CONTRACT
Napatitig ako sa contract na pinermahan ko at nagulantang sa actor na gaganap sa isa sa mga nobela ko.
I couldn't believe my eyes. It's Ayrton Belanger. The highly-paid actor in the Philippines, my ex-husband.
Ayrton pala ang pinili niyang screen name. Talagang ayaw niya ng Chevy. Naalala ko noon, ako lang ang nakakatawag sa kanya sa una niyang pangalan. Bahagya akong napangiwi nang maalala iyon.
"Apat na taon na ang lumipas Veyron, kalimutan mo na siya. Siya nga ang nakipag-divorce sa'yo diba?" Bulong ko sa sarili habang hinihimas ang puso ko.
Mariin kong pinakatitigan ang contract papers at nag-balik tanaw sa kung papaano ba kami nag-kakilala.
I met him when I was in fourth year college. He was the campus heartthrob. Almost everyone in our school yells his name--their name. Nabibilang siya sa isang banda sa aming school na kung tawagin ay the Ginoo's.
He's the main vocalist. Ang the Ginoo's ay sikat hindi lamang sa aming school pero pati na rin sa iba't ibang school. Tinitilian ng kababaihan at hinahangaan ng kalalakihan.
Ang main goal ng kanilang banda ay makilala sa pilipinas at sa buong mundo.
Kaya impossible para saakin na magka-interest at ligawan ng isang Chevy Ayrton. Pinalad pa akong mapangasawa siya.
During my Highschool years, wala akong interest sa pakikipag-relasyon. Abala ako hakutin lahat ng award sa school namin. Abala akong mag-sunog ng kilay para manalo sa lahat ng kompetisyon sa karatig eskwela. Mapa science quiz bee, m-top, literature quiz o essay writing.
Pero isang araw nilapitan na lamang ako ni Chevy Ayrton Belanger, at inaya akong ligawan. Noong una inisip ko lamang na pinagtitripan niya lang ako, sapagkat iyong mga ex's niya
ay sobrang gaganda. I was just sixteen then, innocent. He's 17 but he had two exes na magaganda dahil ang isa ay beauty queen na ngayon, habang ang isa ay dancer noon sa school namin. Samantalang ako? Innocent at very mediocre ng feature. Akala ko inapproach niya lang ako para may gumawa ng mga assignments niya. Dahil palagi siyang nahuhuli sa klase at puro palakol ang grades dahil sa kakaabsent tuwing may gig sila.
Pero pinatunayan niya saakin na hindi ganon ang intensyon niya, masuyo niya akong hinaharana tuwing break time namin. Tuwing may events sa school at tumutogtog sila laging naka special mention ang pangalan ko. Kaya hindi naging mahirap sa kanya mapasagot ako.
Sinagot ko siya noong mismong graduation namin nang Highschool. Nang mag-college I took communication arts while he took acting classes. Dahil busy siya sa pag gi-gig ako lagi ang gumagawa ng mga assignments niya at activities.
Tuwing hapon, ihahatid niya ako sa bahay, sasakay kami ng bus habang ineexplain ko sa kanya ang mga activities na pinagawa niya. Tapos, sasakay ulit siya ng bus para umuwi. Ganoon ang naging bonding moments namin buong taon sa kolehiyo.
One year after our graduation in college, he proposed. He wanted us to get married. I stopped him, dahil hindi pa nakikilala ang banda nila at hindi pa siya nagiging ganap na artista tulad pangarap niya. Ayaw ko maging hindrance sa mga dreams niya, pero masyado siyang desidido sa kasal kaya pumayag ako.
We got married in france. I am twenty one years old back then, while he's twenty two. Hindi naging mahirap sa pamilya namin pareho na tanggapin ang pagpapakasal namin. His father was a former car racer, while my father was a care broker. Naging madali mag bonding ang aming ama dahil sa parehong interest sa car.
The only similarities we had, was our names were inspired from cars. Tss!
He is named Chevy Ayrton Belanger. Chevy is a short term of Chevrolet Monte Carlo Car. While Ayrton, it came from Ayrton senna, a Brazilian racecar driver. His father's favourite, of course.
While I, Veyron Mercedes Erie. My father a car broker named me. Veyron came from Bugatti Veyron a mid engine sports car developed by Volkswagen. While Mercedes, it came from the car model named Mercedes Benz, obviously.
Two years after our marriage, namatay ang drummer ng the Ginoo's. And that is the beginning of hell, in our marriage.
Everyday he went home drunk. I understand his pain, because Mikkel is his best friend.
