PROLOGUE
DISCLAIMER: Ang istorya pong ito ay likha ng malikot na imahinasyon ko. Pawang fictional lamang po ang nilalaman nito. May mga scene at mga salita na hindi angkop sa mga batang mambabasa.
Rated-18 : Read at your own risks ‼️
PROLOGUED
"YES! Sige pa! Lambutan mo pa!" Sabay sabay na malalakas na sigaw ng mga kaibigan ni Irish. Center of attraction ng mga ito ang lalaking nasa gitna na nagsasayaw. Lumuluwa ang mga mata at parang mga hay*k na ngayon lang nakakita ng katawan ng isang lalaki.
Puro babae lamang ang imbitado sa bridal shower ni Irish. Bukas na ang kasal nila ni Henry. Ang hindi niya alam ay kumuha pala ng upahang stripper ang mga kaibigan niya. Kung nalalaman lamang ni Henry ang nangyayari sa bridal shower niya ay baka kanina pa nito pinahinto ang party niya o kaya'y sinuntok ang stripper.
Napatampal na lamang sa kanyang noo si Irish. Habang nakatingin sa lalaking nasa gitna at gumigiling sa maharot na music na napapalibutan nilang magkakaibigan. Nai-imagine niya sa isip niya ang gulong mangyayari kung malalaman ni Henry ito.
Hubad baro ang lalaki na nakamaskara. At naka-tight jeans sa pang ibaba. Namumutok ang mga muscles nito sa dibdib. Nakakatam ang biceps, halatadong banat sa gym dahil na rin sa layer ng abs na humuhubog sa tuwing igigiling ang katawan.
"Sinong may sabi na mag-hire kayo ng stripper?" biglang natanong ni Irish. Wala siyang kaalam alam sa balak ng kanyang mga kaibigan.
"Maeve Irish, mag enjoy ka na lang. Huwag ka ng magtanong. Bukas hindi ka na dalaga," pilyong sabi ni Cathy na kumindat pa sa kanya.
"Pero papagalitan ako ni Henry. Ang usapan namin walang lalaki."
"Bakit alam mo bang wala ring babae sa bachelor party niya? Si Henry pa, Irish," sabi naman ni Mabel.
Alam niyang may pagkababaero si Henry. Pero nagbago na siya. Nangako ito kay Irish na hinding hindi na mauulit ang ginawa nitong panloloko sa kanya. Malaki ang tiwala niya sa katipan. Mahal niya ang fiance niyang si Henry Antonio.
Napasinghap si Irish nang umupo paharap sa kaniya ang lalaki sa kanyang kandungan at doon gumiling giling. Matiim itong tumitig sa mga mata niya. Na-hipnotismo siya ng magandang mga mata nito. Kaya bigla niyang natutop ang buong mukha dahil hindi niya matagalan ang pailalim na titig ng lalaking stripper.
Napakurap kurap siya ng kanyang mga mata. Kakaiba ang hatid sa kanya ng dancer. Nanulay ang kuryente sa kanyang buong katawan habang nakaupo ito sa kandungan niya.
Halos mabingi siya sa naririnig na malakas na sigawan ng mga kaibigan niya. Dahil sa machong stripper. Gusto na niyang mag-walk out kanina pa at umuwi na lang. Pero hindi umobra ang kanyang pagmamaktol sa mga kaibigang sobrang nag-eenjoy.
Mayamaya'y tumayo ang lalaki at mapang akit siyang tinitigan habang panay pa rin ang giling ng katawan nito.
Maeve Irish Dizon, bente anyos at engaged na agad sa kanyang three year boyfriend na si Henry Antonio. High school sweethearts sila. Nagsimula sa simpleng asaran sa loob ng classroom hanggang sa nagtapat ng kanyang damdamin si Henry sa kanya. Noong una ay ayaw pa ni Irish dahil sa kilalang babaero ang binata sa eskwelahan nila. Pero nasunod ang puso niya. After five months na ligawan ay sinagot niya si Henry.
Bunso sa magkapatid si Irish, dalawa lang naman sila at si Nirvana ang panganay. Hindi sila mayaman at hindi rin sila mahirap. Nasa middle class ika nga. May magandang trabaho ang mga magulang niya sa isang malaking farm sa lugar nila. At pag-aari iyon ng mga Avalon. Panahon pa ng kanyang lolo't lola na nagtatrabaho ang pamilya nila sa mga Avalon. At si Irish, gusto niyang baliin ang tradisyong 'yon. Sa pamamagitan ng pagkuha ng kursong abogasya.
