Ariel's POV Hay salamat, nakatapos rin ako sa work. Kapagod mag-type nang magtype ha? Pero okay lang sulit naman kasi linggo na bukas at kailangan ko namang bisitahin ang ate ko sa Cavite. Excited na naman akong umuwi at makita siya. Nami-miss ko na rin siya kaya dederetso na lang ako ng Cavite. Isang sakay lang naman eh. Tatawid lang ako ng kabilang kalsada mula sa pinagtatrabahuhan kong Publishing Company. Isa ako sa mga editor ng pahayagan. Kahit maliit lang ang kinikita ko ay kuntento naman ako sa buhay. Napagkakasya ko naman ang sahod ko sa mga pangangailangan ko at nakakatulong din naman ako sa ate kong masipag din sa pagtatrabaho. Tiningnan ko ang relo ko. Alas siyete na pala ng gabi. Sigurado akong hindi trapik ngayon pero I doubt pa rin kasi nasa Pinas ang worst traffic. Hindi

