin 'yan!" Umiling ito na nagmamakaawa ang tingin.
Binitawan ni Irish ang buhok ng babae. "Magsama na nga kayo. Tutal, pareho kayong mga baliw!"
"Hoy! Sinong baliw ang pinagsasabi mo? Alam mong may jowa nagpapaakbay ka. Gag*! Ako pa talaga!" Mga sigaw ni Irish habang naglalakad palayo ang babae.
"Babe, sorry na. Hindi ko naman mahal 'yon. Nabuyo lang ako ng barkada. Kaibigan ng girlfriend ni Aero."
Tinalikuran ni Irish si Henry at hindi pinakinggan ito pinakinggan. Mabilis siyang naglakad papunta sa kotse ni Cathy. Sinalubong siya ng kaibigan at pinagbuksan ng pinto.
"Irish, babe! Sandali lang, mag usap muna tayo!" mga pakiusap ni Henry habang nasa labas at kinakatok ang bintana ng kotse.
Panay ang tulo ng mga luha ni Irish. Hinahagod naman ang likod niya ni Mabel.
"Hayaan mo siya, Irish. Hindi mo kailangan ang cheater na 'yan. Makakalimutan mo rin siya," ang sabi ni Lara. Napatingin si Irish sa labas at nakita si Henry na halos maiiyak na.
Pinaandar na ni Cathy ang kotse at hinahabol pa rin ni Irish ng tingin ang kanyang dating nobyo.
"Mahal na mahal ko siya. Bakit nagawa ni Henry na lokohin ako?" natanong ni Irish sa mga kaibigan niya.
"Huwag mong pakaisipin si Henry, ang isipin mo ang sarili mo. 'Di kasi siya nakuntento sa relasyon niyo kaya siya nagcheat. Wala ka namang ginawa sa kanya para gawin niya 'yon. Mula pa 'nong nasa senior high tayo ganyan na siya. Ikaw lang 'tong bulag, pinipilit mong magbulag bulagan sa pagiging toxic ng boyfriend mo," mahabang litanya ni Lara.
Matalino naman si Irish, palaging may achievements sa school. Bukod pa sa pagiging matalino, matapang ito sa lahat ng pagkakataon. Ni wala kahit na sinong estudyante ang nakaaway ang dalaga sa eskwelahan. Iginagalang at tinitingala siya ng ibang mga estudyante sa kanyang pagiging mabuti.
Ngunit, nagbago ang lahat 'nong sinagot ni Irish si Henry. Matigas ang ulo rin nito na kahit anong sabihin nila tungkol kay Henry ay 'di pinapakinggan. Kung ano ang alam at nakikita ng mata ang mas pinaniniwalaan ng dalaga.
"Napatunayan mo na kung sino talaga si Henry. Sana ngayon, Irish, matuto ka na. Ewan ko na lang 'pag pinatawad mo pa talaga 'yang ex mo," nasabi naman ni Cathy.
"E, sagad sa buto ang pagmamahal ng kaibigan natin kay Henry. Hindi na ako magugulat na makikita natin na magkasama ulit sila," ani Mabel.
First boyfriend at ang gusto ni Irish ay si Henry na ang una't huling lalaking mamahalin niya.
"Abangan na lang natin ang susunod na kabanata," si Lara, napatingin siya sa gawi ni Irish na umiiyak pa rin.
Mabilis na tumulin ang isang linggo. Bumalik sa normal ang buhay ni Irish. Aral, trabaho at bahay lang siya sa buong maghapon. Halos wala na siyang oras para sa sarili.
Isang linggo na rin na hindi siya umuuwi sa Wawa. Ayaw niyang marinig ang sermon ng mama niya. Dahil mali na pinili niya si Henry. Gayunpaman, mahal pa rin niya ang dating kasintahan.
"Irish, may bisita ka. Nasa labas, ang pogi," imporma ng kasamahan niya sa trabaho, nasa part time job siya sa tindahan ng mga school supplies.
Napahinto siya sa pagsalansan ng mga bagong supplies nila sa estante. Kita niya ang ningning sa mga mata nito na patingin tingin sa labas. "Ha? Baka mali siya ng hinahanap. Sabihin mo, busy ako o kaya sabihin mong wala ako," sambit niya. Baka si Henry o ang kuya niya ang magiging bisita niyang pupunta sa tindahan.
'Di siya tinitigilan ni Henry na suyuin. At kahit na sinusungitan niya at itinataboy ay palagi pa rin itong nagtitiyagang puntahan siya.
"Naku, kapag hindi mo lalabasin 'yon. Mauunahan ka ni Miss Pia. Kanina pa nagpapa-cute sa labas."
Napakamot si Irish sa kanyang buhok. "Sino ba naman kasi 'yon? Ayoko ngang makita o makausap ang ex boyfriend ko," naiinis niyang sabi sa katrabaho.
Sumimangot naman ito sa kanya. "Ikaw, masyado ka. Saka 'wag ako ang pagalitan mo. Dapat ang ex mo na kinukulit ka palagi. Labasin mo na kasi," udyok ng kasamahan niya.
Napilitan na rin si Irish na puntahan sa labas si Henry.
Sa labas ay tama nga siyang si Henry lang ang bisita niya. Kausap nito ang kanilang manager na si Miss Pia.
Parang nagiging palagay na ang dalawa sa isa't isa. May pahataw hataw pa sa balikat ni Henry ang manager nila habang tumatawa. Ni hindi siya napansin ng mga ito na nakalapit na.
Nqpatikhim siya para makuha niya ang atensyon ng dalawa.
Sabay na napalingon sina Henry at ang manager kay Irish. Biglang lumapit anv dating nobyo niya sa kanya at inilahad ang bulaklak na dala nito.
"For you, Irish," nahihiyang sabi ni Henry.
Matalim na tinignan ng dalaga ito at ang bulaklak na dala.
"Ah, Henry. Sige na. Kailangan niyo na atang mag usap ni Irish," sabat ni Miss Pia saka lumapit sa dalaga. "Patawarin mo na. Kanina ka pa hinihintay niyan dito sa labas," mahinang bulong niya kay Irish at umalis na para magkausap sila ni Henry.
"Ano pa bang ginagawa mo rito? Pati ba naman ang manager namin, Henry."
"Nagmagandang loob lang 'yong tao na samahan ako dito sa labas. Ayaw mo kasi akong kausapin. Irish, ikaw lang naman ang mahal ko. Bakit ba ayaw mong maniwala?"
Dahil sa pagmamahal niya kay Henry, naging bulag siya sa lahat ng mga dapat niyang makita. Pero, sinunod niya ang puso niya. Pinaniwalaan niya si Henry at ang pagmamahal niya para sa dating katipan.
"Henry, 'yong sinasabi mong pagmamahal, pilit ko nang kinakalimutan. Kasi hindi ko mapangatawan ang pagmamahal mo para sa akin. Lolokohin mo lang ako nang paulit ulit. Ayoko na, Henry. Pagod na akong intindihin ka."
She burst into tears. Gusto niyang maging matapang at pigilan ang sakit na nararamdaman. Hindi niya kaya, e.
"Gusto kong isumbat sa iyo lahat ng ginawa ko para sa iyo! Pinili kita. Sa lahat ng tao na mananakit sa akin, ikaw pa talaga, na lalaking minahal ko," dagdag niya, may sumbat.
"I'm sorry. Luluhod ako sayo para patawarin mo lang ako. Mahal na mahal kita, Irish. Hindi ko kaya na wala ka." Umiiyak na sabi ni Henry at lumuhod sa kanyang harapan.