Biglang tumunog ang phone ko habang nasa byahe kami nila Kira at Max, and it's unknown number ang nakalagay, di kaya si Austin na naman ito?
''Who's that?'' Nakataas kilay na tanong ni Max at si Kira naman ay ganun din.
''Pakialam mo ba?'' Dahil sa inis ko kaya ko nasabi sa kanya yan.
''Just answer my damn question, kung ayaw mong itapon ko yang phone mo sa labas ng sasakyan Kathlia!'' Malakas na boses na sabi nito at naka tiim bagang habang nakatingin ito sakin.
''At talagang sumasagot-sagot kana sakin ngayon? may ipagmamalaki kana ba ha?''
''Malamang ano bang gusto mo tumahimik ako? edi tatahimik na ako para lang tumigil kana diyan kaka putak mo na parang manok dyan.'' Walang gana kong sabi sa kanya at isinalpak nalang ang headset sa tenga ko. Then he stop the car in the middle of nowhere, at pagkatapos ay kaagad na binuksan nito ang pinto ng sasakyan at mabilis na kinaladkad ako palabas.
''Just wait for me here Kira, bibigyan ko lang ng leksyon ang babaeng ito! sumusobra na kasi.'' At talagang nagpaalam pa siya sa kaibigan ko na private secretary niya na ngayon.
''Ano ba! bitawan mo nga ako...'' Pagpupumiglas ko sa kanya dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay ko.
''Hahawakan kita, hanggat kailan ko gusto! at talagang hindi kana nahiya noh? sa harap pa talaga ng kaibigan mo ako sinasagot-sagot ng pabalang at pinapahiya...
''Bakit napahiya ba kita? ngayon ko lang talaga nalaman na may hiya ka pa, palang natitira dyan sa sarili mo, nakakatawa lang kasing isipin na ang isang Maxwell Montalba, ay nahihiya pala sa harap ng secretary niya.
''Stop now! and just answer my Damn question... Sino yung tumawag sayo kanina?''
''Paki mo ba?''
''May pakialam ako kasi asawa kita!''
''Asawa mo ako? nakakatawa naman yan, kasi ang sabi mo wala kanang pakialam sakin, tapos ngayon... Magtatanong ka kung sino yung tumawag?'' Sarkastikong sinabi ko sa kanya, na siya namang ikinagalit nito dahilan upang mas lalo niyang pang higpitan ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.
''I said let go of me! bitawan mo ako!''
''Hindi pa tayo tapos tandaan mo yan! kaya dyan kana at maglakad ka nalang papunta sa bahay nila Mom.'' Sabi nito sabay alis na siya naman ikinagulat at mas lalong ikinagalit ko sa kanya dahil natiis niyang iwanan ako dito.
''How could he do this to me? Di ko pa naman kabisado ang papunta sa bahay ng parents niya.
Max Pov:
Dahil sa galit ko sa babaeng yun, ay iniwan ko siyang mag-isa dun, kainis lang kasi dahil nagawa niya pa talaga akong ipahiya at sagot-sagotin sa harap ng babaeng mahal ko, ni hindi nga ako ginaganyan ni Kira, tapos siya gaganyanin lang ako, nakakainsulto diba...
End of Pov:
Biglang tumunog ulit yung phone ko, Kaya sinagot kona kaagad ito.
''Sweetheart bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?'' Bungad kaagad na tanong ni Austin sa phone.
''Sorry, sige tatawagan nalang kita mamaya, kailangan ko pa kasing maghanap ng masasakyan.'' Garalgal na boses na pagkasabi ko kay Austin.
''Wait are you crying?'' He ask
''Ah, hindi ah... At bakit naman ako iiyak aber?'' Pagsisinungaling ko sa kanya.
''I know you Kath, kilala na kita.'' Tinawag niya na ako sa totoong pangalan ko, kaya alam kong seryoso na talaga si Austin ngayon.
''Hindi nga ako umiiyak, sige na Austin tatawag nalang ako sayo mamaya bye.'' Sabi ko sabay patay ng phone ko at nag-iisip kung saan ako makakasakay nito.
''Mabuti nga sa kanya ng masolo naman kita.'' Narinig kong sabi ni Kira bago kami bumaba ng sasakyan, nakita din namin si Zeke na nakaupo sa may beranda at ang paghinto ng sasakyan nila Tristan sa tapat nito.
''Kanina kapa?''
''Yes, kanina pa ako dito naghihintay sa inyong dalawa ni Max.''
