HSR#31

1732 Words
Chapter:31 Ng akmang sasakay na ako sa sasakyan ni Tristan, ng sabihim ni Summer na dun nalang daw ako sumakay sa sasakyan ni Austin, takte nakakahiya kasi halatang nanadya ang bruha. ''Sige mag-iingat kayo ha? hiyang-hiya naman kasi ako sa inyo at talagang sa sasakyan ni Austin niyo pa ako gustong pasakayin.'' Sambit ko na ikinatuwa naman nila. Tapos itong si Elana akmang kinikilig-kilig pa habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan ni Tristan. ''Mauna na kami sa inyo ni Summer Bro.'' Ani ni Tristan kay Austin at pagkatapos kaagad na nitong pinaandar ang kanyang sasakyan. ''Sige bro, nasa likod niyo lang kami.'' Sagot naman ni Austin. ''Mukhang wala na yatang balak umuwi ang asawa mo, nilayasan kana siguro.'' Sabi ni Kira at halata din sa mukha nito ang saya. ''Sana nga Kira, sana nga.'' Tanging nasabi ko nalang sa kanya. Ng bigla itong lumapit sa akin niyakap ako. ''Sana nga Max, para wala ng hadlang pa sa relasyon natin, ang hirap kasi ng ganito, palagi nalang tayong nagtatago, dahil takot tayong malaman nilang lahat ang relasyong meron tayo.'' Biglang naging seryoso ang mukha nito, at kaagad na nagtungo sa mga lalagyan ng alak para kumuha ng isang bote ng Vodka. ''Don't worry okay? dahil pirma niya na lang ang kailangan para mapawalang bisa ang kasal namin, at kahit umabot pa sa punto na kailangan ko siyang takutin para pumirma siya gagawin ko, kasi mahal kita. At handa akong mawala ang asawa ko para lang sayo.'' I said then Kira handed me one glass of Vodka, then sit beside me. ''Bagay na bagay talaga silang dalawa noh?'' Biglang nasabi ni Elana ang pinsan kong bitter parin hanggang ngayon, pero hindi nagsasawang makahanap ng magiging forever niya. ''Wag mong sabihin na inggit kana naman Elana?'' Natatawang sabi ko kay Elana, napansin ko din ang inis sa mukha nito ng mapatingin ako sa front mirror nitong sasakyan ni Tristan. ''Alam mo Summer, kung di lang talaga tayo mag pinsan, kanina pa talaga kita hinulog dyan.'' Sabay turo nito sa akin, pagkatapos ay hindi na ito tumingin sa akin, at mas itinuon nalang ang paningin sa labas ng bintana. ''Narinig mo yun mahal? ihuhulog daw ako ni Elana.'' Pagsusumbong at pagpapa cute ko sa boyfriend kong si Tristan na panay ngiti habang nakatingin lang sa akin. ''Mukhang tanga lang Summer?'' Mahinang sabi ni Elana na rinig na rinig ko naman. Okay lang naman maging tanga minsan kapag mahal mo ang tao diba? ''Don't worry mahal, handa naman akong saluhin ka.'' Kumukurap-kurap pa ang mga mata ni Tristan habang sinasabi niya sa akin yan, napuwing siguro sa kagandahan ko kaya ganun. ''Parang napuwing lang Tristan? kailangan mo ba talagang gawin yang pagpapacute mo Summer at yang pakurap-kurap mo ng mata Tristan na parang napuwing ka lang, di naman sana maalikabok itong sasakyan mo, kasi araw-araw mo itong pinapa vaccuum.'' Muling sabi ni Elana, hays bitter talaga. Palibhasa kasi iniwan ni Ziggy. ''Napuwing inlove kay mahal.'' Mahinang sabi nito sabay halik kaliwang kamay ko, na ikinakilig ko naman ng sobra. Kahit may isang bitter dyan. ''Malala na talaga ang saltik niyong dalawa, tuluyan na talaga kayong kinain ng sistema ng pag-ibig.'' Umiiling-iling ko pang sabi sa dalawang mahaharot na magkahawak kamay pa. Kath Pov: Nakauwi narin kami sa wakas ni Austin dito sa tinutuluyan naming lahat, nakalimutan ko nga din