Sa pagkamatay ng drummer ng the Ginoo's, ay pagkamatay din ng the Ginoo's. They separate ways. Iyong guitarist na si Jay, ay piniling maging music teacher. Iyong pianist na si Carlo ay nag-business. At si Ayrton, nanirahan kami sa france para doon ipag-patuloy ang naudlot niyang pangarap at para tuluyan siyang makapag-move on.
Nag-aapply siyang modelo sa france, habang ako pinagpatuloy ang pag-susulat. Nag-simula akong mag-sulat ng mga nobela sa mga online platform. Nagsulat din ako ng mga blog para kumita. Naging ghost writer at content writer sa social media sa pinas.
Dahil nga nasa france kami, hindi ako makapag-apply bilang news paper writer dahil hindi naman detalyado ang mga nangyayari sa pinas na nakakarating sa france. Hindi ko maiinterview ang mga taong laman ng balita ko dahil napakalayo ko sa pinas. Nag apply ako sa isang french magazine. Pero dahil hindi naman ako ganoon kagaling magsalita ng french ay hindi naging successful ang journey ko, bilang manunulat sa france.
Samantalang si Chevy, hindi rin naging madali sa kanya ang Buhay namin sa france. Araw-araw siyang malungkot tuwing naalala si Mikkel. Nag-aapply siyang modelo, pero tuwing nalalamang kasal na siya, hindi siya tinatanggap. Naging matumal din ang progress ng career nya.
Sa araw-araw na gastusin namin, hindi namin maiwasan mag-away. Hanggang sa humantong sa hiwalayan. Hiwalayan na hindi ko naman talaga ninais. Gusto ko lang ng space at panandaliang umuwi sa pilipinas. I was just giving him space but he decided to split us apart.
Ilang araw akong umiyak, gusto kong bumalik ng france para kausapin siya. Pero hindi ako pinayagan ni mama dahil wala na raw akong dapat pang balikan. Gusto ko sanang ipaliwanag kay Chevy ang totoo kong plano. Gusto ko marinig ang paliwanag niya. Pero nakumbunsi ko ang isip ko na itigil na ang kahibangan. Dahil kung mahal niya ako pupuntahan niya ako.
Pero walang Chevy Ayrton Belanger.
After one year of our seperation nabalitaan ko ang pagmamayagpag ng career niya. Bumalik na rin siya sa pinas. Sa limang taon naming paghihiwalay, hindi naging tago ang buhay niya. Dahil nasa limelight siya. Isa na siya ngayong sikat na singer s***h actor dito sa pinas. Habang ako, isang script writer sa reality show at content writer sa entertainment show sa mga tv stations. Nakilala na rin ako sa larangan ng pag-susulat ng nobela.
Ilang beses kong sinubukang hindi mag-cross ang landas namin sa industriya. Ilang beses kong tinangihan siya bilang main lead sa iilang nobela ko. Pero ngayon, wala na akong karapatang pumili. Dahil isa na siyang primyadong aktor. Nagkakandarapa lahat ng manunulat na mapili niya. Luckily, or should I say kamalas malasang napili ng manager niya ang isa sa best selling novel ko.
Hindi ako makakatangi dahil baka mablind item ako bilang 'maarteng writer, namimili ng actor'. Hindi ko rin mahindian ang direktor, sapagkat kaklase ko siya noong kolehiyo at isa rin siyang sikat na direktor na gumagawa ng dikalibreng pilekula.
Napasabunot na lang ako sa ulo habang madiin na nakahawak sa kontrata.
"This is it Veyron, hayaan mo na. Bakit ka ba kinakabahan? Eh wala ka namang ginawang masama o utang na loob sa lalaking 'yon. Fyi, Veyron siya ang malaki ang utang sa'yo. Siya ang nakipaghiwalay. Siya ang hindi nagbigay ng closure." bulong ko sa sarili. Pilit kong pinapakalma ang puso kong kinakabahan.
Tumayo ako mula sa pag-kakaupo at nag-simula ng mag-sulat ng mga script para bukas sa isang reality show. Dahil bukas na ang huling araw ng palabas na iyon na halos dalawang taon ding nanatili sa telebisyon. Pero nang mabuntis ang host ay hindi na ito tinangkilik ng manood. Kaya napilitan ang management na wakasan na lamang. Dahil mas tumaas ang rating sa kabilang network.
Nang matapos kong mag-sulat ng mga script ay tumungo ako sa studio para hanapin si Direk Las iyong direktor ng reality show, ang matalik kong kaibigan.
"Direk, nabigay ko na sa staff iyong para bukas. Kailangan ko pa bang umattend bukas?" tanong ko kay Alas.
"Oo, may after party. Bakit ayaw mo bang makita ang guwapo kong mukha? Remember, you should be good to me ako ang magdidirek ng nobela mo." aniya habang nakapangko ang paningin sa mga papel.
Lumapit ako at tumabi sa upuan na malapit sa kanya. "Doon malalaman
kung mahusay kang direktor, best selling 'yong nobela ko na yon Alas ha. Give some justice kung ayaw mong mabash ng readers ko" panunukso ko.
Matalim na tumitig saakin si Alas. Lumabas ang kanyang kasungitan o ang side niyang kinakatakutan ng lahat except saakin. Dahil kilala ko na si Alas mula kolehiyo, isa siya sa mga kaibigan ko sa industriya at best friend ko sa realidad. Siya ang dahilan kong bakit ako nakapasok sa showbiz. Naging content writer ako ng mga reality show at scriptwriter ng mga entertainment show na dinederekta niya. Pero ngayon, hindi ako makapaniwalang magkakatrabaho kami dahil siya ang magdidirekta ng isa sa mga sikat kong nobela.
"Kahit titigan mo ko ng ganyan Alas, hindi ako natatakot. Oo guwapo ka, pero ni minsan hindi ako na-intimidate sa'yo." muling panunukso ko.
Maraming natatakot na talents o magiging artista kay Alas. Dahil siya 'yong tipikal na masungit na direktor at gusto ng propesyonalidad sa trabaho. Kahit ako nasisigawan niya pag-nasa loob kami ng industriya, pero pag-nasa labas na kami ng trabaho hindi alam ng marami na nakakabwisit at malakas mang-asar ang direktor na hinahangaan nila. Ibang iba siya sa working place at sa labas ng working place. Kaya masasabi kong magaling talaga ang kaibigan ko.
"Bugatti Veyron Mercedes benz" aniya para asarin ako pabalik ''nakita mo na ba ang casting? Siguradong successful ang nobela mo, primyadong actor ba naman ang gaganap eh. Ex-HUSBAND mo ba 'yon?" ramdam ko ang pag-didiin niya sa salitang EX-HUSBAND.
Agad na sinapo ng mga kamay ko ang tenga niya para pingutin "tigilan mo nga yan Alas, mamaya may makarinig sa'yo. Isa pa, I will be professional. I will set aside my feelings. I mean wala na akong feelings sa kanya. Limang taon na ang lumipas. I will not cancel his talent just because I hate him. He's a monster but he's talented. Mag-kaiba iyon. "
Pasimpleng humagikhik si Alas at pinitik ako sa noo "Teka ano bang pinagsasabi mo? Wala naman along sinabing iba ah. Ang dami mong sinabi, affected ka pa? Kung ako na lang sana idinate mo nang college edi sana sampu na ang anak natin" aniya.
Nanlilisik ang mga mata kong tinitigan siya "Nakakadiri ka talaga alam mo 'yon. Siguro totoo yong mga scandal na kumakalat sa'yo. Tigilan mo nga ako. Btw, Pupunta ako bukas sa ending ng Foodiever, two years ko ring kasama ang crew."
"May special guest kami, be surprise" aniya.
"Wala akong paki-kahit si Ayrton pa yon. Basta itatahimik mo yang bibig mo, walang may alam na ex-husband ko siya. Salamat na lang at sa france kami kinasal, at sa france rin nakapag-divorce. Kung dito sa pilipinas malamang, mauungkat ang tungkol saakin"
"Walang pake ha? Tinginan natin Mercedes." Panunukso niya.
Inirapan ko na lamang siya at iniwan.
Tumungo ako sa kotse ko at nag-simulang paandarin iyon. Buti na lang talaga iniwanan ako ni papa ng kotse bago niya kami iniwan. Dahil kung hindi malamang hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakabili ng kotse.
Di pa ko nangangalahati sa pagmamaneho ng mag-ring ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at kinonek sa earpod ko.
"Hello, Veyron. Kelan mo dadalhin ang manuscript mo?" anang boses sa kabilang linya na kong di ako magkakamali ay chief editor ng publisher na pinapasahan ko ng nobela. Pero ngayon, hindi nobela ang ipapasa ko kung hindi ang mga tula ko.
"Ngayon na po sir Gibs, papunta na po." tugon ko.
"Veyron, pakiramdam mo mabibili kaya 'yang mga tula mo?" May pag-aalangan niyang sambit.
Napa kapit ako ng mahigpit sa manubela ng sasakyan ko at pinipigilan ang pangigil sa kausap sa kabilang linya.
