Chapter:30
Kath Pov:
Pagkatapos kong magbihis dumeretso na kaagad ako sa garahe para kunin muna ang sasakyan ko at pagkatapos nag drive na ako papunta sa lugar na ibinigay ni Austin, si Max at Kira ay nandun parin sa kitchen nagpapakasaya, masarap daw kasi magluto yung asawa ko. Di ko rin kasi maintindihan si Max, siya nga itong nagsabi na wala na siyang pakialam sakin, tapos ngayon siya pa yung galit na galit para takutin at pagbawalan akong umalis, tapos malaman-laman kona pinagluluto niya pala ng pagkain ang kaibigan kong si Kira.
End of Pov:
''Ayun natapos din sa wakas!'' Masayang sabi ni Austin sa aming lahat.
Summer Pov:
I can see that he really likes my friend Kath, to the point na siya pa talaga ang nag-isip na gawin namin ito para sa kaibigan ko.
End of Pov:
''Kaya nga eh, grabi ang ganda diba? worth it yung pagod nating lahat sa pag decorate nitong venue.'' Sambit naman ni Elana na nilalagay na ngayon sa isang trashbag yung mga natirang mga ginupit naming decorations kanina na hindi na namin magagamit.
''Thanks bro for making this happen.'' Sabi naman ni Tristan at nakipag beso-biso pa ito kay Austin dahil na rin siguro sa tuwa.
''Lahat gagawin ko para sa kanya Bro, para lang sumaya siya.'' Pagkatapos ay sabay na nilang kinuha ni Tristan yung trashbag sa kamay ni Summer.
Max Pov:
Habang masaya kaming nag-uusap ni Kira, hindi namin namalayan na kanina pa pala nakatayo si Mom sa likuran namin.Kaya sabay kaming napalingon ng magsalita na ito.
End of Pov:
''Ang saya nyo naman yata?''
''Mo-m.'' Utal-utal na pagka sabi ko dahil sa gulat.
''Mukhang may nakalimutan ka yata Max, wala ka man lang bang balak na sorpresahin ang asawa mo sa birthday niya ngayon?''Sita nito
''We will having a dinner po mamaya.''
''Talaga? kasi sa pagkakatanda ko ay nakita ko ang asawa mong umalis ng mag-isa kanina na hindi ka kasama, kaya pala kasi magkasama kayong dalawa ngayon ng secretary mo dito. Ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa ng babaeng yan at talagang dinala mo pa yan dito, na dapat ang nandito lang sana ay mga malalapit na pamilya natin.'' Harap-harapang sabi nito sa aming dalawa ni Kira.
''We're just talking about business only Mom.''
''Oo nga naman po Tita, its about business lang po talaga yung pinag-uusapan namin.'' Sagot naman ni Kira sa kanya.
''Don't speak! I'm not talking to you Kira. And you! leave us alone kakausapin ko lang ang babaeng ito.''
''Mom!''
''Leave now!'' Malakas na ang tono ng boses nito kaya alam kong galit na siya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang umalis nalang at iwan silang dalawa na mag-usap.
Kath Pov:
Dumating na ako dito sa address na sinabi ni Austin, tumingin muna ako sa paligid kasi parang ako lang yata ang taong nandito sa labas ng restaurant ngayon, dipa naman halloween para takutin ako ni Austin diba? ng biglang tumunog yung phone ko na ikinagulat.
End of Pov:
''Sweetheart nasan kana?'' Tanong nito.
''Nasa labas na ako, ikaw nasaan kaba?'' Pabalik na tanong ko naman sa kanya.
''Just go inside sweetheart and close your eyes bago ka pumasok sa loob.''
''Eh paano kapag nadapa ako?'' Natatawang sabi ko bago ako tuloyang naglakad ng nakapikit papasok sa loob, sana lang talaga di ako madapa nito.
''Don't worry sasaluhin naman kita.''
Tinignan muna ako ng Mommy ni Max, bago ito naupo sa harapan ko, ''I want you to stay away from my Son, matuto kang lumugar kung saan ka nababagay, dahil nakakasira ka ng may pamilya, alam mo naman diba na may asawa na yung anak ko.''
Kaagad akong napatango dahil sa sinabi nito.'' Alam ko naman po yun.''
''Alam mo naman pala, bakit di ka nalang mag resign bilang secretary niya at hayaan siya.''
''That's not what you're thinking po, kaya lang naman kami palaging magkasama ng anak niyo ay dahil lang naman po sa trabaho ko bilang secretary niya na taga gawa ng mga schedules niya at nagpapaalala sa kanya ng mga meetings na dapat niyang puntahan.''
''Pero hindi yan ang nakikita kong dahilan, dahil alam kong may mas malalim na dahilan pa yan kung bakit di ka makapag file ng resignation letter mo para tuluyan ng iwanan ang anak ko.''
''Then tell your son to fire me, dahil wala po akong balak ng mag file ng resignation letter sa inyo, tsaka ginagawa ko lang ang trabaho ko.''
'Tandaan mo itong sasabihin ko, ayaw ko sayo Kira, ayaw rin kita para sa anak ko, dahil si Kath lang ang babaeng gusto ko para sa anak ko. And please don't tell my Son about this kung ayaw mong mas lalo pa akong magalit at di ka magugustuhan. Sige maiwan na kita.'' Kaagad na itong tumayo galing sa pagkaka-upo at umalis kahit nga ang lingunin man lang ako ay di niya ginawa.
''Papasok na siya.'' Excited na sabi ni Austin sa aming lahat dito sa loob, kaya naghanda na kaming lahat.