palang i'on ang phone ko kanina, I turn it off kasi dahil tawag ng tawag si Max, ayaw ko din kasi na masira ang efforts ng mga kaibigan ko para macelebrate namin yung birthday ko, at wala din naman akong planong sagutin yung tawag niya, ng taong kailan man hindi na ako kayang mahalin pa. End of Pov: ''Sweetheart are you okay?'' Bigla akong nawala sa pag-iisip ng tungkol sa amin ni Max, ng magsalita si Austin. Mabuti pa siya mahal ako, parating nandyan kapag kailangan ko ng kausap, binubusog ako ng mga pagkain kahit hindi ko kayang suklian ang mga magagandang bagay na ginagawa at pinapakita niya sakin, na minsan di na kayang ibigay ng walang kwenta kong asawa na si Max. ''I'm okay, thank you ha?'' ''Hindi muna kailangan mag thank you Sweetheart, alam mo naman gagawin ko ang lahat para sayo diba?'' ''Aysus! marupok ka lang Austin eh.'' Pabirong sabi ko sa kanya habang tinatanggal yung seatbelt ko. ''Okay lang maging marupok, basta sayo lang at hindi sa ibang babae, naiintindihan mo yun Sweetheart?'' Seryosong pagkasabi nito habang nagkatitigan kami sa isat-isa. ''Siya sige na, pumasok kana sa room mo, at papasok na din ako sa room ko.'' ''Sige goodnight Sweetheart, dream of me.'' Nag flying kiss muna ito sakin bago umalis, Sigh! Austin why are you so kind to me. ''Saan ka galing?''Biglang tanong ni Max pagkabukas ko ng pinto. ''Nag celebrate ng birthday ko, kasama ang mga kaibigan ko, ngayong alam mona. Pwede bang umalis kana dyan sa kinatatayuan mo, para makapasok na ako sa kwarto ko? nakaharang ka kasi sa dadaanan ko.'' Walang gana kong sagot sa walang kwentang tanong niya. ''And do you think na paniniwalaan ko yang mga kasinungalingan mo?'' ''Di wag kang maniwala, di naman kita pinipilit na paniwalaan mo ako.'' Sabi ko sa kanya at akamang papasok na sana ako sa kwarto ko, pero ayaw niya pa rin mag patinag sa kinatatayuan niya. ''Talagang hindi ako maniniwala sayo kasi malandi ka, malandi ka Kath! and I know that you're flirting with my cousin Austin again!'' Tiim bagang na sabi nito dahil sa galit, at uma akmang susuntukin pa nito ang pinto ng kwarto ko. ''Ano naman kung magkasama kami ni Austin?'' ''Asawa mo ako Kath, tapos pinsan ko yung nilalandi mo, ano nalang ang sasabihin ng mga magulang mo at ng parents ko, kapag nalaman nila ito? ano kating-kati kana ba talagang magpatikim sa iba? ha! at pati si Austin na pinsan ko ay pinatos mo rin pagkatapos ni Tristan?'' Pak! I slap him in the face. ''How could you say that in front of me? and accusing me of flirting with your cousin without any proof? at tawagin akong malandi, nahihibang kana ba? o baka naman na untog ka lang sa kung saan kaya kung anu-ano nalang ang sumasagi dyan walang kwentang isipan mo! tandaan mo Max, Pinsan mo yun at asawa parin kita, kahit sabihin mo pang hindi muna ako mahal, dahil may mahal kanang iba, I still respect you. Kahit alam kong matagal muna akong ginagago at binabalewala at kahit na isang salita wala kang narinig galing sa akin diba? kasi mahal kita, Sadyang mailap lang siguro ang tadhana. Kasi binigay niya ako sayo, sa taong sa una lang ako mahal, pero bandang huli, mawawalan din pala ng pagmamahal sa akin. Kahit binigay kona lahat-lahat sayo, pero wala parin talaga eh! kahit paulit-ulit pa nilang sabihin at ipamukha sa akin na dapat na kitang iwan, di ko magawa kasi mahal kita eh... Mahal na mahal