Prologue

2198 Words
"There you go!" she exclaimed while picking up the book that she bought days ago. She curled onto her bed while flipping the pages of the book. "Chasing tails!" she murmured. "I promise to love you, 'til your hair turns gray. 'til your teeth fell out" he chuckled while trying to stop the tears from his eyes. "I will give you butterflies everyday, I will never end courting you. When you feel weak, I will be the calcium to your bones. When you're sad, I will be the funniest clown to lift up your mood. When your hands get numbed from writing, I will massage you, passionately. I will ease your pain. I will be the best man for you. I vow to be the very best husband for you Veyron, til the day that I die." tears escaped his eyes. The man standing infront of me, will be the man that I will spend my whole life with. I can't believe that I will be marrying my prince named Chevy Ayrton Belanger. It was neither in my plate to get married nor to marry a handsome gentlemen. But good God gifted me a perfect, sweet, handsome, sexy and talented man. "I vow to be the very best wife. I will support you, whenever you're down. I know, I am not the prettiest in the class. That's why until now, I'm still searching for reason why you chose me. Are you marrying me so that your children will inherit my brain and your looks? You wanted a perfect children, huh?" Our guest chuckled so does my groom "Five years, we've been together for five years. During those years you proved me that I am worth to be loved, and you're worth to be loved. You inspired me to write romantic books, even though I am into science fiction and mystery. Chevy, I am a straight A student, but I will use both my brain and heart to make our marriage work. Thank you for giving me butterflies, for validating my emotion. The emotions I had with you, fueled my heart to make awesome stories and beautiful poetries. I love you, Chevy Ayrton Belanger." Cascading tears travelled on his face. The camera captured it well. My husband love me, alam ko 'yon. Memories of our wedding played in my head. I've been watching our wedding videos and our prenuptial videos for three consecutive times. Pinatay ko ang laptop at napatitig sa basag na Picture frame sa sahig. Chevy was mad when he left. Paulit-ulit kong pinaglalaban ang nararamdaman ko sa kanya sa bawat araw na ginawa ng panginoon. Pero, paulit-ulit niya rin akong binibigyan ng rason para manghina. Mariin kong ipinikit ang mga mata at bumuga ng hangin. Lumuhod ako sa lapag at isa-isang pinulot ang basag na salamin ng picture frame. Hindi ako sinasaktan ni Chevy tuwing nag-aaway kami. Pero kanina, sa pag-aaway namin habang papalabas ng pinto nasagi niya ang picture frame at ikinabigla kong hindi niya iyon nilingon para pulutin o ayusin. He is the sweetest man that I ever knew. Dahil siya lang naman talaga ang una at tanging naging boyfriend ko. Dahil di naman ako pansinin. Mahilig niyang maglambing, hilig niyang masahihin ang paa o ang ulo ko tuwing pag-uwi, at hilig niya rin akong kantahan hanggang sa makatulog. Nitong mga nakaraang mga buwan, madalas ang pag-aaway namin. Una, dahil sa gastusin. Kaunti lang ang kita ko sa pag-susulat. Ganoon din ang pag-momodelo niya. Pangalawa, ang pagtatrabaho ko sa Cafè na hindi niya gusto. Pero iyon lang ang tanging alam kong paraan para kumita kami at mapunan ang gastusin. Pangatlo, ang pag-pupumilit ko sa kanyang umalis na rito sa condo na tinitirhan namin at doon na lang sa bahay ng mga magulang niya rito sa france mamalagi. Pero sobra yata ang pride niya, kahit nag-hihirap na kami gusto niya pa ring patunayan ang sarili niya sa ama niya. Habang inaayos ang basag na salamin hindi mapigilan ng asking mga mata ang pag-iyak. Ang mga luha ay humarang sa aking mga mata dahilan para hindi maaninagan ang mga basag na salamin. "Aray!" sigaw ko dahil sa talas ng salamin na humiwa sa hintuturo ko. Mabilis namang bumukas ang pintuan ng condo at iniluwa noon aking asawa na si Chevy. "Bakit mo ba pinupulot 'yan? Hindi ka man lang gumamit ng walis at dustpan?" aniya na bakas ang pagkayamot. Hindi ko lamang siya pinansin at hinayaan dumugo ang kamay ko at isa Isang tinipon ang basag na salamin ng picture frame. "Ano ba Veyron?" aniya. Hindi niya nanaman ako tinawag na vroom, tulad ng endearment namin. Day by day, pakiramdam ko nafall out of love na siya saakin. After 8 years, ngayong lang siya na fall out of love. Kung kelan kasal na kami. "Tigilan mo na nga yan, anong gagawin mo dyan? Bubuuin mo? Basag na Veyron!" Dagdag niya habang hinihila ang kamay ko papasok sa kwarto. Naiiyak lamang akong nagpahila. Wala along lakas makipag-talo sa kanya. Nang makarating sa kuwarto, inilagay niya ang kamay ko sa study table at kumuha ng first aid kit. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng likido saaking sugat at pagbalot ng mga bulak doon. Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang ginagamot ang maliit kong sugat. Ramdam ko ang pag-mamahal niya saakin. Marahil, sobrang stress sa paghahanap ng trabaho at raket kaya araw-araw siyang galit. Marahil hindi pa siya nakaka-move on sa pagkamatay ni Mikkel kaya hanggang ngayon dala-dala niya pa rin ang bigat sa dibdib. "Alam kong hindi ka pa nagreresign sa coffee shop, Veyron. Mag-resign ka na bukas, ako na ang mag-hahanap ng trabaho." Aniya. "Ano? Vroom, pwede ba? 'wag mo ng pairalin ang pride mo. Kahit bali-baliktarin man natin kailangan ko mag doble kayod para mabuhay tayo. Mahal ang gastusin dito sa france Chev. Hayaan mo na ako" sambit ko habang inaagaw ang kamay sa kanya. "Oo, doble kayod. Pero hindi ka nag-tapos ng kolehiyo para mag-trabaho sa coffee shop. Nag-tapos ka para sa pangarap mong makapag-sulat!" aniya na medyo may kataasan ang tinig. Napailing na lang ako at lumabas sa kuwarto na agad naman niyang sinundan. "Ako ang lalaki, ako ang gagawa ng paraan. " Dagdag niya pa. "Paraan? Anong paraan? Akala mo ba 'di ko alam na ilang beses kang hindi natanggap sa mga agency na pinag-applyan mo dahil MARRIED ka na. MARRIED. Alam ko, di mo man sabihin Ayrton 'yong kasal natin ay isang balakid sa pangarap mo. Masyado ka kasing nagmamadali ikasal eh, diba sabi ko sa'yo noon? It can takes time. Pero ayan, atat ka, ngayon walang tumatanggap sa'yo dahil kasal ka na." Magkasalubong ang kanyang mga kilay akong pinakatitigan."Hindi ako tinatanggap dahil hindi ako purong french, hindi dahil kasal ako. Ilang beses ko bang ipapaintindi 'yon sa'yo? Wala akong pinagsisihan dahil pinakasalan kita ng maaga. Ilang beses ko bang sasabihin 'yon sa'yo?" Di ko siya pinansin at kinuha ang dustpan at walis para tipunin ang basag na salamin. "Bukas, mag-resign ka na sa Café." Pangungulit niya ulit. "Come to your senses!Maging rational ka nga! Ayaw mong tumira tayo sa magulang mo para makatipid tayo, ayaw mong mag-trabaho ako sa Cafè. Paano tayo mabubuhay? Hindi malaki ang kita ko sa pag-bblog. Naubusan na ako ng article na isinusulat. Tandaan mo Philippine based ang mga article na 'yon. Kaya di ganoon kalaki. 'Yong nobela ko, sa sampung sinulat ko dalawa pa lang ang napupublished at di pa ganoon ka mabenta. Sabihin mo? Paano tayo mabubuhay kong iaasa natin lahat sa pag-susulat ko?" Padabog kong tinipon ang mga basag na salamin at binuhos sa trash bin sa gilid ng pinto. "So anong sinasabi mo? Na umaasa ako sa'yo? Kumikita rin naman ako sa pag-momodelo at pag-gigig ah? Inaayos ko na ang record ko sa pilipinas. Pag nakahanap ako ng magandang agency, lilipad tayo pabalik. " aniya. "Hindi ko sinasabing umaasa ka saakin, ang sinasabi ko, maging rational ka. Naiinisip mo ba? Wala na tayong savings! Wala na lahat. Wala na tayong property, etong isang kotse lang ang meron tayo. Etong condo, binabayaran pa rin natin." Mahal ko ang asawa ko. Mahal na Mahal. Pero ayoko siyang papiliin kung ako ba o ang pangarap niya. Dahil alam ko ako ang pipiliin niya. Ilang beses niya na akong pinili. Ilang beses ko rin siyang pinili. Pero hindi kami nag grow, individually habang nasa france. Pakiramdam ko na-freeze lahat ng pangarap ko habang nasa france, ganoon din siya. Gusto kong makita siyang makamit ang tagumpay, ang pangarap niya. Pero pakiramdam ko, ako ang balakid na pumipigil sa pag-unlad niya. Ang marriage contract namin, ang status niya. Ang pagmamahal niya saakin, dahilan para hindi siya tumanggap ng daring na modeling. "Nagsisisi ka? Nagsisisi ka na pinakasalan ako Veyron?" aniya habang nandidilim ang mga mata. "Hindi, hindi ako nag-sisi. Pero araw-araw, hindi ko maintindihan kong bakit pinipili mo ang pride mo kesa sa utak mo" Ngumiwi siya at sarkasmong tumawa "Sorry, straight A ka nga pala. Matalino at logical mag-isip. Pasensya na ha, I can't keep up with you" aniya at padabog na tinapon ang suot na jacket sa sofa. Tumindig ang balahibo ko sa inis. Pakiramdam ko na sa bawat pagdabog niya at sa sarkastikong pagsagot niya ay binabastos niya ako bilang asawa. "Wala ka ng respeto, Chev? Ilagay mo nga yang jacket mo sa basket. Isa pa 'wag mo kong dadabugan. Paulit-uliy mo na lang saakin pinapamukha saakin 'yong talino ko. Hindi ko pinag-mamalaki 'yon! Akala ko, it's a wise decision na piliin ka. Pero, sabi nga nila ang matalino bobo sa love. Kaya ito, araw-araw mo saakin pinaparanas ang impyerno" sambit ko sa sobrang inis. Minsan, sa sobrang inis hindi na natin mapigilan mag-sabi ng magsasakit na salita. For eight years, I refrained. Kasi ayokong masaktan siya. Dahil for seven years, napakalambing niya. Pero nang mga nakaraang linggo, wala na. Unti-unting nag-laho ang lambing niya. We had so much differences. He is extroverted and can slay the crowd, while I? Pang loob lang ng bahay. Hindi ako lumalabas kapag. Hindi importante. Hindi ako nagsasalita kapag hindi naman ako tinatanong. Hindi naman naging balakid ang hilig namin sa relasyon namin. Ang naging balakid ay tulad ng problema ng iilang batang mag-asawa na nag-sisimula pa lang, pera. PERA! As we faced the reality of marriage, napatunayan kong hindi talaga totoong fairytale ang kasal. "So nagsisisi ka nga? Gusto mo makipag-hiwalay?" "Oo, lumayas ka rito!" Naiiyak kong sagot. Hindi ko kahit kelan binalak makipag-hiwalay sa kanya. Pero tuwing nawawalan siya ng tiwala sa sarili niya, ganoon din ang pag-kawala ko ng tiwala sa kanya. Tuwing napang-hihinaan siya ng loob, nanghihina rin ang loob ko. Alam ko, na ako lang naman ang rason kung bakit di niya maabot ang pangarap niya. Masyado niya akong mahal at prinoprotektahan. Nakakalimutan niya na ang mismong pangarap niya, kaya 'di siya umuusad. "Lumayas ka!" Sambit ko habang nanatiling tahimik siya at binabasa ang ekspresyon ko. "Kung ayaw mo ako ang lalayas!" "Ba-bakit ako lalayas Vroom? Ako ang Taga-france vroom. I-ikaw ang umalis." Tugon niya sa basag na tinig. Ramdam ko ang pag-pigil niya sa pag-iyak. Pero nitong mga nakaraang araw napag-desisyonan kong, magpalamig muna sa pilipinas. Iiwan ko muna siya pansamantala, pero hindi ako makikipag-hiwalay sa asawa ko. Bibigyan ko ang mga sarili namin ng oras para makapag-isip. Ramdam ko ang pag-mamahal niya saakin, at Mahal ko rin naman ang asawa ko. Pero kailangan namin ng space. Pumanhik ako sa kuwarto namin at nag-impake ng iilang damit. Noong nakaraang araw ko pa napagdesisyunan na umuwi ng pilipinas. May kunting problema lang sa magulang ko na kailangan kong ayusin. Magpapalamig din muna ako sa Pilipinas. Bibigyan ko ng espasyo si Chevy para makapag-isip. Pag-balik ko rito france, aayusin ko na lahat ng gusot namin. Aaminin ko na sa kanya ang bagay na possibleng umayos o sumira ng marriage namin. Bahala na. Gusto kong bigyan ng espasyo ang asawa ko, mag-isa. Ayaw ko na siyang idrain. Ang pag-punta ko sa Pilipinas ng dalawang linggo ang tanging naisip kong paraan para makapag-isip kaming dalawa. "Vroom naman, hindi magandang biro 'to" aniya habang hinihigit ang dala kong traveling bag. Nararamdaman ko rin ang pag-tulo ng mga luha niya, ganoon din naman ang akin. Hindi ko naman siya susukuan, uuwi lang ako ng dalawang linggo. Pero ayokong sabihin 'yon sa kanya. Dahil gusto kong ma-realize niya ang buhay pag-wala ako. Gusto kong bumalik na siya sa dati, maging sweet ulit. Ayoko ng marinig at makita ang madilim niyang mukha. Ang halos pagod na katawan. Gustong magkaroon ulit siya ng buhay. Gusto kong malasap niya ang buhay na wala ako. Para makapag-isip siya ng tama. Nang matapat ako pintuan ng condo yumapos saakin ang mga braso ng asawa ko, mahigpit. Ayaw akong pakawalan. "Vroom, Parang awa mo na. Ayusin natin to? Saan ka pupunta?" Pilit kong inalis ang katawan ko sa bisig niya "Oo, Chev. Aayusin natin to. Bibigyan kita ng oras para mag-isip." Iniwan ko siya sa condo, pinigilan niya ako pero hindi ako nag-papigil. Babalik ako Vroom, babalik ako. Space, kailangan lang natin ng space. Dalawang linggo, sapat na 'yon. Sana pag-balik ko matapos ang dalawang linggo ay hindi na tayo palaging mag-away at magsinghalan. Para masabi ko na sa'yo lahat... Dalawang linggo lang Vroom.. dalawang linggo lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD