Chapter:27
''Ganda mo.'' Simpleng sabi ko kay Kath habang pinagmamasdan ang mala anghel nitong mukha na bumagay din naman sa suot niyang dress ngayon.
''Matagal ko ng alam yan Austin.'' Pabirong sabi naman nito sa tanong ko, kaya medyo natawa din ako ng konti.
''Ganyan nga dapat Sweetheart, love yourself first, bago ang gagong yun."
" Anong konek! sa usapan natin ngayon, ang saming dalawa ni Max aber?'' Nakataas kilay nitong sabi habang, tinitignan sa malaking salamin ang suot nitong dress na ternuhan din nito ng white doll shoes, habang nakalugay naman ang mahaba at maitim nitong buhok.
''Wala, tara na hatid na kita.''
''Sige mabuti pa nga dahil baka hinahanap na nila ako dun. Pwera nalang sa isang kumag na yun na walang paki.'' Malungkot nitong sabi bago tuloyan sumakay sa sasakyan ko.
''Wala parin ba ang asawa mo?'' Tanong ni Tita Matila na kararating lang galing sa kusina, tumulong pa kasi ito kanina sa mga maids niya, na ihanda ang mga pagkain, na para sa mga bisita.
''Sabi niya kanina mauna nalang daw po ako dito, at susunod nalang daw po siya.'' Palusot kong sabi, alangan naman sabihin ko sa kanyang iniwan ko sa daan ang bwesit na babaeng yun diba? edi malilintikan pa ako ng parents ko kapag nagkataon...
''Bakit kaya wala parin siya?'' Tanong ko kay Elana.
''Natraffic lang siguro si Kath.'' Sagot ko naman sa tanong ni Summer na ngayon ay nakatingin lang sa magkasamang si Max at Kira.
''Anyways, sino yan?'' Turo ni Summer kay Kira.
''Kaibigan ni Kathlia yan, her name is Kira, she's Max private secretary.''
''Really? kahit pala sa ganitong okasyon, dapat magkasama parin silang dalawa ng babaeng yan? na ang dapat na nandito lang sana ay ang mga kaibigan at pamilya lang ni Max.
''Hayaan muna. Tara samahan mo nalang akong hintayin si Kath sa labas.''
''Tapatin mo nga ako Austin.'' Biglang sumeryoso ang mukha ko.
''Matagal na kitang mahal Kath, alam muna yan, kaya ano pang ipagtatapat ko sayo, diba wala na? Walang pakundangan kong sabi kay Kath...
''Takte! di yan ang ibig kong sabihin, at hindi rin yan ang tanong ko sayo, what I mean is... Hanggang dito ba naman sinusundan mo parin ako?''
''Diba sinabi ko naman sayo, dito rin talaga ako pupunta, tsaka dito rin ako nanggaling kanina, pero ayaw mo parin maniwala sa sinasabi ko.'' Nakapout pa ang mga labi nito habang nakatingin sakin. At mga ilang segundo ay itinuon na din nito ang paningin sa harap ng menamaniho nitong sasakyan.
''Fine, naniniwala na ako, dahil baka umiyak kapa diyan, wala pa naman akong dalang candy dito... Natawa nalang ako dahil sa sinabi ni Kath.
''Ano ako bata?''
Paalis na sana kaming dalawa ni Summer ng biglang huminto ang sasakyan ni Austin, sa tapat namin at siya din namang pagbaba ni Kath na ikinagulat at ikinatuwa namin, kulang na nga lang tumalon-talon kaming dalawa dito at mapagkamalan pang baliw.
''Wait is that Austin?''
''Malamang sino paba sa tingin mo?'' Ayan umiral na naman ang walang pakundangan pamimilosopo sakin ng pinsan kong si Summer.
''Grabi ang ganda naman ng babaeng kasama niya.''
''Oo, nga eh, yung lalaking kasama naman ng magadang babae ay ang gwapo din.''
''Tama, siguro mag syota ang dalawang yan.''
Max Pov:
Narinig naming usap-usapan ng mga tao dito sa loob, kahit kailan talaga napakalandi niyang babaeng, how could she do this to me? paano niya nagawang sumama sa pinsan ko, at dito pa talaga sa mismong birthday ni Dad, malilintikan talaga sakin mamaya ang babaeng yan! paulit-ulit niya nalang talaga akong pinapahiya...
