"Sumuko ka na, ElHelcurt. Kahit kailan ay hindi ka mananalo sa akin," dumadagundong ang nang-uuyan na boses ni Elanher na halos yumanig sa buong paligid. "Hahaha! Ikaw? Susukuan ko? Mangarap ka, Elanher! Humanda ka at ikaw ang isusunod ko sa ama mo sa ElVhalla!" The saber lets out a sinister dark energy, and it hums as it flies towards Elanher, striking him ferociously. Nang marinig ni Elanher na binanggit ni ElHelcurt ang kanyang ama, ay lalo lamang siyang naging malakas. Iyon ay dahil nilamon ng galit ang buo niyang pagkatao. Sa kaalaman ng lahat ng taga Elanherealm, isang malaking pagkakamali ang pagkakabanggit sa kanyang ama. Iyon ay dahil hanggang ngayon, ay hindi pa rin makalimutan ni Elanher kung ano ang nangyari rito. Mahal na mahal niya ang magulang, pero isang mabigat na sakrip

