“Hold on tight. The weightlessness will make you feel breathless for a while.” Mahigpit na napayakap si Mirabelle kay Elanher matapos marinig ang sinabi nito, kahit wala siyang ideya kung ano ang dapat na maramdaman. Nasa bakuran sila ni Xavier dahil naroon ang array na magta-transport sa kanila patungo sa entrada ng bundok ng Dragonia, ang lugar ng mga dragon na katulad ni Mirabelle. Ngunit ang Dragonia ay isa lamang lugar kung saan nakatira ang mga ordinaryong nilalang, na siyang sumasamba sa gintong dragon kapalit ng proteksyon mula sa makapangyarihang nilalang. Hindi na ito sakop ng mga mortal dahil ibang nilalang ang nakatira dito. Ang eksaktong lagusan patungo sa Hiranya Lairia ay kinakailangan pa nilang alamin, at isa pa, kailangan nila ng mapa. Isang hindi oridnaryong mapa, at