''Nandito na siya.'' Nakangiti pang sabi ni Tristan ka Austin.
''Wag nga kayong maingay dahil baka marinig niya tayo.'' Pagpipigil samin ni Summer.
''Austin, hawakan mo na yung cake at paki sindihan na rin yung candles.'' Sabi naman ni Elana at pumwesto na sa bandang harapan at si Summer naman nag vivideo na gamit yung phone niya.
Max Pov:
Malakas kung nasara ang pinto ng kwarto ko dahil sa inis at galit ko, ano kayang sinabi ni Mom kay Kira? ano na kayang pinag-usapan nilang dalawa ngayon? at ng mapansin kong wala din dito si Kath, umalis pala talaga siya, kahit binalaan kona siyang wag aalis ng bahay. Kaya siguro nagpunta si Mom sa kitchen ay dahil isinumbong niya kaming dalawa ni Kira. Lintik lang talaga ang walang ganti, matitikman mo talaga ang galit ko pag uwi mong babaeng ka!
End of Pov:
''SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY SWEETHEART!!'' Narinig kong sigaw ni Austin habang naka ngiti ito sakin.
''Happy birthday Kath!'' Halos mapaluha ako sa nakita kong ginawa nilang pag eeffort para lang sa birthday ko, kaya niya pala ako pinapapunta dito is because of this, and I'm happy kasi isinama niya pa talaga pati ang mga kaibigan ko. And seeing him holding a cake in front of me while singing happy birthday together with my friends, it makes me so much happier, kasi ngayon ko lang ulit naranasan ang ganito, simula ng magbago si Max.
Isa-isa akong napatingin sa kanilang lahat at nagpasalamat dahil sobrang napasaya nila ako ngayong araw na ito. '' Thank you guys.''
''Make a wish Sweetheart and then blow your candle.''
''Parang bata lang Austin ganun? siya nga pala paano niyo nagawa ang lahat ng ito ng di ko nalalaman.'' Tanong ko sa kanilang lahat kaya napatingin ang mga ito kay Austin.
''Naisipan kasi ni Austin na gawin namin ang surprise na ito para sayo, kaya ayun nag tulong-tulong kaming lahat para magawa namin ito habang natutulog kapa.'' Natatawa pang sabi ni Summer at si Tristan naman ay ganun din habang isa-isa isinisilid ang laman ng wine sa mga baso. At si Elana naman ay inislice na yung Cake.
''Ang daya nyo di ko manlang nalaman na may pa ganito-ganito pa kayo, alam niyo naman kahit walang ganito masaya na ako basta nandyan lang kayo. Thank Austin ha? pati nadin sa inyong tatlo for helping Austin to make this happen.''
''Kath, happy birthday basta palagi ka lang maging masaya okay? kung may problema ka man, don't hesitate to call us, never forget na nandito lang kaming lahat para sayo, to make you happy.''Seryosong sabi ni Tristan na mas lalong pang nagpaluha sa akin at saka din nito ibinigay ang baso may malaman ng wine to make a toast.
''Siya nga pala nandun yung gifts namin for you.'' Sabay turo ni Elana dun sa mga regalo na nasa table.
''Wish ko maging masaya kana, at sana kayong dalawa nalang ni Austin ang magkatuluyan sa huli, at sana iwanan mona ang walang kwentang Max na yun.'' Dugtong pa ni Elana sa sinabi nito kanina.
''Cheers!'' Sabay na sigaw naming lahat.
Habang umiinom ako ng Vodka sa may garden ay nakita kong papalapit si Ziggy.
''Oh! bakit umiinom ka ng mag-isa, nasaan si Max?''
''Nasa kwarto niya.'' Sagot ni Kira sa tanong ko.
''Why are you drinking alone, may problema kaba?'' Sabi ni Ziggy kaya napabalikwas ako ng tingin sa kanya.
''Gusto ng Mommy ni Max, na mag submit ako ng resignation letter sa company nila, para daw layuan kona yung anak niya, at ang sabi pa niya di niya daw ako gusto para kay Max, dahil si Kath lang gusto niya.''
'Tika alam na ba ni Tita ang tungkol sa inyong dalawa ni Max?'' Nagtatakang tanong ni Ziggy.
''I don't know, wala akong Idea Ziggy.'' Deretsong sabi ko sa kanya, at sumunod din nun ay ang pag-inom ko ng Vodka at naupo sa tabi ng pool at ganun din ang ginawa ni Ziggy para pakinggan ako.
''Mukhang mahihirapan kayo niyan, I know tita. Kaya niyang gawin lahat para lang mapaghiwalay kayong dalawa ni Max, at kaya niya rin kunin ang lahat ng kung ano man ang meron si Max ngayon, mapaghiwalay niya lang kayo.''
''Pero I will fight for him Ziggy, mahal ko ang kaibigan mo kaya di ko kayang gawin yung pinapagawa ng Mommy niya sakin.'' Sabi ko na nag patango naman kay Ziggy.
''Basta Kira, nasa sayo na yun, kung gagawin mo yung sinabi ni tita sayo, pero alam ko naman na di mo gagawin yun, kasi matigas ang ulo mo.'' Natatawang sabi ni Ziggy at mabilis na kinuha ang basong hawak ko na may lamang Vodka at saka niya ito ininom.
''Mabuti naman at nakapunta ka dito ng di napapagalitan.''Tristan said.
''Anong di napagalitan, galit na galit nga yun dahil aalis ako, tapos alam niyo ba? nalaman ko kanina na pinagluluto niya pala si Kira at ang sabi pa nito masarap daw magluto yung asawa ko.