Pero s**t! dahil bigla kong naikuyom ang dalawa kong kamay dahil sa galit ng makita kong hinawakan siya sa kamay ng pinsan kong si Austin, kaya bigla akong nakaramdam ng lungkot, galit at selos, dahil talagang hinayaan niyang gawin ni Austin yun sa kanya, Akmang lalapitan kona nga sana silang dalawa ng bigla silang lapitan ni Mom. Like wtf! at talagang nag mano pa silang dalawa kay Mom.
End of Pov:
''Kath, Austin?'' Sabay kaming napalingon ni Austin kay Tita Matilda at kaagad na nag mano sa kanya.
''Kanina pa kita hinihintay, bakit nga pala di kayo sabay na pumunta ni Max dito? Hay naku! Tita kung alam niyo lang kung anong ginawa sakin ng magaling niyong anak, I'm sure manggagalaiti din kayo sa galit...
''Sorry po Tita, may ginagawa pa kasi akong homework sa bahay kanina kaya pinauna ko nalang si Max dito.'' Pagsisinungaling ko.
''Ganun ba?'' Sabi nito kaya tumango nalang din ako kay Tita Matilda pati din si Austin.
''Tita, pinapabigay po ni Mom at Dad, gift nila yan para kay Tito Gustavo.'' Kaagad din namang tinanggap ni Tita yung gift na dala ni Austin para kay Tito Gustavo.
''Salamat Austin, kailan pala babalik ang parents mo?"' Tanong ni Tita.
''Hindi ko pa alam Tita, sobrang busy po kasi nila, kaya nga po hindi sila nakapunta dito, dahil nasa business trip na naman sila ngayon.''
''Napaka hard working talaga ng kapatid kong si Shane at ng Daddy Noah mo.'' Narinig kong sabi ni Tita. Ng bigla itong tumingin kay Kath.
''Bakit nga pala kayo magkasama ni Kath?''
''Classmate po kaming dalawa ni Kath Tita, at nakita ko lang din po siya kanina na nag-aabangan ng masasakyan papunta dito, kaya isinabay ko na lang din po siya, dahil pareho lang din naman kami ng pupuntahan.'' Sabi ko.
''Mabuti naman kung ganun, dyan muna kayong dalawa ha, pupuntahan ko muna si Max, dahil gusto kana din daw nyang makita.'' Masayang sabi ni Tita bago ito umalis para puntahan ang pinsan kong walang kwenta.
''Kath!'' Sigaw naming dalawa ni Summer.
''Oh! nandito rin pala kayo?'' Masaya kong sabi sa kanilang dalawa.
''Oo naman, actually isinama lang ako ni Tristan dito. Bakit magkasama kayong dalawa? don't tell me kayo na. Ayie!!
''Hey Summer! tumigil ka nga kakaisip ng kung ano-ano dyan, nag away kasi kami ni Max kanina dahil sa isang ito kaya ayun iniwan niya akong mag-isa sa daan.'' Turo ko kay Austin pero parang wala lang sa kanya, masaya pa nga siya sa tingin ko eh, patawa-tawa lang kasi. Habang si Elana at Summer naman ay nagtitimpi lang ng kanilang galit kay Max.
At habang umaakma pa talaga si Summer na parang susugurin niya si Max, kaya natawa nalang kami tatlo ni Elana at Austin. '' Pigilan mo ako Elana, uupakan ko talaga ang lalaking yun.
''Gaga!'' Maikling sabi ko.
''Grabi naman siya, bakit kasi di mo nalang iwanan.''
''Don't worry Summer malapit na, dahil punong-puno narin talaga ako sa mga pinaggagawa ng lalaking yan sakin. Akalain mo yun, nagawa niya akong iwan ng mag-isa sa daan, at di man lang ako binalikan.''
''Wala talagang konsensya ang gagong yun.'' Sabi pa ni Austin habang iniinom ang wine na nasa baso nito.
''Sinabi mo pa.'' Tugon naman ni Summer sa sinabi nito.
''Siya nga pala, nandito din yung friend mo na s***h secretary ng asawa mo.'' Ani naman ni Elana na para bang may hinahanap sa loob ng bag nito.
''Alam ko, isa din kasi sa dahilan kung bakit nagalit si Max kanina, ay napahiya ko daw siya sa harapan ni Kira, kaya ayun! iniwan niya akong mag-isa.'' Paliwanag ko sa kanilang lahat. Kaya sabay na napataas ang kilay nilang tatlo.
''May hiya pa palang natitira sa katawan yang asawa mong si Max? hindi kasi ka panipaniwala.'' Galit na sabi ni Summer habang nakatingin lang kay Max at kay Kira.