Hindi ko maintindihan kong bakit konti lang ang publisher dito sa pilipinas ang nag iimprinta ng mga poetry. Hindi ko alam kung bakit kunti lang ang nahihilig doon. Actually, poetry shares a lot of stories it's just written in metaphorical way. Maybe that's the reason kaya hindi gaanong mabenta, kesa sa nobela. The feelings and emotions a poet had in a piece doesn't resonate easily with readers.
Gusto kasi lagi nang mga nagbabasa ay mabilis nilang nagegets. Ayaw ng cliff hanger sa kuwento. Kaunti nga lang halos ang nag de-decipher ng figurative language na meron sa isang kuwento. Paano pa ang poetry na sinulat figuratively? Masyadong literal thinker ang mga tao.
"Veyron?" Pukaw ni sir Gibs sa kabilang linya. "Sorry, hindi ko naman sinabing hindi maganda ang mga tula mo. I'm sure maganda 'yan. I know you. Pero, we cannot risk money and papers sa walang kasiguraduhan. Sayang ang mga pinuputol na puno"
Bahagya kong inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada at sumagot sa kabilang linya "sir Gibs, alam ko ang pinangagalingan mo. Pero bago ka naging publisher, naging writer ka rin. Bago naging writer, bago ka nakapag-sulat ng nobela at articles, nag-simula ka sa pag-susulat ng tula. Halos lahat yata ng manunulat, nag-simula sa pag-susulat ng tula. Our main goal is to engage our readers with poetries. Ipapakilala ulit natin sa mga mambabasa. Pag-nakilala, we'll engage them. We shouldn't let poetry die. Sa dami ng apps at gadgets ngayon, nagiging literal thinker na ang mga tao. We're not risking sir, anong silbi ng marketing team? Nang social media? Nang blog ko?"
I paused temporarily and let out a sigh. "Sir, bubuhayin natin ang poetry. Hindi natin kailangan mag-print ng maramihan, okay? We'll start from fifty copies o mas kaunti pa doon. Then improve your marketing, layout ng books, kung maari bigyan niyo ng free bookmarks na may snippets mula sa Poetries ko. Siguro naman, makaka-catch tayo kahit isang daang readers lang. "
"Yan ang gusto ko sa'yo Veyron!" mabuhay na tugon ni Sir Gibs. Alam ko namang mukhang pera si Sir Gibs. Pero alam ko na may poetic side naman siya. Isa siya sa mga manunulat na hinahangaan ko noon, maging sa ngayon. Hindi ko nga lang sinasabi sa kanya baka pumalakpak ang tenga.
"Okay sir, hintayin niyo ko. Dyan na lang tayo mag-usap." Tugon ko habang sinisimulang buksan ulit ang sasakyan.
"Sa office ko ikaw dumeretso, hija! See ya!" aniya na mukhang na buhayan sa sinabi ko. Agad ko namang pinatay ang tawag at dali-daling pinaharurot ang sasakyan patungong G.V burned pages o Gibson Vergara burned pages publishing company.
Malaki ang tulong saakin ni sir Gibs, kasi siya ang unang publisher na naniwala sa kakayahan ko noong nag-sisimula pa lang ako. I'm twenty five when I first published my book, under his publishing company. Now, I'm twenty-nine. Halos benteng aklat ko na ang napublished under sa publishing compan niya.
Nang makarating sa GV, agad kong ipinarada ang kotse sa katabing coffee shop.
Napangiti na lamang ako habang tinitingnan ang umiilaw na plaka ng coffee shop na may pangalangang Swirlyes.
Agad akong pumasok ng coffee shop, para sana mag-order ng kape para naman mahimasmasan si Sir Gibs. Pampalubag loob para ma-publish ang manuscript ko.
Pero... Nasa sliding door pa lang ako nang mamataan ng mga mata ko ang may-ari ng Swirlyes. Sino pa ba? Edi ang kapatid ko.
"Sienna Victoria, nandito ka pala hindi mo man lang naisipang tawagan ako?" pukaw ko sa atensyon ng kapatid kong busy sa pag-aayos ng cakes.
"Huwag mo ko tatawaging ganyan, Mercedes. Kararating ko lang" masungit niyang tugon na nagpangiti saakin.
Tulad ng dati kong asawa, ayaw rin ng kapatid ko na tinatawag sa buong pangalan. May mga issue yata sa mga pangalan ang mga taong inspired na ipinangalan sa kotse.
As usual gaya ko, ang kapatid ko biktima rin ng kahiligan ng ama ko sa sasakyan. Her name Sienna originated from Toyota Sienna, one of the most famous cars of all time. While Victoria came from crown victoria a full sized sedan marketed and manufactured by ford.