Kathlia Pov:
Halos mag dadalawang oras na ako ditong naghihintay ng masasakyan, pero wala talaga ni isang dumadaan kahit taxi manlang o pang pasaherong jeep.
Walanghiya din talaga kasi ang isang yun, nagawa ba naman akong iwan dito, kahit alam niyang hindi ko alam ang papunta sa bahay ng parents niya.
Konti nalang talaga at susuko na ako, nakakapagod din kasi mahalin yung taong kagaya niya, ang hirap niya din kasing intindihin, diba siya na nga itong may sabi na wala na siyang pakialam kasi di niya na ako mahal.
Ang sakit isipin na yung taong mahal na mahal ako noon, ay magagawa ako ganitohin ngayon. Yung basta-basta nalang akong iniiwan sa kong saan-saan katulad ngayon, wala pa naman akong matatawagan para sunduin ako dito, pwera na lang kay Austin at kay Tristan, pero ayaw kona silang maabala pa ng dahil sakin.
End of Pov:
Tristan Pov:
Habang nag-uusap kami ni Zeke ay bigla nalang dumating si Max na hindi nito kasama si Kath at ang mismong kasama nito ngayon ay ang secretary niyang si Kira.
I sighed dahil wala na talagang pag-asa pang magbago at mahalin ulit ni Max ang kaibigan kong si Kath...
End of Pov:
''Bakit kayong dalawa lang?'' Tanong ko kaagad kay Max kaya biglang napairap itong si Kira sakin.
''Bakit? bawal ba kaming dalawa lang ni Max ang makita mo Tristan? diba alam niyo naman na palagi kaming magkasamang pumupunta sa bahay mo at sa bahay ni Zeke, don't tell me, na nagkaroon kana ng amnesia ngayon.''
''Tumahimik ka Kira, hindi ikaw yung kinakausap ko.'' Naiinis kong sabi sa kanya.
''I have the right to talk kasi girlfriend ako ng kaibigan nyo.'' Mariing sabi pa nito sa harap naming dalawa ni Zeke.
''Talagang proud ka pa? kahit alam niyo naman na may tao kayong nasasaktan.''
''Stop it Tristan and you Kira.''
Bigla kaming natigil dahil biglang dumating si Tita Matilda.
''Max, nasaan na yung asawa mo?'' Nagtatakang tanong ni Mom sakin.
''Susunod na lang daw po siya Mom, let's go sa loob nalang po natin siya hintayin.''
''Sige mabuti pa nga.'' Sabi ni Tita Matilda samin.
''Sige mauna na kayo, susunod nalang ako sa inyo.'' Dahil alam kong may mali eh, kaya I decide to call Kath para malaman kung
nasaan siya at kung bakit si Kira ang kasama ni Max, at hindi siya.
''Hello Kath, nasaan ka bakit di kayo magkasama?'' Bungad na tanong ko sa kanya, na may halong pag-aalala.
''Pina-una ko siya dyan Tris, busy kasi ako kanina, saka don't worry papunta na din naman ako dyan eh.''
''Sure ka?'' Nag-aalala ko paring tanong sa kanya.
''Oo naman.'' Pagsisinungaling ko sa kanya, dahil ayaw kong pati siya at si Summer ay mag-alala at baka kung ano pang magawa nila kay Max.
''Siya nga pala anak Austin is here.'' Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Mom, dahil ilang beses na kaming nagkita ni Austin na kasama niya si Kath.
''Ganun po ba? kailan pa siya dumating, sa naalala ko kasi bata pa siya nung pumunta siya dito.''
''Oo, ganun na nga. Palagi mo ngang inaaway si Austin noon at pagkatapos ay tumatakbo itong umiiyak at nagsusumbong sa akin dahil inaaway mo, alam mo bang ang laki niya na ngayon at ang gwapo pa.'' Nakangiting sabi ni Mom na hindi ko ikinatuwa.
''Mas gwapo parin ako sa kanya Mom.''
''Oh, siya sige na... Gwapo kana kahit na mas talagang gwapo pa sayo ang pinsan mong si Austin ngayon.'' Takte! sariling anak ginawa lang panglawang gwapo kaysa sa pinsan.
''Siya nga pala where's Dad?'' Pag-iiba kong ng usapan ng mapansin kong wala parin si Dad dito.
''Nasa office niya lang may tinatapos sandali, pero mamaya lalabas na din yun. Ito oh susi ng room niyo ni Kath and this one naman is yours Kira.
