''Ako lang naman ang Swe--'' Takte! mabuti nalang talaga at mabilis kong natakpan ang bibig ng kabuteng ito, kahit kailan talaga ang isang ito ipapahamak pa ako...
''You're his what?'' Nakataas kilay naman tanong ni Max kay Austin.
''Kaibigan niya lang naman kaming tatlo, yan ang ibig mong sabihin diba?''
''No it's not!'' Takte at talagang ayaw pang sumangayon sa sinabi ko, at ilalaglag pa talaga niya ako kay Max kaya nilapitan ko ito at sinabing.
''Sabihin mong Oo, kung ayaw mong pengotin ko yang tenga mo dyan! gusto moba talagang mag dinner na naman ako ng sermon ni Max?''
''Now what's the connection between you and my wife?''
''I'm his friend and you're my cousin.''
''Kaibigan ka lang naman pala ng asawa ko, pero kung maka-asta ka parang pagmamay-ari mo siya, just remember this Austin, I'm his husband so don't forget that.''
Kung makapag salita ng ganyan para namang wala siyang kabit, kalaguyo,mistress, girlfriend sadyang ma landi lang itong pinsan ko, at kaibigan pa talaga ng asawa niya ang pinatos nito.
''Feeling asawa lang?'' Mahinang sabi ko.
''What did you say?''
''What I said is Sawa like a snake!'' Biglang bigkas ni Austin dahilan upang palihim kaming tatlo ni Elana at Summer na matawa...
''Sige mauna na ako sa inyong tatlo ha? ingat kayo sa pag-uwi nyo pati na rin ikaw kumag.'' Pasimpleng sabi ko kay Austin ng tawagin ako nito bigla na nagpataas naman ng kilay ni Max.
''Hey Kath, come!''
''What?''
''Tell me, magsabi ka lang kapag sinaktan ka ng gagong yan o pinagbuhatan ng kamay or kahit daplis lang uupakan ko talaga yan kapag nagkataon.''
''Hm, ang tapang ah... Ikaw na talaga Austin.'' Sabi ko at mahinang kinurot ang magkabilang pisngi nito.
''Di nga, promise totoo gagawin ko talaga yun sa kanya Sweetheart kaya sige na umuwi kana.''
''Bye friend!'' Sabay na sabi naman ni Elana at Summer na may bahid ng inis habang nakatingin kay Max.
Kira Pov:
Hinatid nga pala ako ni Max kanina dito sa bahay and now I'm preparing my stuff for tomorrow, birthday kasi ng Daddy niya, Anyways sa mga hindi pa nakakilala sakin, I'm Kira Higgins 26th years old, the secretary and girlfriend of Maxwell Montalba, and the daughter of Mr.Dylan Higgins and Mrs.Harpe Higgins, I have white and fair skin complexion, brown eyes, syempre all in all maganda talaga ako, kaya nga nagustuhan at minahal ako ni Max...
Hays! kinakailangan kona naman umastang kaibigan ng babaeng yun, ang hirap pa naman makipag plastikan sa harap ng babaeng yun, sobrang tanga at manhid niya kasi.
End of Pov:
''What is this?''
''It's a box Kathlia ano pa ba sa tingin mo? suotin mo yan bukas sa birthday ni Dad, nakalimutan ko rin palang sabihin sayo na isasama ko rin si Kira sa birthday ni Dad. Kaya sabihin mo lang kong ayaw mo siyang kasabay sa pag-alis natin bukas...Para sabihin ko nalang sa kanya na sumunod nalang siya dun. At please wag na maraming tanong at pagdududa kasi trabaho lang naman ito kaya isasama ko siya dun.'' Sabi nito at naupo na sa malaking sofa at isa-isang nilabas yung mga documents na dadalhin nito tomorrow.
''Nandyan kana pala Kath?''
''Upo Manang.''
''Hali na kayo dito sa kusina para makakain na kayong dalawa, siya nga pala sinundo kaba ni Max? Pansin ko kasing hindi pinasok ng guard ang sasakyan mo sa garahe.
''Upo Manang.'' Tumanggong sabi ko sa kanya
''Mabuti naman kung ganun.'' Masayang sabi naman ni Manang habang inaayos muns yung mga pagkain sa mesa bago kami umupo at kumain.
''Wag niyo pong bigyan ng kahulogan yun Manang, sinundo ko siya dahil aalis kami bukas kasi pupunta kami sa birthday ni Dad.'' Oo nga pala nakalimutan kona birthday nga pala ng Daddy niya bukas, kaya pala.
''Dapat kasama po kayo Manang, para naman may magbantay sa babaeng ito, baka kasi may gawin na namang kalandian.'' Sabi ni Max at tinuro-turo pa ako nito kaya di ko napigilang taasan siya ng kilay ko pero inirapan lang ako nito at nauna ng umupo at kumain...
''What did you say?''
''Ang sabi ko dapat kasama natin si Manang bukas para may magbantay sayo, dahil baka lumandi kana naman sa iba!'' Malakas na boses na pagkasabi nito at talagang sa harap pa ni Manang niya sinabi yan.
''Excuse me? for real?''
''Ye--'' Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil mabilis ko siyang nasampal sa mukha.
''Wtf! you slapped me?'' Galit na galit na sabi nito at pagkatapos mahigpit na hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya mas lalo niya pa itong diniinan...
''Stop accusing me like that, kung ayaw mong gawin ko yang mga paratang mo sakin Max!'' Sabi ko sabay walkout at pinili nalang na hindi kumain kahit gutom na ako.
Kathlia Pov:
Kung dati dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, na kahit sigawan at sampalin siya ay di ko magawa, pero ngayon sobrang ininsulto niya na ako kahit wala naman akong ginagawa. Nakakainis lang yun ganun ang daming paratang...
Tiniis ko nalang yung gutom, ng biglang nag ring yung phone ko with an unknown number.
End of Pov:
''Who's this?'' Tanong ko sa kabilang linya. ''It's me your one and only Sweetheart.''
''Austin?'' Hindi mapaniwalang sabi ko sa kanya.
''Yes, sino pa ba ang nag-iisang Sweetheart mo, diba ako lang naman Wife?''
''Stop calling me like that.''
''Biro lang, sige Sweetheart na nga lang, anyways okay ka lang ba? nag-away ba kayo? inaway kaba niya?'' Maraming tanong nito sakin.
''Ang daming tanong ah? ano detective lang ganun?'' Natatawa kopang sabi sa kanya.
''Sorry na nga, tingin sa bintana. Bilis.'' Seryosong tono ng boses nito habang ako naman ay nagdadalawang isip kung susundin koba ang sinabi niya sakin..
''Nananakot kaba Austin?''
''Basta buksan muna kasi.'' Kaya wala na akong nagawa pa kundi buksan ang bintana nitong kwarto ko,
''Wtf! what are you doing out there?''
''I'm bringing you food Sweetheart, dahil alam kong gutom ka, diba nga sinabi mo nag-away kayo, kaya ibig sabihin nun hindi ka pa kumakain.'' Grabi may lahing manghuhula ba ang isang ito?
''Sige na, aalis na ako ha? pakabusog ka dahil mamahalin pa kita.'' Sabi ko kay Kath at isang flying kiss ang iginawad ko sa kanya, nakakahiya man pero ginawa ko parin yun, grabe siya lang talaga ang babaeng nakakagawa sakin ng ganito.
''Ingat ka bukas okay?'' Pahabol kong sabi sa kanya.
Bago ako pumasok sa kwarto ko ay pumunta muna ako sa kwarto ni Kath at mabilis na binuksan ang pinto ng kwarto niya.
''Who are you talking?'' Halos muntikan na akong malaglag sa inuupuan ko dahil biglang pumasok si Max sa kwarto ko, mabuti nalang talaga at nailagay kona yung mga pagkain na ibinigay ni Austin sa mesa ko, Yes mga ang dami kasi eh.
''Wala, wala akong kausap.'' Pagsisinungaling ko.
''Stop lying, di ako bengi kaya narinig kong may kausap ka kanina.'' Sabi pa ulit nito habang iniikot ang buong paningin sa kabuohan nitong kwarto ko pati na rin sa bintanang nakabukas ngayon.
''Guni-guni mo lang yun.'' Walang ganang sabi ko at kaagad na isinara ang bintana.
''Di pa ako ulyanin Kathlia.''
''Bakit may sinabi ba akong ulyanin ka? diba wala naman... Ano ba kasing ginagawa mo dito ha?''
''Bakit bawal na ba akong pumunta sa kwarto mo?
''Yes of course yes! kaya umalis kana nga, storbo kakain pa ako eh.''
''Where did you get that?'' Turo nito sa mga pagkaing nakabalandra ngayon sa mesa ko. Grabi panay english ha!.
''Someone gave me.'' Maikli kong tugon sa tanong nito.
''Who? Di ko naman nakitang may dinala kang pagkain kanina ah.''
''Malamang di mo nakita, kasi nasa iba na yung atensyon at pagmamahal mo, kaya sige na umalis kana dahil kakain na ako... Chuchu!
''Masarap ba?'' Tanong ni Summer habang nililigpit ko ang mga pinagkainan naming dalawa sa mesa.
''Oo ang sarap kaya ng luto mo, anyways mag ready kana dahil aalis tayo bukas.'' Narinig kong sabi Tristan...
''Wait aalis tayo? saan?.''
''Yes kaya dapat matulog tayo ng maaga ngayon.''
''Saan ba kasi tayo pupunta Tristan?''
''Bukas mona malalaman, siya nga pala yung isusuot mong damit para bukas tignan mo nalang dun sa box na nakalagay sa taas ng drawer mo, para masukat mo ito kaagad at para naman kapag di mo ito nagustuhan ay mapapalitan natin ito kaagad.'' Sabi ni Tristan na mas lalong ikina inlove ko sa kanya, Lord thank you po talaga for giving me this person na walang ibang ginawa kundi mahalin at alagaan lang ako...
''Hey, bakit bigla ka nalang natulala dyan? habang nakatingin sakin.'' Nagtatakang tanong ko kay Summer at the same time na amaze sa kagandahan nito habang pinagmamasdan niya ako.
''Wala-- thank you Tristan.'' Nakangiting sabi ko sa kanya.
''You're always welcome Summer.''
''Mahal na mahal kita don't forget that.''
''Sobrang mahal kita Summer kaya sige na mauna kana don sa kwarto ako nang bahalang maghugas nitong mga pinagkainan natin okay?''
''Okay Mahal.'' Sabi ko sabay halik sa pisngi ni Tristan at ganun din naman ang ginawa nito sakin.
''Hello mom?"
''Austin you need to go to your Tito's birthday bukas okay, pakidala nalang din yung gift namin ng daddy mo para sa kanya, na nandyan sa kwarto mo okay?" dahil hindi pa talaga kami pwedeng umuwi ng daddy mo sa ngayon.
''Okay po mom.''
''Sige Anak ingat ka dyan and please be good ha? Dahil baka mapa uwi na naman kami dyan ng daddy mo bigla, dahil may ginawa ka na naman.
''No mom, I be good promise.''
''I love you anak, and we miss you.''
''I love you mom and dad.''
''Let me talk to him.''
''Sige na dahil kakausapin ka daw ng daddy mo, kanina pa talaga niya gustong kunin yung phone.'' Natatawang sabi ni Mom.
''Hello Son, how are you ?" Tanong ni Dad sa kabilang linya ng phone.
''I'm good Dad.''
''Glad to hear that, anyways I miss you Son, kahit sabihin pa ng mommy mo na ang choosy ko wala siyang magagawa, kasi nga sobrang miss kona yung nag-iisang kong anak.''
'Thanks dad sobrang miss kona din po kayo. Ingat po kayo ni Mom dyan.''
''As always son bye.''
''Bye dad.'' I'm so blessed having a family like them, sobrang mapagmahal.