Matalino si Irish, consistent honor student at ngayong nasa kolehiyo ay nasa deans lister. May pagkarebelde at may matapang na prinsipyo. Kaya nga gusto niyang wakasan ang paninilbihan ng mga Dizon sa pamilyang Avalon.
Wala nang Dizon ang magpapasakop sa mga Avalon. Hinding hindi siya tutulad sa kanyang mga magulang na tumanda na lamang sa paninilbihan sa isang pamilya dahil sa utang na loob.
"Uminom ka nga, Irish. Ang lalim na ng iniisip mo d'yan. Sina Cathy at Mabel, nilalamutak na ang katawan ng stripper. Sa tindig palang gwapo na. I-try mo kaya, Maeve Irish Dizon. Di ba matapang ka naman? Walang inuurungan at may mataas na prinsipyo. Iboto si Maeve Irish Dizon sa pagka-presidente! Ganyan na ganyan ka noong nangangampanya ka na Club President. Akala mo tumatakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas," may panunuyang sabi ni Lara.
"Tigilan mo nga ako, Lara. Kung gusto mong sumali kina Cathy. Sige na. Bahala kayo sa stripper na 'yan. Wala namang kadating dating sa akin ang lalaking ganyan. Alam mo ang tipo ko."
Ginagaya ni Lara ang pagbuka ng bibig ni Irish. "Yes. I know you very well, na walang lalaking guwapo sayo, kun'di si Henry. Henry is a like a prince charming na ang totoo ay swangit. 'Pag nakatalikod ka ay ubod ng sama ng ugali. Hindi nga namin maintindihan sayo kung ano ba talaga ang nakita mo sa kanya. At talagang pakakasalan mo pa. Baka magising ka na lang isang araw, mali ka pala ng akala sa lalaking pinakasalan mo."
"Masyado ka naman kay Henry. Mabait naman siya saka disente."
"I remember. Di ba three years ago may nai-rrange marriage sa'yo ang lola mo? Ano bang last name niya?"
"Avalon!"
"Shet! Last name palang, powerful na agad. Siguro siya ang mas tamang lalaki para sa'yo. Ewan ko nga sa'yo, kung bakit ni-reject mo. Guwapo siguro 'yon. Malaki ang katawan, may abs at daks." Nangniningning ang mga mata ng kaibigan niya habang iniimagine ang lalaking pakakasalan niya sana noon.
That's three years ago. Kinalimutan na nga niya. Sa yaman naman ng mga Avalon ay nakahanap na sila ng magiging asawa ng anak nila.
"Huwag mong pagpantasyahan dahil hindi ko pa siya nakikita. At kung makita ko man siya sigurado akong hindi ko magugustuhan. Dahil pangit siya," madiing sabi ni Irish.
Hindi pa niya nameet ang bunsong anak ng mga Avalon. Dahil sa America ito naninirahan para mag aral. Ni ayaw nga niyang alamin kung sino ito o makita ang mukha ng lalaking dapat ay pakakasalan niya noon. Nanaig ang pagmamahal niya kay Henry at ipinaglaban sa kanyang mga magulang at lola. At dahil sa hindi siya napilit na magpakasal sa batang Avalon ay hinayaan na lamang siyang ituloy ang relasyon nila ni Henry.
"Gaga ka nga!" Sabay irap ni Lara kay Irish.
Lumalapit si Mabel sa kanila. "Kanina pa namin kayo napapansin ni Cathy na nagkukuwentuhan lang. Sumali kayo sa amin at tayo'y makipagharutan sa stripper. Gosh! Ang tigas!" malakas na tili ni Mabel.
Maingay na nga ang music, maingay rin ang mga kaibigan niya.
"Try this, Irish. I-enjoy mo ang last night ng pagiging dalaga mo. Bukas ay misis ka na ng lalaking feeling gwapo," ibinigay ni Lara ang bote ng beer kay Irish.
"No, ayokong uminom. Gusto kong umuwi nang hindi lasing. Pagagalitan ako ni Henry."
"Kill joy mo, 'teh. Bridal shower mo nag-iinarte ka. Iniisip mo pa talaga ang fiance mo," bulalas ni Mabel.
Napilitan si Irish na kunin mula kay Lara ang bote ng beer at ininom. Malawak ang mga ngiti nina Mabel at Lara na nag-apir pa.
"See you later. Doon muna ako kay pogi," paalam ni Mabel sa dalawang kaibigan.
Naubos ni Irish ang laman ng isang bote ng beer. Mayamaya ay bigla siyang nakaramdam na umiikot ang paligid niya. Para siyang lutang, isang bote lang naman ng beer ang nainom niya. Nalasing ba siya kaagad sa isang boteng beer?
"Lara, hatid mo na ako sa room. Inaantok na ako," sabi ni Irish sa kaibigan.
"Ang aga pa, Irish. Dapat nag-eenjoy tayo ngayong gabi. Hindi matutulog."
MASAKIT ang ulo ni Irish nang magising isang umaga. Agad siyang napabangon sa kama nang maalalang ngayon ang kasal niya.
Kumirot pa ang ulo niya. Bakit pa kasi siya nakinig sa mga kaibigan niya? Baka mag-alburoto na sa galit si Henry 'pag nalamang late siya sa kasal nila. Baka isipin pa nitong hindi siya sisipot sa kasal nila.
Biglang tayo niya at napaharap siya sa salamin. Nanlaki ang mata niyang hubo't hubad siya. Exposed ang kanyang maseselang parte ng katawan. Napaupo siya bigla sa gilid ng kama nang maramdaman ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita.
Nanlalaki ang mata niya. May katabi ba siyang natulog?
Sinabunutan niya ang kanyang buhok. Hindi puwedeng mangyari ito.
"Relax ka lang, Irish. Hindi totoo ito. Panaginip lamang ito. Gumising ka!" napasigaw siya ng malakas.
"Hey, can you keep quiet? I'm still sleepy," rinig ni Irish ang malalim na boses ng isang lalaki.
"F*ck! I am not dreaming. Mayroon nga akong katabi!" Muli siyang sumigaw ng malakas. Umalingawngaw 'yon sa apat na sulok ng kuwarto.
Bumalikwas ng bangon ang lalaki. Tinitingnan lang ito ni Irish at hindi sinasadya na bumaba ang tingin niya. Agad siyang napaiwas ng tingin nang makita ang p*********i nito. Hindi pa 'yon gising pero mahaba at mataba. Paano pa kaya kung gising na gising na ito?
"What happened? I told you to shut up, natutulog pa ang tao! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!"
Mariing napatiim si Irish. Kinuha niya ang unan at makakas na pinagpapalo sa ulo ang estrangherong lalaki. Napadaing ito at pinanggsangga ang mga braso sa mukha.
Hiningal na tinigilan ni Irish ng kapapalo sa lalaki. "Who are you? Alam mo bang kasal ko ngayon? Paano ako napunta rito?" sunod sunod na mga tanong niya.
Tumayo ito na walang pakialam kung nakabuyangyang sa mga mata ni Irish ang kanyang pagkal*l*ki.
Mabilis na ipinikit ni Irish ang kanyang mata. Tinakpan pa niya para hindi magkasala. Ang lakas ng loob talagang ipagmayabang ang mahaba at mataba nitong batuta sa kanya.
"Ano bang problema mo? Wala akong pakialam kung ikakasal ka ngayon. Dahil ako na ang may ari sayo simula kagabi na ibinigay mo ang virginity mo, babae! Hindi ka na makakatakas pa sa akin! And don't close your eyes. You saw my full body last night at sarap na sarap ka pa nga. Panay ang ungol mo." May nakakalokong ngisi ang nakapaskil sa labi nito.
Tila nagpanting ang tenga ni Irish sa narinig. Napamulat siya ng kanyang mata, nakaupo na sa gilid ng kama ang lalaki at naka-boxer shorts na. Napaamang siya sa mga sinabi ng lalaking nasa harapan niya. "Anong pinagsasabi mo? Wala akong pakialam sa katawan mo! Ang tanong ko ang sagutin mo. Paano ako napunta sa room na ito? I remember, nasa bridal shower ko lang ako!"
Napangisi muli ang lalaki. "Ang dami mong tanong. "But may I allow you to introduce myself first? I am Lev, your new husband. Now, get dressed! Baka hindi ako makapagpigil kahit masakit pa 'yang pempem mo ay padadapain kita ngayon din sa kama!"
Nanlaki ang mga mata ni Irish. Ang lakas ng loob ng lalaking ito. Ang kapal ng mukha, akala mo kung sinong guwapo.
Palihim siyang napatingin sa lalaking mapangahas na kinuha ang virginity niya. At napaawang ng malaki ang labi niya.
"T*ngna! Ang guwapo pala niya."