Aliah's POV Kinakabahan na naman ako. Ito na naman ang kutob ko. May nangyari kayang masama sa kapatid ko? Kanina pa ako naghihintay sa kaniya. Ang sabi niya ay uuwi siya at aligaga na ako sa kaaabang sa kaniya sa labas ng tinutuluyan ko. Lagpas na ng hatinggabi pero ni 'hi' o 'hello' sa cellphone ko ay wala akong natanggap mula kay Ariel. Hindi naman puwedeng makatulog siya sa bus dahil hindi ito natutulog kapag nasa biyahe. Gising na gising ang diwa nu'n kapag nakasakay sa mga pampublikong sasakyan. Hindi kaya--mayroon talagang hindi magandang nangyari sa kaniya? O baka wala na siyang load kaya hindi nakakapag-reply sa akin pero hindi eh. Walang sumasagot sa cellphone niya. Baka lumagpas lang. O baka nga nakatulog? Argghh! Halos sabunutan ko na ang buhok ko para mawala ang inis ko, p