parin kita Max, at alam kong hindi magbabago yun, pero hiling ko parin na sana nga mawala na lang ang lahat ng pagmamahal na ito, na nararamdaman ko ngayon para sayo.'' Sabi ko habang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko sa mata. Pero kahit ilang pigil pa ang gawin ko, ay hindi ko parin talaga mapipigilan ang unti-unting pagpatak at paragasa ng mga luha ko. ''Then don't love me! kasi patuloy ka lang masasaktan kapag minahal mo pa ako. I'm filling a divorce and I want you to sign it.'' Sabay alis nito sa nakaharang na pinto ng kwarto ko, at ako naman ay nakatayo pa rin at halos di makagalaw dahil sa mga narinig kong masasakit na salita na lumabas galing sa bibig ni Max. Kaya ko bang di ka mahalin at iwan ka Max? kasi kong kaya ko, sana magawa ko yun ng hindi nasasaktan habang papalayo sayo. Ang tanging nasabi ko sa isipan ko. Kira Pov: Gusto kong lumundag sa saya dahil sa narinig kong sinabi ni Max kay Kath, unti-unti na talagang natutupad ang plano kong maangkin ang isang Max Montalba.'' End of Pov: Austin Pov: I heard everything, hindi sadyang na accept kasi ni Kath ang tawag ko, naging chismoso pa tuloy ako nito. Bakit kaya ganun lang kadali sa kanya ang mag file ng annulment kay Kath, at sabihan ng malandi ito dahil pati ako pinatos, kung alam lang niya how I pursued Kath, na sana ako nalang. Pero hindi talaga pwede kasi siya parin talaga ang mahal nito. Pero sana in time kung papalarin, sana kami nalang dalawa ang magkatuluyan sa huli, kapag divorce na sila, mamahalin ko talaga si Kath, ng buong puso at di ko siya sasaktan katulad ng ginagawa sa kanya ngayon ni Max End of Pov: Ziggy Pov: Sigh! nabobored na talaga ak sa loob ng kwarto ko kaya nagpasya nalang ako lumabas para uminom dito sa malawak nilang beranda na malapit sa swimming pool na hugis puso ang design. Ang hirap talaga maging forever alone ang saklap, kainis din kasi yung dalawa, dahil busy nasa mga buhay pag-ibig nila. Kaya hindi na nila ako nasasamahan, wala na tuloy akong mapagsabihan ng mga problema ko tungkol kay Mom. Ng bigla kong nakita si Max na lumabas galing sa loob ng mansion na may hawak-hawak na isang bote ng Vodka habang papalit ito sa akin. End of Pov: ''Mind me if I join you?'' ''Gago! para namang ngayong lang tayo nagkakilala niyan.'' Sabi ko sa kanya. Kaya napatawa ito at kaagad na umupo sa tabi ko at katahimikan muna ang namuo sa pagitan naming dalawa bago ito nag salitang muli. ''I told Kath to sign our divorce papers.'' Mahinanahon kong saad kay Ziggy habang nilalagok ang isang bote ng Vodka at di manlang inalintana ang pait nito. Pansin ko din ang pagkagulat nito dahil sa sinabi ko. ''Hihiwalayan mo ang asawa mo for the seek of Kira?'' ''Yes, Because I know there's something between her and Austin.'' ''Sure kaba talaga dyan sa desisyon mo? baka kasi nabibigla ka lang at baka pagsisihan mo ito sa huli.'' Nag-aalalang sabi ni Ziggy. ''My decision is final, I don't love Kath anymore, ano pang dahilan para mag stay ako sa kanya diba?'' ''Pero what about your Mom? gustong-gusto pa naman niya ang asawa mo?''Tanong ni Ziggy na nagpa isip sakin. ''Bahala na I know, matatanggap niya din si Kira.'' ''Pero paano kung hindi? ipagpapatuloy mo parin?'' ''Let's end this conversation, saka kona iisipan yang tanong mo.''Sabay abot ko kay Ziggy ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD