Next: Nang makalabas si Elanher sa spatial tunnel, ay hindi niya akalaing sa hardin siya ng anak ng pinuno ng Tribo magla-landing. Higit sa lahat, ng mga oras na iyon ay gumagawa ito ng orasyon, para daw sa lalaking mag-aangkin sa katawan nito. Nang tingnan ni Elanher ang kinatatayuan niya, ay isa iyong array portal, kaya hindi nakakapagtakang doon siya mapupunta pagkalabas sa spatial tunnel. Ngunit sino ang mag-aakala na isang babae na suwapang sa katawan ang naghihintay sa kanya? “Huwag mong ubusin ang pasensya ko, babae. Hindi ako ang lalaking nararapat sa iyo,” madilim ang mukhang wika niya, nang muli siyang pinigilan ng mga guwardiya. Matalim siyang nakatingin sa babae. Halos kasingtangkad lang niya ito at hanggang beywang ang mahaba at kulot na buhok na kulay itim, katulad ng

