Next: Kahit nakaramdam ng kakaiba si Mirabelle dahil sa pagsama sa mga estranghero, ay pilit niyang pinakalma ang sarili. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay makita si Elanher sa loob ng Dragonia, para maumpisahan na nila ang paglalakbay patungo sa Hiranya. “Binibini, alam kong ikaw ay isang mortal. Kung hindi mo mamasamain, maaari ko bang malaman kung ano ang pakay mo sa delikadong lugar na ito?” biglang tanong ni Koroneo, nang makarating sila sa tapat ng mataas na bakod. Hindi agad nagsalita si Mirabelle at tinapunan ng makahulugang tingin ang walang kibo na serpiyente. Saka niya binalingan si Koroneo at simpleng ngumiti. “Tulad ninyo, ay mayroon din kaming pakay sa loob ng Dragonia. Nabalitaan ko kasi na dito matatagpuan ang isang halamang gamot na kinakailangan ko, para sa medi