''What if may something sa dalawang yan? Anong gagawin mo.'' Biglang naitanong nito sakin. Kaya napatingin din ako sa kanya ng seryoso bago ko sagutin ang tanong nito.
''Hindi ko alam kung anong gagawin ko Summer, kapag nagkataon... Na tama nga yang sinasabi mo.''
''Let's go to Tristan, dahil baka kanina pa ako hinahanap non.'' Nagmamadaling sabi ni Summer saming tatlo. Di pa siya nakuntento kaya kinaladkad niya kaming dalawa ni Kath, pero nagpupumiglas ako, kasi nandun din si Zeke.
''Sige kayo nalang, dito nalang ako.'' Sabi ko at kaagad na inirapan si Summer ngunit ngitian niya lang ako na para bang nanadya siya para mainis ako.
''Huhulaan ko, kung bakit di sasama ang isang ito.'' Pagbibiro pa ni Summer habang nakatingin ito sa nag-uusap na si Zeke at Tristan.
''Sige nga hulaan mo Summer.'' Putakte! at talagang nakisali pa si Kath para biruin ako.
''Kasi magkasama si Zeke at si Tristan, ayun oh.'' Turo pa ni Summer sa boyfriend nito at kay Zeke.
''Who's Zeke, Sweetheart? Naguguluhang tanong ni Austin. Kawawang bata palinga-linga lang sa dalawang si Summer at Elana habang iniisip kong sino yung Zeke na pinag-uusapan nila.
''Elana's Ex, ngayon alam muna Austin, na minsan narin naging tanga ang isang ito ng dahil sa pagmamahal niya sa lalaking yun.'' Natatawang sabi pa ng bruha kung pinsan at talagang itinuro pa kay Austin kung sino si Zeke.
''Hoy! nakakarami kana talaga! tinatanong niya lang, bakit naman sinabi mo lahat?'' Inis na inis kong sabi pero tinawanan lang ako, walang hiya talaga ang isang ito.
Biglang dumating si Tristan habang nag-uusap kaming apat ''Nandito lang pala kayo?''
''Pupuntahan na sana namin kayo, siya nga pala nasaan na si Zeke?'' Tanong ng nobya kong si Summer na sobrang ganda sa suot nitong kulay beige na dress habang nakalugay ang buhok nito na hanggang balikat.
''Nasa labas, tinawagan kasi siya ng Mommy niya.'' Paliwanag samin ni Tris.
''Where are you?'' Singhal ni Mom sa phone.
''Mom naman... Kailangan ba talagang sumigaw habang nagsasalita?'' Mahinahon kung sabi dahil baka masapak pa ako nito pag uwi nila ni Dad galing out of town business meeting.
''Bakit bawal ba? ikaw wag mo akong ginaganyan-gayan kong ayaw mong umuwi ako dyan para batukan ka.'' Halatang galit na si Mother, kaya sinuyo kuna kaagad ito dahil mahirap na kapag ang tigre na ang nagalit.
'' Mom naman...Joke lang po yun, bakit nga po pala kayo tumawag?'' Tanong ko sa mahinahong boses.
''Gusto ko lang iremind sayo, na kahit nasa out of town kaming dalawa ng Daddy mo, di parin ako nakakalimot sa pinag-usapan natin.'' Hay naku! huhulaan ko, tungkol na naman ito kay Elana. Elana, Elana na naman, ano kayang pinakain ng babaeng yun kay Mom at gustong-gusto talaga siyang makita nito. Kahit nakakainis takot parin talaga akong mabatokan ng Amazona kung Ina.
''Di ko nakakalimutan yan Mom. Hinihintay ko nga po ang pagbalik niyo dito dad, para madala ko na si Elana sa bahay natin.'' Pagsisinungaling ko para iwas batok sa nanay ko.
''Sige po Mom, mag start na po ang party sa bahay nila Max.'' Palusot ko kay Mom.
''Sige mag ingat ka dyan, kapag nalaman ko na may ginawa ka na namang kalokohan dyan, di lang talaga batok ang matitikman mo pag-uwi namin.
''Grabi ka naman Mom, di niyo na ba mahal ang nag-iisa at gwapong anak niyo ni Dad.''
''Tumahimik ka, stop your kadramahan Zeke, di bagay sayo para kang tanga.'' Hays! napakamot nalang ako sa ulo ko, iba talaga si Mom kapag siya na ang nagsalita at nagalit.