"Libre ba ako? Nandito 'yong amo eh." Pambibiro ko habang pumapasok sa loob ng cashier area.
"Tigilan mo ko ate ha, ikaw nga 'yong may bagong project. Mag bayad ka." aniya na ngayon ay hawak ang papel na may laman ay ng monthly sales.
Pangarap din ng kapatid kong si Sienna maging artista. Pero noong mamatay ang papa namin five years ago, huminto siya sa pag-aauditon. Nagbukas siya ng cafè para makatulong sa gastusin sa bahay at luckily, may apat na branch na iyong cafè niya sa ngayon. Dalawa sa baguio malapit sa bahay namin, at dalawa rito sa manila.
Weekly, rotation niyang binibisita ang mga branches ng Swirlyes at hands on niyang inaasikaso. Hindi ko nga alam kong paano nakaya ng kapatid kong mapatakbo ng apat na cafè ng siya lang mag-isa. Hindi ko alam kong paano niya na su-supervise ang mga empleyado, samantalang noong hindi pa nawawala si papa pareho namin siyang sakit ng ulo ni mama.
Noon, masyadong maparty si Sienna. Gastusera at halos hindi nag-iistay sa eskwela noong kolehiyo. Kaya laking gulat namin noong malaman namin ni mama na makaka graduate siya. At noong mawala si papa naging responsable siya. Halos akuin niya ang mga gastusin sa bahay at kahit papaano napaayos na namin ang bahay sa baguio.
Kumuha ako ng slice ng red velvet cake at inilagay iyon sa box.
"Babayaran ko 'to. Ipaghanda mo ko ng dalawang milktea yung taro. Paki sealed ng maayos ha" sambit ko kay Sienna na agad naman niyang iniutos sa isa sa mga staff niya.
"Sarap maging boss ah. Utos utos lang, pero utusan lang kita sa bahay Sienna Victoria" panunukso ko sa kanya.
Pinandilatan naman niya ako ng mata "Whatever Mercedes, para kanino nanaman ang milktea na yan? May bago kang bu-bustedin?" aniya.
"Para kay sir Gibs 'yan. Nagpapalakas ako, para naman i-publish niya 'yong mga poetry ko. Tulungan mo ko mag-benta ha? I-didisplay ko rito sa cafè mo"
Naiiling naman siya at bahagyang tumawa "Puro aklat mo na nga 'yong cafè ko. Yong mga taong nanghihiram ng aklat sa shelves, hindi na binabalik. By the way, kelan ka uuwi? Hinahanap ka na ni Cheyenne."
"Tumawag ako kanina sa kanila. Baka sa weekends." tugon ko.
"Gusto nga ni mama na sa apartment mo muna sila tumuloy. Pero sabi ko ang alikabok dito, mas maganda sa baguio presko"
Naupo ako sa mesa niya at bumuntong hininga "Kahit ako mas gusto ko sa baguio Sienna, eh kaso hectic ang schedule ko ngayon. Alam mo na, may movie na paparating. Kung mag-susulat lang sana ako ng aklat malamang sa baguio ako mag-sstay. Eh kailangan ko mag doble doble ng trabaho ngayon."
Sienna rolled her eyes "Ang drama mo Mercedes, dalawang linggo ka palang di nakaka-uwi ha. Saka ate, wag ka na mag doble kayod. Ano naman silbi ko? Basta lagi kang mag laan time kila mama."
Lumabas naman ang staff na marahil tapos ng i-process ang oder ko "Opo, ma'am. Mas malakas na ako ngayon Sienna Victoria." Ana's ko habang inaabot ang milktea mula staff ni Sienna.
Inabot ko ang bayad mula sa wallet ko pero hindi iyon tinanggap ng supladita kong kapatid.
"Wag na" aniya habang iniiwas ang tingin saakin at pilit pinakatitigan ang monthly sales "basta pag nag-shooting na kayo, tuwing magpapabibili ng meryenda ang direktor niyo. I-reccommend mo 'yong cafè ha?"
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Mukhang masungit lang talaga ang kapatid ko pero ramdam ko ang pag-mamahal niya. Mabilis nga lang uminit ang ulo kaya masarap asarin. Pero sobrang responsable at goal-oriented.
"Yes, ma'am!" nangingiti kong tugon na pinandilatan niya lang.
Kumakaway akong lumabas ng Swirlyes at pumanhik sa katabing building para masasahehin ang kulubot sa utak ni sir Gibs. Para naman mabasbasan at matuksong i-publish ang manuscript ko.
I worked hard for this manuscript. I want to share this pieces to world. I want to indulge people with Poetries.