Next: Hindi makapagsalita si Mirabelle at napaawang lamang ang labi habang labis ang pagkabog ng dibdib na nakatitig sa mga nilalang, na hindi niya masabi kung ano’ng uri. Gusto niyang tumakbo, ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay hindi niya maikilos ang mga paa. “Elanher…” sambit niya sa isip. “Help me. Help me, Elanher…” Hindi niya namalayang isa-isa na palang pumatak ang kanyang luha. Ngunit kahit ano’ng sambit niya at tawag sa pangalan ng kasintahan ay hindi ito nagpakita. Then… the surroundings suddenly turned gray. Ang kaninang malawak na parang at berdeng kapaligiran ay napalitan ng tuyot na kahoy at mga sanga na isang buga ng hangin ay mawawasak na. Ang lupa na kinatatayuan ni Mirabelle ay naging maputik at unti-unting kinakain ang paa niya na para siyang ginagapos. Ito ang

