Limang araw matapos ang tawag ng suspek sa pagkidnap sa matalik na kaibigan at kapatid ni Aliah ay hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kaniya. Ni hi o ni ho ay walang nagparamdam kay Aliah through text. Lalo lamang kinabahan at natakot ang dalaga para sa matalik na kaibigan na si Dabby at kapatid na si Ariel. Kahit ang sinabi nitong itetext ang eksaktong address sa kaniya ay wala pa rin siyang natatanggap mula sa kung sino mang hayop na caller na iyon. Ilang araw na ring walang tulog si Aliah dahil sa pangyayaring iyon. Lutang na lutang ang isipan niya. Alalang-alala na siya sa dalawang taong malapit sa kaniya. Hindi niya alam kung saan at kanino pa lalapit. Pinagbantaan kasi siyang papatayin ang dalawa kapag natimbrehan nitong nagsuplong siya sa pulis. Hindi niya puwedeng ipahamak ang mga

