Isang oras ang lumipas bago nakabalik si Keili, pero nang makita ni Elanher ang babaeng dala nito, imbes na manabik, ay lalo siyang naghina. Maganda at maalindog ang babae. Sexy at talagang kaakit-akit. Pero habang tinititigan niya ito nang matagal, at maamoy ang amoy nito, ay lalo siyang nasusuka at nahihilo. Tulad nang nararamdaman niya noong nasa Elanherealm pa lang siya at nire-reject ng katawan ang anumang katas na nakukuha sa kababaihan. "f**k! Take her out!" nanghihinang sigaw niya sa alagad. Pero hindi siya nito agad siya naintindihan o talagang sinasadya nitong asarin siya, dahil nais nitong makita siyang nahihirapan. At hindi lang iyon, dahil sa panghihina niya ngayon ay baka biglang iluwa ng kanyang dimensyon si Mirabelle at makita siya na may ibang babaeng kausap. "What do y