''Thanks po Tita.''
''Siya sige, punta muna ako ng kusina.''
''Sige po Mom.''
Austin Pov:
Nandito ako ngayon sa may swimming pool habang iniisip ang sweetheart ko nakakatawa man, pero nag-aalala na talaga ako sa kanya dahil I heard her sobbing kanina ng mag-usap kami sa phone, kilala kona kasi ang babaeng yun eh, Di kaya nag-away na naman sila? Ano kaya kung tawagan ko nalang siya ulit? Sigh bahala na nga basta tatawagan ko siya sa ayaw at sa gusto niya.
End of Pov:
Wala na talaga akong choice kundi ang tawagan si Tristan para sunduin ako dito, pero takte at muntikan kona kasing mabitawan ang phone ko dahil bigla na namang tumawag si Austin.
''Sweetheart nasaan ka ngayon?'' Hays! ang kulit.
''Bakit na naman? diba sabi ko sayo kanina na umalis ako...''
''Saan ka ngayon just answer me.'' Nag aalalang kong tanong kay Kath.
''Fine, I'm in the middle of nowhere to be found.''
''What? Stop joking at me sweetheart because it's not funny.''
''Di nga ako nagbibiro, iniwan niya ako kanina, kasi nga he was asking me who was calling me nung time na tinawagan mo ako, ikaw kasi eh, pahak ka talaga sakin minsan. Pipingutin ko na talaga yang dalawang tenga mo kapag nagkita tayo ulit.'' Natatawang sabi ko kay Austin and I know that he's not happy now of what happened to me.
''At talagang nagawa mo pang mag joke ng ganyan kahit iniwan ka niyang mag-isa diyan. Quick and send me your location now. ''
''At bakit ko naman ibibigay!'' Pagmamatigas na sabi ko kay Austin para inisin ito.
''Bilis na kasi, sige ka marami pa namang rapist sa panahon ngayon.'' Pananakot ko kay Kath.
''Takte! Austin naman eh... At talagang tinakot mo pa ako, para lang ibigay ko sayo yung location kong nasaan ako.''
''Fine sesend ko na nakakainis ka talaga bakla!'' Takutin ba naman ako dito kaya ayun binilisan ko ang isend sa kanya ang location ko bago pa ako ma rape dito.
''Excuse me? ako bakla? halikan kita dyan eh.''
Austin Pov:
Walanghiya talaga ang lalaking yun, nagawa ba naman nitong iwan ang asawa niya in the middle of nowhere, mabuti nalang din talaga at malapit lang din ako sa location ni Kath.
End Pov:
''Wala parin ba si Kath, hanggang ngayon?'' Sabay na tanong ni Summer at Elana.
''Tinawagan ko siya kanina mahal, papunta na daw siya dito.'' Sabi ko sa girlfriend kong si Summer para hindi na siya mag-aalala pa.
Kath Pov:
Habang nakatayo ako dito sa gilid ng daan at pinagmamasdan ang kulay asul na dagat ay bigla nalang dumating si Mr.Kabute, ay este! si Austin pala, parang ang bilis niya naman yata, ano pinalipad niya ba yung sasakyan niya? Natatawang sabi ko sa isipan...
End of Pov:
''Sweetheart ko, anong tinatawa-tawa mo dyan?'' Ano daw yung tinatawa-tawa ko tapos siya naman itong tumatawa habang pinagmamasdan ako.
''Hoop in! bilis dahil may pupuntahan muna tayo bago kita ihatid.'' Pansin ko kasing nadumihan at basa na din ng pawis ang suot niyang damit, kaya bibilihan ko nalang siya ng bago, Oh diba siya lang talaga ang nakakagawa sakin ng ganito... And I'm so proud of her for making me like this . Etchuss!
''Siya nga pala saan kaba pupunta?'' Tanong ko kahit alam ko namang isa lang din yung pupuntahan naming lugar...
''Sa birthday ng Mommy ni Max.'' Maikling sabi nito kaya kaagad kong binuksan ang pinto nitong front seat ng sasakyan ko at kaagad siyang pina-upo.
''Then let's go!''
''Bakit kaba nagmamadali? don't tell me kikidnappin mo ako?'' Pagbibiro ko kay Austin na siya naman ikinasaya ng mukha nito dahil sa sinabi ko.
''Parang ganun na nga Sweetheart, hindi na kita i uuwi sa inyo, para sakin ka nalang.